Chapter 45 - Pagbalik

1.7K 70 3
                                    

EAMB Chapter 45 - Pagbalik

Mario's POV

*Continuation of the Flashback*

“Ayos na ba si Solina?” Nag-aalalang tanong ni Josefa.

Umiling ako. “Hanggang ngayon, hindi pa siya nagigising.” malungkot kong sambit. Napahawak si Josefa sa kaniyang sintido at hinilot-hilot iyon.

“Ipaalam na kaya natin ito kina Tita at Tito...”

“Wag na muna. Paniguradong malilintikan ka at ilalayo na nila saakin si Solina.”

Habang nakaupo sa isang silya at nakahawak sa magkabilang sintido, sumagi sa isipan ko kung ano ang mga nangyari kanina.

“Josefa? Bakit nandito ka sa bahay ko?” malamig kong tanong kay Josefa nang makita siya na nag-aantay sa tapat ng bahay ko.

Nagmamadali itong tumayo at pinagpagan ang nadumihan niyang palda. Tipid itong ngumiti bago nagsalita. “Pwede ba tayong mag-usap?”

“Nag-uusap na tayo.”

Bumuntong hininga ito at marahang binuga iyon. “Alam kong may gusto ka sa pinsan ko.”

Napaiwas ako ng tingin at hinilot-hilot ang sintido ko. “Ano naman ngayon? Ipinapalayo niyo na nga siya sakin, kailangan ko pang tanggalin ang nararamdaman ko para sakanya?” malamig akong tumawa. “Pasensiya na, Binibini, ngunit ayaw kitang sundin.”

Nilampasan ko siya, pero natigilan ako nang magsalita ulit siya. “Gusto mo siyang makita, diba? Gusto mo siyang makasama, tama ba ako?”

Napalunok ako bago ibinalik ang tingin sakanya. “Ano nanaman ‘to, Josefa?” naiiritang tanong ko.

“Nakita ko kasi kung pano mo tingnan si Solina nung nasa Ferris wheel kami, at alam ko rin na kung hindi si Solina nawalan ng ala-ala, paniguradong ikaw parin ang pipiliin niya.” nangilid ang luha sa mata niya. “At kahit nawalan siya ng ala-ala, ikaw parin ang nasa puso't isipan niya.”

Pinahid niya ang mga luhang mabilis na bumagsak sa pisnge niya. “Alam ko na din kasi sa sarili ko na kahit anong gawin ko, siya parin. Siya parin ang mahal mo. Kayo parin ang para sa isa't-isa.”

“Totoo ba talaga ito, Josefa? O ginagawa mo lang ito para–”

“Ang mga magulang ni Solina ay may balak na ilayo siya saiyo.” Natigilan ako sa sinabi ni Josefa.

Walang lumabas na salita sa bibig ko kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Josefa. “Sinabi nila saakin na ipapa-asawa nila si Solina kay Leo, sa ayaw at sa gusto man ng aking pinsan.”

Malalim siyang bumuntong hininga. “Oo, aaminin ko na hadlang ako noon sayo para kay Solina dahil... Dahil gusto kita at alam mo iyon. Pero ngayon, naliwanagan na ako. Susuportahan ko kaya sa abot ng makakaya ko.” ngumiti siya.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now