Chapter 69

1.2K 28 3
                                    

EAMB Chapter 69

Third Person's POV

“FVCK!” Malutong na napamura si Kyle nang muntikan siyang matamaan ng bala mula sa mga kalaban.

Sinubukan niyang ipaputok ang baril, ngunit wala na itong bala dahilan para mapangisi nang malapad ang grupo ni Akil.

Napapalibutan na siya ngayon ang mga kalaban niyang isinusumpa niya noon pa man. Sina Akil , Zach, Yehon, Mara, Vius, Amaris, at ang mga tauhan nila.

Ipinalibot niya ang tingin at napatawa dahil sa dami nila. Hindi niya inaasahang ganito sila kadami para lang sa gyerang ito. Nagdala lang pa naman siya ng kalahati sa mga tauhan niya.

“Takot ba kayong matalo ko kaya kayo nagdala ng ganito kadami niyong mga tauhan?” Nginisian niya ang mga ito dahilan para mainis si Akil. Sa kanilang lahat, ito ang pinaka-mainisin.

“We are not afraid of you, bastard.” Madiin at iba ang pagkasalita nito ng tagalog dahil si Akil ay isang hapon.

“So, why did you brought all of your dogs here?”

Mukhang nainis na ang lahat maliban kay Zach na kalmadong nakatingin sa kan'ya at hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

“Let's end this here.” Kaagad namang sumang-ayon ang iba sa suhestiyon ni Amaris.

Akmang ikakasa na nila ang baril nang pigilan sila ni Gomez na ipinagtaka niya pati ng mga kasamahan nito. “No!” Madiing sabi nito.

“Are you out of your mind, Zacharius?!” Galit na sigaw ni Vius kay Gomez dahilan para tingnan siya ng lalaki nang masama.

“No, I'm not?”

“Then why—”

“Pahirapan muna natin siya bago patayin.” Mala-demonyo itong ngumisi dahilan para sumang-ayon sa kaniya ang iba.

“You have a point, Zach.” Ngumiti ito at tinapik-tapik ang balikat ng binata.

30 seconds. Bulong ng binata sa sarili habang nag-uusap ang mga kalaban sa mismong harapan niya. 30 seconds para mapabagsak ko sila.

Patago siyang ngumisi dahil sa naisip bago pinagmasdan ang mga hawak nitong baril. Pinag-isipan niyang mabuti ang plano at maya-maya pa ay sinimulan na niya.

“Fvck! Bakit ka nandito?!” Sigaw niya sa kunwaring tao na nakita niya sa likod ng mga ito.

Mabilis siyang tumayo at inagaw ang baril na hawak ni Akil. Sa kanilang lahat, siya ang may pinakamagandang klase ng baril.

Mabilis niyang naipatumba ang mga babae, maliban kay Mara. Malakas niyang sinipa bago sinuntok ang nakatalikod na si Akil dahilan para sumuka ito ng dugo at matumba.

Nakailag siya sa isang malakas na suntok ni Zach, ngunit hindi niya naiwasan ang malakas na sipa ni Yehon.

Hindi naman iyon naka-apekto sa kaniya dahil nang matumba siya mula doon, mabilis pa sa alas-kwatro siyang bumango at nag-umpisang kalabanin ang apat.

Mabilis niyang naipatumba kanina gamit ang baril na may bomba na pag-aari ni Akil ang mga tauhan nito kaya silang lima nalang ang natitirang buhay.

Sa halip na isa-isahin nila ang binata, pinagtulungan nila itong apat. Mabilis namang bumangon mula sa pagkabagsak si Akil kaya sumama na siya sa pagpapatumba sa binata.

15 seconds.

Malakas na sinuntok ni Vius si Kyle habang sinipa naman ni Mara ang binata ngunit pareho niya itong nasalag gamit ang kamay. Sabay niya itong ipinulupot dahilan para mapahiyaw silang dalawa sa sakit.

“Ugh!”

“Shit!”

Magkasabay nilang sigaw dahilan para lalong mapangisi si Kyle. Nang bumagsak na sila sa sahig at nakitang hindi na nila kaya pang tumayo dahil sa sakit, sinunod naman niya ang mga lalaki.

Mabilis siyang nakailag sa suntok ni Akil at malakas niyang sinipa ito sa tiyan. Sumuka ulit ng dugo si Akil at naghihingalo na dahil sa lakas ng pagsuntok at pagsipa ng binata. Bumangon ito, ngunit isang putok ng baril ang nakapagpatigil sa kanilang lahat.

Nakahandusay na ngayon si Akil habang naliligo sa sarili niyang dugo. Ngunit hindi iyon ang ikinagulat niya, kundi kung sino ang bumaril dito.

A brave and fierce woman is standing on the wall while blowing her gun. The girl give him a smile before pulling the trigger on Yehon's chest.

Zariyah...

_Agratha | Carla

A/N: Oh, pak! Si Zariyah ko na ba ‘to? HAHAHAXD. Anyways, joke lang talaga 'yong sinabi ko about sa tatapusin ko na 'tong kwento. Ang dami-dami pa kayang kalaban at hindi nas-solusyonang problema.

Thankyou so much sa patuloy na pagsuporta kahit sobrang tagal ko mag-update. Sobrang na-appreciate ko talaga. Have a nice day!!

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now