Chapter 28 - Room

2.3K 102 2
                                    

Zariyah's Pov

"Gusto ko pang manuod, eh." Parang batang sabi ko kay Kyle.

Pinatay niya na kasi yung TV at binitbit ako papunta dito sa kwarto na tinulugan ko kanina.

"It's too late. Kailangan mo nang matulog."

"Promise, gigising ako ng maaga bukas."

"No. Bawal kang magpuyat, magkakasakit ka niyan."

"Gusto ko ngaaaa..pleaseeeeeeee." kunti nalang talaga at iiyak na ako.

He let out a loud sigh and carry me, bride style. Lumabas kami ng kwarto at parang alam ko na, na papayagan niya ulit akong manood.

Yey!

Umiba ang mukha ko ng dalhin niya ako sa kabilang kwarto. Akala ko naman dadalhin niya ako sa sala at ipapanood ako.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama at dumiretso naman siya sa banyo.

*pout* Niligid ko ang paningin ko at napansing mas malaki ang kwartong 'to kaysa sa kwartong tinulugan ko kanina.

Napako ang paningin ko sa isang malaking TV sa harap nitong kama. Ngumiti ako ng nakakaloko at lumapit sa TV.

Sinaksak ko ang TV at inopen. Gumagana, Yey! Hinanap ko yung channel na pinanood ko kanina at kaagad ko ding nahanap yun.

Tawa parin ako ng tawa habang pinapanood sila. Nakahiga na din ako sa kama at panay hawak sa tiyan dahil sumasakit na ito katatawa ko.

Natigil ang pagtawa ko nang lumabas si Kyle na nakatapis lang ng towel sa baba at bored na nakatingin saakin.

Nanlaki ang mata ko at kinuha yung malambot na pillow at tinakpan ang mata ko. Syempre, kahit gustong-gusto ko makita yung pandesal niya, wag muna ngayon. Nakatingin saakin eh, baka isiping minamanyak ko siya.

"Really a hard headed, Zari." Sabi niya at narinig ko nalang ang lakad niya papalayo saakin.

Tinanggal ko yung unan sa muka ko at tiningnan ang TV. I rolled my eyes while wincing.

Eh pano ba naman? Tapos na yung Pee Mak.

Kinuha ko yung remote at kaagad na pinatay ang TV. Nakasimangot pa akong binunot ang TV at padabog na lumapit sa pinto.

I tried to open it but I can't. The door is locked and I know that Kyle locked it on purpose.

"Stay here tonight with me."

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.  Pwede naman kasing tawagin muna ako bago magsalita, diba?

Dahan-dahan akong humarap sakanya. Bigla namang nag-iba ang mukha niya na para bang nako-confuse. Dun ko lang napansin na salubong na salubong pala ang kilay ko kaya agad ko yung pinaghiwalay at umiwas ng tingin.

I cleared my throat. "Dun nalang ako matutulog sa tinulugan ko kanina."

He let out a loud sigh. "If you want to sleep there, you can. Pero...kasama ako."

Sumimangot ako. "Dapat, yung mag-isa lang ako. Pangit naman kung magkasama babae at lalaki sa iisang kwarto, diba?" Huminga ako ng malalim at mas lalong umiwas ng tingin habang nakahawak pa ang isa kong kamay sa leeg. "You know that t-thingy thingy."

He chuckled. "Ilang beses na tayong natulog magkatabi."

Nagpilit ako ng mahinang tawa. "Eh...may kasama tayo nun sa bahay, dito w-wala."

Tumawa ulit siya habang umiiling-iling. "Relax. Wala akong gagawing masama sayo. Pero...kahit nandun tayo sa mansion, wala pa ring makakapigil saakin sa gusto ko." Humawak siya sa sintido niya at umiling-iling ulit. "Again, I won't do it but if you want, I will." Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Asa ka!" Sabi ko at padabog na bumalik sa kamo at tinaklob ang comforter sa buong katawan ko.

Naramdaman kong humiga na din si Kyle sa tabi ko. Jusko! Ilayo niyo po ako sa tukso!!!

Pinilit kong ipikit ang mata ko para makatulog pero wa epek!

Medyo mainit dito sa loob ng comforter kaya inilabas ko yung kalahati ng katawan ko. Yung ibaba ko nalang ang tinakpan ko ng comforter.

Nang dinalaw na ako ng antok ay ipipikit ko na sana ang mata ko pero naramdaman ko ang mainit na hininga ni Kyle sa tenga ko.

"You're only mine, Zari."

_________

Don't forget to Vote, comment and Share. Follow me also<3

FB page: Agratha

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें