Chapter 49 - Roswald

1.7K 58 0
                                    

A/N: Sorry sa late update. Masyado na kasi akong na-busy sa modules, tsaka kailangan ko ding mag-doble aral dahil SSC Student na ako at Mayor(President) pa ako sa class namin. So, medyo mal-late ako ng update palagi.

HAPPY 10.9k+ reads, Encountered A Mafia Boss! Maraming salamat, mga palangga.

Add niyo pala ako FB (Agratha WP). Kung hindi niyo ako ma-add, message niyo nalang ako para ako na mismo mag-add sainyo. Kailangan ko lang po ng FB Friends na Wattpader din.

EAMB Chapter 49 - Roswald

Zariyah's POV

“Hingang malalim, Zariyah. Kaya mo 'yan.” pabulong kong sabi sa sarili bago binuksan ang pinto ng restaurant ni Mudra.

Oo, restaurant na ang pinalit nila. Nabalitaan ko 'yun dahil sa balita. Naibalita kasi sa TV na nasunog ang coffee shop ni Mudra, at ang ipinalit ay Restaurant. Hindi ko napatapos ang balita dahil biglang kumatok si Yaya Soling at inimbitahan akong kumain.

“Hindi pa nga siya pumapasok eh.” pabulong na sabi ng lalaki sa may pintuan pagpasok ko. Mukhang mahalaga at seryoso ang kausap niya dahil sa boses nito. Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang mukha, pero natitiyak kong si Roswald ito.

“Yow.” nakangiti kong bati.

Dahan-dahan niya akong nilingon habang bahagyang nakaawang ang bibig na para bang gulat na gulat na nakita ako.

Siguro nagulat lang siya dahil kapapasok ko lang? Pero ba't parang hindi 'yan ang dahilan kong bakit siya nagulat? Hayaan ko nalang nga.

“Zariyah...” hindi makapaniwalang sambit nito. Ngumiti nalang at tumango-tango. “K-kanina k-ka pa ba d-diyan?”

Umakto ako ng normal at umayos ng tayo. “Hindi naman. Kadadating ko nga lang eh.” Tumawa ako para mawala ang tensiyon na bumabara saakin. “Sina Mudra, andiyan ba?”

“O-oo.” Tumingin siya sa may likod ko. Tumingin na din ako at nakita ko sina Jona na busy. “Tanungin mo nalang sakanila, Zariyah.”

Ibinalik ko ang tingin sakanya at nagpilit ng ngiti. “hmm... Sige.” hindi ako makangiti ng maayos dahil may iba talaga akong nararamdaman. Hindi ako nakakaramdam ng multo, okay? Parang may tinatago kasi itong si Roswald. Pero bawal naman ako maghusga kaagad, baka naman pinaglalaruan lang ako ng isip ko.

Nagpaalam na ako sakanya at naglakad palapit sa tatlo. Si Clyde ang kumukuha ng order at bayad, habang si Michelle naman ay waitress. Wala si Grace kaya nasisiguro kong nasa loob siya ng kusina. Si Jona naman ang taga-bigay ng order kay Grace at taga-pindot ng bell at taga-announce ng table number. Si Roswald siguro ang taga-bati ng mga costumers, hindi lang ako sure. Magtatanong nalang ako mamaya.

“How can I help you, ma'am—” Natigil siya sa pagsasalita nang humarap siya sa gawi ko. “Ate Zariyah?!” masayang bati niya. Nakuha niya ang atensyon ng mga costumers kaya agad din siyang humingi ng tawad. Lumapit na din saamin sina Clyde at Michelle, pati si Grace ay lumabas na din sa kusina. Grabe naman kasi makasigaw 'tong si Jona.

Lumabas ng counter si Jona at bigla akong niyakap. “Ate Zariyah, omg ka!”

“Kamusta, Ate Zariyah?” tanong ni Grace habang masayang nakangiti.

“Okay lang naman. Kayo? Kamusta na kayo?” Tanong ko nang bitawan na ako ni Jona.

“Okay lang din naman, ate. Pero mas okay talaga kapag andito ka. Ay, marami pala akong ik-kwento sayo, ate. Kagaya nito—.” biglang tinakpan ni Grace ang bunganga ni Jona.

“Ako na magsasabi. Alam mo kasi, ate Zariyah... Itong si—” pinutol naman ni Michelle ang dapat na sasabihin ni Grace.

“Itabi niyo, ako na. Grabe naman kayo eh, dapat ako magsasabi na si—”

“Ako na nga lang.” Biglang sabi ni Clyde dahilan para maputol ang dapat sasabihin ni Michelle. “Mga chismosang ‘to. Ako na dapat magkwento sakanya eh.” naka-pout na sabi ni Clyde.

“Anong kaguluhan ‘to?” Napatigil kami nang marinig ang boses na Mudra.

“Mamaya nalang tayo mag-usap, ate.” halos sabay na sabi nila bago ako iniwanan. Mga punyetang ‘to.

Dahan-dahan akong lumingon at nahihiyang ngumiti. “H-hi po, Mudra.”

“Zariyah, anak?” Hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bunganga. “Mabuti naman at nakapasok kana!” Inisang hakbang niya ang pagitan namin at mahigpit akong niyakap. “Sobra kitang namiss, anak!” maarte nitong sabi.

“Na-miss din po kita.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at tiningnan ako bago ako hinawakan sa kamay at marahan na hinila papasok sa kung saan. “Halika sa loob, anak. Marami akong ik-kwento sayo. Mag-usap muna tayo sa opisina.”

Pumasok kami sa medyo hindi kalakihang opisina pero maganda. Kulay pink ang paligid at kumpleto ang gamit.

“Mahilig ka po talaga sa pink, 'noh?” Biglang sabi ko habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.

“Maupo ka muna.” Umupo ako sa visitor's chair at siya naman ay umupo sa swivel chair.
“Mahilig talaga ako sa pink kaya nga pink ang theme ng opisina ko eh. Pero syempre, kailangang brown ang theme ng restaurant para makaakit ito sa mga costumers. Para naman kasing ano kapag pink 'yung nilagay ko, 'diba.” maarte nitong pinagsiklop ang sariling kamay.

“Oo nga po.” sinabayan ko ito ng tawa. “Eh, kamusta naman po dito sa Restaurant niyo? Maayos din po ba ang kita.”

Bigla itong na-excite at alam kong excited siyang ikwento iyon saakin. “Naku, anak, ang dami ko talagang ik-kwento saiyo. Ang tagal mo din kasing nawala eh. Pero okay lang 'yan dahil andito kana ulit.”

“So, ano nga po 'yung ik-kwento niyo?” Excited kong tanong.

“Maayos naman ang bentahan dito sa restaurant, mas madami nga ang costumers kaysa sa coffee shop ko noon.” tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento niya. Hindi din ako nagsasalita para mas maintindihan ko siya.

“Natatandaan mo ba iyong batang iniligtas mo?” tumango naman ako bilang sagot. “Ang nanay pala niya ay si Mrs. Melanie Santiago; ang may-ari ng isa sa sikat na boutique dito sa pilipinas.”

“Gusto ka nga niyang personal na makausap eh. Tsaka itong restaurant, ay sakanya talaga at ibinigay niya nalang saakin. Pasasalamat na din daw niya. Mas lumago ito nang ipalabas ang tungkol dito sa TV.”

May kinuha siya sa kaniyang bag. “Ito pala ang calling card ni Mrs. Santiago. Tawagan mo lang daw siya para makaset siya ng meeting niyong dalawa. May importante din nga siyang sasabihin kaya ibinigay niya iyan.”

“Change topic.” Tumikhim ito bago nagsalita. “Itong si Clyde pala ay may lihim na pagtingin kay Michelle. Kaya nung nalaman ni Michelle iyon, inasar niya ng inasar si Clyde kaya lalo itong nagkagusto sakaniya at nalaman pa ito nina Jona. Yan siguro 'yung gusto nilang sabihin sayo kanina.” Tumawa ito. “Kumusta ka naman?”

“Ayos naman po. Hmm...” I paused. “Tungkol po kay Roswald, may napapansin po ba kayong kakaiba tungkol sakaniya?”

Ayaw kong tanungin 'yun, pero may nag-uudyok talaga sa isipan ko na itanong ito. Siguro para mapanatag na din ang kalooban ko...

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now