Chapter 17 - Jogging

2.9K 103 0
                                    

Zariyah's Pov

Suot ko ngayon ang binili ni Mr. Stranger na hoddie saakin. Mahaba ito kaya kung titingnan ay dress.

Magjo-jogging daw kasi kami para maka-exercise daw ako at masinagan ng araw sa umaga.

Well, kung nagtataka kayo kung bakit namin inuna ang pagkain sa jogging ay gutom na talaga kami, okay?

Lumabas si Mr. Stranger sa walk-in closet niya. Nakablack hoddie siya at nakashort.

Ang gwapo naman...

Naramdaman kong umiinit nanaman ang pisnge ko kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

"Let's go?" He asked and I just nodded.

_

Ilang kanto palang ang tinatakbo namin pero pagod na ako. Gusto ko nang umuwi...

"Hanggang saan ba 'tong tatakbuhin natin?" Inis na tanong ko habang pinupunasan ang pawis.

"Hanggang sa park."

Park? Sana naman malapit na...

"Stay away 1 meter from me." He seriously said.

Hindi ko na siya tiningnan at sinagot. Kusa nalang akong lumayo dahil iba talaga ang pakiramdam ko.

Parang may sumusunod saamin...

Baka naman stalker ni Mr. Stranger o baka pareho lang naman kami ng pupuntahan. Baka praning lang talaga ako...

Tumingin ako kay Mr. Stranger na mag pawis na din. Medyo basa na yung buhok niya dahil sa pawis.

Kusa nalang akong napangiti habang nakatingin sakanya.

Pvta! Ba't ba ang gwapo mo, Mr. Stranger?

Umiwas ako ng tingin ng tumingin siya ng puno ng pagtataka sa gawi ko.

Pasimple pa rin akong ngumingiti dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mukha niya.

"Teka...Ano nga pala pangalan mo?" I suddenly asked.

"Kyle." Tipid niyang sagot.

Kyle? Parang familiar...
Saan ko nga ba narinig yung pangalan na yun?

"Ahh, okay. Ako nga pala si---"

"Zariyah Eurydice Cervantes." Putol niya sa sasabihin ko.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Creepy...

"Paano mo nalaman---ahh okay, kay Klein mo nalaman 'noh?"

Kyle's Pov

"Zariyah Eurydice Cervantes." wala sa sarili kong sabi.

Fvck! Ba't ko sinabi yun?

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now