Chapter 50 - Back to Work

1.7K 46 0
                                    

A/N: Kung may mapuna kayo na sentence(s) na para sa 3rd Person's POV, sorry. Mahilig na kasi akong magbasa ng mga stories na ganun ngayon kaya baka may mali ako HAHHAHA.

EAMB Chapter 50 - Back to Work

Zariyah's POV

“Ayos naman po. Hmm...” I paused. “Tungkol po kay Roswald, may napapansin po ba kayong kakaiba tungkol sakaniya?”

Ayaw kong tanungin 'yun, pero may nag-uudyok talaga sa isipan ko na itanong ito. Siguro para mapanatag na din ang kalooban ko...

Mas lumiit ang singkit nitong mata bagp tumingin sa taas at parang nag-iisip. Nakalagay din ang dalawang daliri niya sa kaniyang baba.

“Ahm...” ibinalik niya ang tingin saakin. Inosente ang mukha niya at parang wala itong alam. “Wala naman. Bakit mo naman naitanong?”

Naghihinala po kasi ako sakanya. “Wala lang po. Naitanong ko lang.” Nagpilit ako ng tawa para bawasan ang kutob na nararamdaman ko.

“Pero,” he paused. “Minsan, nakikita ko siya na may kausap sa telepono at seryosong-seryoso sila. Hindi naman ako nagtatanong dahil baka masabihan pa akong chismosa. Noong nakaraang buwan, may taong pumasok dito sa restaurant at hinahanap siya. Nakita ko ang naging reaksiyon ni Roswald nang makita niya ang lalaking naghahanap sakanya. Para siyang nakakita ng multo at hindi ko iyon maipaliwanag kung bakit. Hinayaan ko silang mag-usap bago ako bumalik dito sa opisina ko, pero lumabas din ako dahil may pupuntahan pa ako. Akala ko tapos na silang mag-usap dahil isang oras na din ang nakalipas, pero mali ako. Nag-uusap parin sila ng mga oras na iyon. Seryosong-seryoso ang lalaking kausap ni Roswald. Dumaan ako sa gilid nila dahil nga aalis ako, at hindi ko sinasadyang marinig ang pangalan mo. Hindi sila nagsasalita ng Tagalog or English kaya hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Basta narinig ko lang talaga ang pangalan mo. Uccidere Zariyah—hindi ako sure kung iyan 'yung sabi ng lalaking kausap ni Roswald. Pero parang malapit na sa word na ‘yan.”

Parang nanlamig ako sa mahabang paliwanag ni Mudra. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Bakit nadamay siya dito?

“S-sige po, salamat.” marami pa akong gustong sabihin pero 'yan lang ang lumabas sa bibig ko. I cleared my throat before speaking. “Uhm, kailan po ako pwedeng magsimula ulit sa pagt-trabaho?” Ngumiti ako.

Ngumiti ito pabalik, “Kahit kailan mo gusto.”

“Pwede po ba ngayon?”

Namilog ang mga mata nito. “Sigurado ka?”

“Opo.” Magiliw kong sagot.

“S-sige. Basta't 'wag mo lang papagurin ang sarili mo ha?” tumango ako bilang sagot. “Kunin mo nalang ang damit mo dun sa locker. May pangalan ang mga locker niyo kaya hindi ka mahihirapan na hanapin 'yun. Pagka-labas mo, diretsuhin mo lang ang daan. Tapos sa dulo, nandoon 'yung locker niyo.”

“Sige po, Mudra.”

“Si Jona nalang ang bahalang magsabi saiyo kung ano ang gagawin mo.” Ngumiti ito. “Sasabihin ko sakanya bago ako umalis.” Tumango nalang ako bago naglakad palabas ng pinto.

“Bye, Mudra. Ingat.” I said before closing the door. Ngumiti naman ito at nagpaalam din.

Russu's (Mudra) POV

Lumabas na ako sa opisina ko dito sa restaurant at pinuntahan si Jona sa counter. Sinabi ko dito ang magiging trabaho ni Zariyah sa restaurant bago lumabas at sumakay ng kotse.

Nang pansamantalang mawala si Zariyah, sobrang hirap din ng sitwasyon namin sa restaurant. Kulang kami ng mga crew. Ayaw ko din kumuha ng mga basta-bastang crew dahil mahirap na sa panahon ngayon. Pero ngayon, bumalik na din si Zariyah at alam kong magiging maayos na ang lahat.

Aaminin ko na namiss ko din ang batang iyon. Bukod sa maganda, ay magalang at matalino din ito. Saan ka pa? Kahit medyo bata pa siya, sobrang talino na niya.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang alarm notification ko. Napangiti ako nang makita ko kung ano ang nakalagay dito.

Magkikita kami ngayon ni Mr. Montenegro dahil tatanggapin niya na daw ang request ko na mag-invest siya sa restaurant ko. Sobrang saya ko nga nang tawagan niya ako at sabihin iyon. Dala ko na ngayon ang mga kailangan permahan para sa business meeting namin ni Mr. Montenegro at handang-handa na ako.

Flashback...

It was a long day for me. Sobrang nakakapagod. Kakabukas lang ng bagong restaurant ko at sobrang dami ng costumers kaya ang ginawa ko, tumulong nalang din kayna Jona. Kulang ang ang crew ko at sobrang laki ng restaurant.

Matutulog na sana ako pero naalala kong hindi pa pala ako nakakapaligo, nakapaligo naman ako kaninang umaga pero nakasanayan ko nang maligo ulit sa gabi. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Malalim akong bumuntong hininga at marahas iyong ibinuga.

“Mas mahirap pala talaga kapag restaurant na ang inaasikaso mo...” Pagkausap ko sa aking sarili. Hinilot ko ang sintido ko gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakapameywang.

Dumiretso ako sa banyo at isa-isang hinubad ang mga damit ko at pumailalim sa shower. Nakapikit ako habang nakatingala at minamasahe-masahe ang matitipuno kong braso pababa sa abs ko.

Oo, meron akong abs kahit bakla ako. Araw-araw din kasi ako noon sa gym, pero hindi na ako nakakapag-gym ngayong mga nakaraang linggo dahil naging busy ako.

PAGKATAPOS kong maligo, lumabas na ako. Nakapulupot ang isang towel sa ibaba ko, habang ang isa naman ay ginagamit ko para tuyuin ang buhok ko.

Habang dahan-dahan kong tinutuyo ang buhok ko, biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para tumuon dito ang atensyon ko.

Marahas kong kinuha ang phone ko na nasa gilid ng kama ko at kaagad na sinagot iyon. “Hello. Russu's speaking.” Sino naman ang tatawag saakin sa ganitong oras?!—

“Mr. Russu.” isang malamig at malalim na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now