Chapter 26 - Island

2.4K 103 5
                                    

Zariyah's Pov

Tama pala yung kutob kong papunta talaga kami sa isang isla.

Bumaba ako at umapak sa baybay nitong isla na nasa harapan lang namin. Sunod namang bumaba si Kyle.

Taka ko siyang tiningnan.  "Ba't tayo andito? Baka private property 'to? Makasuhan pa tayo ng trespassing."

He chuckled. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Tiningnan ko ang paligid ng isla at namangha.

Malinis ang paligid, matataas ang puno, walang mga hulog na dahon, malinis ang dagat, AT MAY BAHAY?!

Sa isang bahay kami patungo ni Kyle. Second floor lang ito pero malapad.

Baka naman private property talaga 'to at nagt-trespass lang talaga kami ni Kyle.

Magsasalita na sana ako pero may kinuha siyang susi sa short niya at binuksan ang bahay.

Baka sakanya 'to...

Remember, mayaman 'tong si Kyle. Nakakalat nga lang daw ang kotse tsaka ang laki-laki ng bahay sa Manila.

Pagpasok palang namin ay napanganga na ako. Brown ang theme nito. Kumpleto ang mga gamit at halatang palaging nililinis.

Okay na ako dito. Kahit dito pa ako tumira habang buhay. Basta may food syempre...

Dire-diretso kaming umupo sa couch. Mahigpit parin ang hawak ni Kyle saakin kaya tiningnan ko ito. Napansin niya sigurong nakatitig ako dun kaya binitawan niya ako at binuksan ang malaking flat screen TV sa harapan namin.

Bumalik siya at...inakbayan ako! Isinandal niya ang ulo ko sa braso niya at hinapit ang bewang ko.

"Let's rest for a while." He said.

Pinikit ko ang mata ko at nagsimulang matulog. Mahilig talaga kasi akong matulog kahit nung bata ako kaya ang tangkad-tangkad ko. Syempre, kapag di ako dati natulog, hindi din ako makakalaro.

Nagising ako at nag-unat unat. Inilibot ko ang paningin at napansin kong nasa kwarto na ako. Wala na rin si Kyle na kanina ay katabi ko lang.

Kung brown ang theme ng sala kanina, sa kwarto namang ito, white. Puting pintura, puting mahabang kurtina na lumilipad-lipad dahil sa ihip ng hangin. Puting couch, puting kumot at puting higaan. May bookshelf din at coffee table, mayroon ding lamp sa tabi nitong higaan at ang pinakamaganda sa lahat, ang walk-in closet at ang Bathroom.

Bumaba ako sa kama at dumiretso sa banyo para umihi. Pinagmasdan ko na muna ang loob ng banyo bago umihi.

May bath tub, shower, lababo, salamin, at glass door ito.

Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako sa kwarto. Dumiretso ako sa baba at hinanap si Kyle.

May naamoy akong mabangong niluluto kaya sinundan ko ang amoy nito. Huminto ako sa kusina at nakitang nagluluto si Kyle.

Hindi na rin siya topless tulad ng kanina dahil nakablack t-shirt na siya at nakashort, naka-apron na din siya.

Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya kaagad siyang lumingon at binigyan ako ng tipid na ngiti. Ibinalik niya kaagad ang tingin sa niluluto.

Lumapit ako sakanya at tiningnan ang niluluto niya. Familiar yung amoy kaya interested akong makita ito.

Beef steak at Lechong paksiw! My favorite...

Naluto na yung dalawa niyang niluluto so he transferred it onto a bowl.

"Sit there." Turo niya dun sa dining area.

Lumapit ako dun at umupo. Maya-maya pa ay dumating na din si Kyle dala ang isang bowl ng kanin at sa kabilang kamay niya ang lechong paksiw. Bumalik ulit siya sa kusina at may kinuha ulit bago bumalik.

Pagkabalik niya, dala niya na ang beef steak at dalawang pinggan at kutsara't tinidor. Wala na din siyang suot na apron. Fitted yung t-shirt niya kaya bakat na bakat yung abs niya pati yung musscle niya sa kamay.

Sumandok ako sa kanin at inilagay yun sa plato ko. Kumuha din ako ng lechong paksiw at beef steak.

Tinikman ko ito at nanlaki nalang ang mata ko nang matikman ko ito.

Shit!

"D-didn't you like it?" He asked sadly.

I really like it, Kyle.

Hindi ako sumagot at nginuya ang pagkain. "Magluluto nalang ako ng bago." Sabi niya at akmang kukunin na ang mga ulam pero hinawakan ko kamay niya.

"Wag mong kukunin yan. Ang sarap-sarap kaya tapos kukunin mo lang."

Tumaas ang dalawang kilay niya pero hindi na siya nagsalita pa, kumain nalang siya.

________

Don't forget to Vote, comment and Share. Follow me also<3

FB page: Agratha

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon