Chapter 61

1.3K 36 3
                                    

EAMB Chapter 61

Third Person's POV

KANINA pa inom nang inom ang dalaga ngunit ang ipinagtataka niya ay hindi siya nalalasing, kaya naman bumaling siya sa bartender at tinanong kung ilang percent ba meron ang alak na iniinom niya.

“85% Alcohol, Beautiful Lady.” Tumango-tango na lamang siya at bumalik kay Klein na bored na nakatingin sa inuming inorder niya.

“Bakit hindi mo 'yan iniinom?”

“Ayaw ko lang.” Umiling-iling nalang siya at pinagpatuloy ang pag-inom. Gusto niyang mag-enjoy, may tiwala naman siya sa kasama niyang si Klein eh.

Biglang naghiyawan ang mga taong nasa bar at kaniya-kaniyang lumapit sa stage ng bar na para bang may sikat na dumating. Paniguradong pogi iyon dahil ang lalakas ng tilian ng kababaihan.

“Tara, lumapit tayo do'n.” Pag-aaya ng binata, sa wakas ay nag-aya din ito. Kanina pa kasi sila nakaupo eh. Tumango nalang siya bago lumapit sa stage.

Nakipagsiksikan sila do'n sa mga babaeng todo tili habang lumulundag-lundag pa.

Tumigil ang mundo niya nang magtagpo ang mga mata nila. Ang mapupungay nitong mga mata ay nakatingin sakaniya na para bang siya lamang ang nakikita ng binata. Nararamdaman niya ang malakas na tibok ng puso niya, at parang gusto na nitong lumabas at lumundag-lundag sa sahig.

Gusto niyang tumingin sa iba, ngunit nakakahipnotismo ang titig nito na parang sinasabing 'tumingin ka lang dito'. Mas lalong nagwala ang puso niya nang ngumiti ang binata sa kan'ya.

Mas lalo ata siyang gumwapo—what the fuck? Akala ko ba galit ka sa kan'ya? Anang isip niya. Ipinilig niya ang ulo at minabuting tumingin sa ibaba.

Zariyah's POV

Totoo ba ang nakita ko? O baka naman lasing lang ako kaya ko siya nakita? Parang totoong-totoo ito.

“Argh!” Ipinilig ko ulit at ulo ko at tumingin kay Klein na nanunudyong nakangiti sa'kin. “What?”

“Wala naman. Okay ka lang ba?”

“Okay lang ako, 'no. Sino ba 'yang nasa stage at pinagkakaguluhan ng mga tao?” Painosente kong tanong.

“Basta-basta. Manood ka nalang.” Ginawa ko ang gusto niya at nanood nalang ako kahit na ang nakikita ko ay si Kyle. Kaagad naman akong umiiwas kapag tumititig siya sa mga mata ko.

“Good evening, everyone. Today, I will do the thing I won't do for other girls. And, I will take this opportunity to say sorry to the one I love the most, but I'm not sure if she loves be back. I'm so sorry, my angel.” My angel? 'Yan 'yong tawag sa'kin ni Kyle no'ng isang araw ah. Argh! 'Wag ka na munang mag-overthink. “Maling-mali 'yong nakita mo, just let me explain after this.” Tipid itong ngumiti habang nakatingin parin nang matiim sa kan'ya. “Anyways, I will sing for you. Makinig kang mabuti sa lyrics ha.” Kaboses niya si Kyle, pero alam kong hindi 'to gagawin ni Kyle.

Nagsimula siyang tumugtog ng gitara at maya-maya lang ay nag-umpisa nang kumanta. Pero bago iyon mangyari, iniwan ako ni Klein at umakyat sa stage at hinawakan ang isa pang gitara.

Lately I've been thinkin'
Thinkin' 'bout what we had
I know it was hard, It was all that we knew, yeah
Have you been drinkin'
To take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve

His voice was very calm and it seemed seductive. That's why the women around me shouted even louder. I can't deny that his voice is so beautiful, kaboses niya ang lalaking dumurog ng puso ko kanina.

'Cause nothing can ever
Ever replace you
Nothing can make me feel like you do, yeah
You know there's no one
I can relate to
And know we won't find a love that's so true

The handsome man who was singing slowly removed the microphone and slowly walked closer to me. Simultaneously with the focus of light on us is also the focus of the eyes around us.

There's nothing like us
There's nothing like you and me
Together through the storm
There's nothing like us
There's nothing like you and me together, oh

Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisnge ko pababa sa labi ko. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko at panigurado akong naririnig din niya ito. Alam kong hindi na ako lasing, alam kong siya talaga 'to. Hindi talaga ako pinaglalaruan ng isip ko.

I gave you everything, baby
Everything I had to give
Girl, why would you push me away? Yeah
Lost in confusion
Like an illusion
You know I'm used to making your day

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla nalang niyang inilapit ang kaniyang labi papunta sa labi ko. Wala akong nagawa kundi ang tumulala dahil sa pagkabigla. Ang tibok ng puso ko nalang ang narinig ko ngayon, at pakiramdam ko'y kaming dalawa lamang ang narito. Ilang segundo lang ang lumipas bago ulit tumunog ang gitara at nagsimula siyang kumanta.

But that is the past now
We didn't last now
I guess that this is meant to be, yeah
Tell me, was it worth it?
We were so perfect
But, baby, I just want you to see

Ngumiti siya atsaka hinawakan ang bewang ko at inilapit ang katawan namin sa isa't-isa. Naamoy ko ang mabango niyang hininga at nararamdaman ko din ang parehong init ng katawan namin.

There's nothing like us
There's nothing like you and me
Together through the storm
There's nothing like us
There's nothing like you and me together, oh.

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon