Chapter 44 - Ala-ala

1.6K 57 0
                                    

EAMB Chapter 44 - Ala-ala

Josefa's POV

*Continuation of the Flashback*

Kanina ko pa napapansin itong pinsan kong si Solina. Kanina pa siya tulala at namumula ang pisnge.

Tinanong ko kung ano ang nangyari sakanya, ngunit wala naman daw ang tangi niyang sagot.

Hindi na rin ako nagtanong pa ulit dahil malalim din ang aking iniisip. Parang may tumusok na pako sa dibdib ko kanina nang mahuli kong nakatingin si Mario kay Solina habang nasa Ferris wheel kami.

Ibang-iba ang tingin niya sa pinsan ko kumpara sakin at sa ibang babae. Punong-puno iyon ng emosyon at nakita ko ang pagmamahal niya kay Solina habang nakatingin ito dito.

Oo, mahal ko si Mario. Siya ang unang lalaki na bumihag sa puso ko. Ngunit ano ang aking gagawin kung iba ang kaniyang minamahal? At ang masakit pa, ang pinsan ko pa ang maswerteng babaeng ito.

Napakasakit sa puso na makita ang iyong mahal na may mahal na iba. Naalala ko nga nung umamin ako sa kaniya patungkol sa nararamdaman ko.

“May mahal na akong iba, Josefa.” Iyan ang sinabi niya sakin. Ginawa ko na ang lahat pero kulang parin? Masakit. Sobrang sakit.

Solina's POV

Ilang oras na ang nakalipas pero hanggang ngayon, dama ko parin ang malambot na labi ni Mario sa pisnge ko at noo. Nakabalik na din kami ni Josefa sa bahay. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari saakin, pero hindi ko sinabi ang totoo. Hindi na din nagtanong pa si Josefa at tahimik lang kaming umuwi sa bahay.

“Mauna na ho ako.” nabalik ako sa reyalidad nang magpaalam si Josefa.

Nagmano siya kina Itay at Inay bago umalis. Tipid ko lamang siyang nginitian, at ganoon din siya.

“Kumain kana, Anak!” sigaw saakin ni Nanay mula sa kusina.

“B-busog pa ho ako. Kakain nalang ho ako mamaya. Pahinga na muna ho ako sa kwarto.” magalang kong sagot bago pumasok sa kwarto.

Pabagsak akong nahiga sa kama, napangiwi ako sa sakit nang tumama sa kawayan ang likod ko. Nakalimutan ko pala na nakabanig ako.

Umayos ako ng higa at tumitig sa bubong namin. Ano ba ang nangyayari sakin? Halik lamang iyon sa pisnge at marami namang humahalik sakin lalo na noong bata pa lamang ako.

HINDI ako nakakain at nakatulog ng maaga kagabi kaya ngayon ay kumukulo na ang aking tiyan.

Dinamihan ko ang kain ko ngayong umaga dahil sasama daw ako mamaya kay Josefa papunta sa bukid kung saan kami magp-piknik.

Kami lang daw dalawa para masulit namin ito, at baka daw bumalik na ang memorya ko.

“Solina, tara na.” Nakangiting sabi ni Josefa at binitbit ang dalawang basket. Ngumiti lamang ako at kinuha na din ang isang basket na puno ng pagkain.

“JOSEFA, ano ba ang dapat maramdaman ng isang babae kung siya ay hinalikan ng isang lalaki?” tanong ko habang naglalakad papunta sa destinasyon namin.

Gulat na napatingin saakin si Josefa. “Bakit mo naitanong? May humalik na ba saiyo?” hindi ko alam pero parang galit ang pagkabigkas niya nito.

“W-wala. Gusto ko lang malaman, masama ba iyon?”

“H-hindi naman sa ganun. Pero ang mga babae na nagtatanong tungkol sa paghalik ng isang lalaki, ang ibig sabihin nito'y may humalik na sakanyang lalaki kaya gusto niyang malaman.”

“W-wala nga. Gusto ko lang talagang malaman. Pwede bang sabihin mo nalang sakin?” hindi ko na napigilan ang pagkairita sa boses ko. Ba't hindi nalang kasi ako diretsuhin, diba?

“Oh sige sige.” Tumikhim ito bago nagsalita. “Kapag hinalikan ka ng isang lalaki sa labi, ibig sabihin nito ay mahal ka niya. Kapag marahan niyang hinalikan ang iyong labi, nagpapatunay ito na nag-e-enjoy siyang kasama ka at pinapahalagahan niya ang iyong pag-ibig. Mahal na mahal ka niya at gusto niyang magkaroon kayo ng chansa. Tanda ito ng pag-ibig at kailangang taggapin mo iyon kung mahal mo din siya.” mahabang paliwanag nito.

“Eh, paano naman kung sa pisnge at noo ka niya hinalikan?” takang tanong ko habang nagkakamot ng batok.

“Hmm... Ang ibig sabihin ng halik na iyon, hindi siya ang tipo ng lalaki na gusto ka lang ikama. Malaki ang respeto niya sa iyo, nirerespeto niya din ang pangarap at lahat ng gusto mo. Ibig sabihin din nito na gusto niyang pataasin ang estado ng inyong relasyon.”

Dahil sa sinabi ni Josefa, ramdam ko ang init sa pisnge ko at tila paghinto ng mundo. Ito ba ang ibig sabihin nito? Ngunit sino itong lalaki? Kailangan kong alamin kung sino ito at kailangang maibalik ko kaagad ang memoryang nawala saakin.

Napahawak si Josefa sakanyang tiyan at parang sumasakit ito. Kaagad ko siyang nilapitan at tinanong.

“Ayos ka lang ba, Josefa?”

“H-hindi ako maayos, Solina. Babalik na muna ako sa bahay.” sagot niya.

“Sige, tara na–”

“Ako nalang. Mauna ka na doon, babalikan naman kita.” putol niya sa sasabihin ko.

“Hindi. 'Wag nalang natin ituloy, sasama na ako saiyo pabalik–” pinutol niya ulit ang sasabihin ko.

“Hindi na nga!” tumaas na ang kaniyang boses. “K-kaya ko naman. Mauna kana doon. Ganito nalang, kapag hindi ako nakapunta doon sa isang oras, bumalik kana din sa bahay.” Ngumiti ito ng matipid. “Sige na?”

“Magiging okay ka ba talaga?” Nag-aalalang tanong ko.

“Oo naman, ako pa ba.” tumango nalang ako at pinagmasdan siyang palayo saakin. Iniwan niya na din ang dalawang basket na dala-dala niya kanina.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang dalawang basket at binitbit.

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi kanina saakin ni Josefa habang naglalakad, hindi ko tuloy napansin ang malaking bato na nakaharang sa daan. Nadapa ako at tumama ang ulo ko sa isang bato.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay, isang gwapo lalaki ang nakita ko. Binuhat ako nito at hinalikan sa noo.

“Mario...”

—————

A/N: Napapansin niyo? Tuloy-tuloy pag-u-UD ko HAHAHAHA. Well, susulitin ko na habang may load pa HAHAHAHA.

Hinahanap niyo ba ang mas cold na Mr. Montenegro? Wait lang kayo, 'wag mainip HAAHAHAHHAHA.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now