Chapter 52 - Yehon

1.6K 50 3
                                    

EAMB Chapter 52 - Yehon

Zariyah's POV

Pabagsak akong nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Sobrang nakakapagod ang araw na ‘to. Kung pagod ako nang nasa café pa, doble na ang pagod na nararamdaman ko ngayon.

I was about to sleep nang maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-half bath. I open my eyes and walk towards my cabinet. Hinanap ko ang pangtulog ko at nang makita ko na ito, ay ipinatong ko na sila sa kama bago dumiretso sa banyo.

Nawala ang antok na nararamdaman ko kani-kanina lang nang isang malamig na tubig ang bumuhos sa'kin galing sa shower. “Shit.” Nakalimutan ko pala itong i-adjust.

Napailing-iling nalang ako habang ina-adjust ang temperatura ng tubig. Nagsimula na akong maligo at namalayan ko nalang ang sarili ko na kinukusot-kusot ang buhok ko na ngayon ay bumubula na.

“Huh?” tanong ko sa sarili. “Anong ginagawa ko? Akala ko ba magh-half bath lang ako?” Naguguluhang tanong ko. Mahina nalang akong napamura bago tinuloy ang pagligo. Ba't napaka-lutang ko ngayon?

Third Person's POV

Matapos maligo si Zariyah, mabilis siyang nagbihis bago kunin ang kaniyang telepono na ngayon ay nasa ibabaw na ng lamesa.

Napataas ang kilay niya nang makitang naka-ilang missed calls at messages si Kyle. Pinindot niya ito at nagsimulang magbasa.

“Zari, nandiyan kana ba sa restaurant?”

“Have you eaten?”

“Be safe, okay?”

“Fuck. Why aren't you responding?”

Napakagat labi nalang ang dalaga habang binabasa ang ibang messages ng binata. Nakahinga naman siya ng maluwag nang mabasa niya ang panghuling mensahe nito.

“Okay na. Take care, my Zari. Message me if nakauwi ka na.”

Zariyah's POV

Natigilan ako nang may kumatok sa pinto, marahas at halatang nagmamadali. Parang wala ako sa sariling tinungo ang pintuan at binuksan ito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang bumungad saakin ang limang hindi ko kilalang mga lalaki. Lahat sila ay nakakulay black na t-shirt at maaangas ang kanilang dating.

Tumaas ang sulok ng labi ng lalaking nasa unahan at tinanggal ang kaniyang salamin. “Sei Zariyah Eurydice Cervantes?”

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at tiningnan ito bago ibinalik ang tingin saakin. Hindi ko maiwasan ang mapasilip kung sino ang nasa picture na siyang kinuha niya sa kaniyang bulsa. Nanlamig ang buong katawan ko nang makitang ako ang nasa larawan. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinabi, pero paniguradong tinatanong niya kung ako ba si Zariyah.

Kinalabit siya ng lalaking kasama niya at bumulong na hindi naman kahinaan kaya narinig ko. “Capo Yehon, questa donna non può capire la nostra lingua.” Boss yehon, this woman can't understand our language.

Pamilyar ako sa ginagamit nilang lenggwahe dahil minsan ay nakapunta na ako sa lugar na ito at natuto din naman ako kahit papano. Capo means boss and Yehon is a name. So, ang pangalan nitong nasa harapan ay Yehon at posibleng siya ang leader ng grupong ito. Obvious naman, diba?

Tumango-tango ang lalaking tinatawag na Yehon at tumikhim. “A-are you Zariyah Eurydice Cervantes?” Matigas ang pagkasabi nito at halatang hindi siya sanay na gamitin ang wikang English. “Are you the woman in the picture?”

“N-no, I'm not.” Pagsisinungaling ko kahit obvious naman na ako 'yon. Parang gusto kong bawiin ang aking sinabi nang tumalim ang tingin saakin ni Yehon. Bigla niya akong sinampal nang malakas dahilan para bumagsak ako sa sahig.

“Bugiarda!” Liar! sigaw nito na hindi ko naman maintindihan. Napahawak nalang ako sa kabila kong pisnge kung saan niya ako sinampal. Namamanhid ito at paniguradong namumula na din ito. “Arrestala.” Arrest her.

Bago pa ako nila mahawakan, tumayo na ako at marahas na sinipa ang pinakamalapit saakin na lalaki. Hindi ako nakailag sa kaniyang suntok, pero mabilis naman akong nakabawi dahil tinuhod ko ang kaniyang pagkalalaki. Sabay-sabay nila akong sinugod pero hindi parin ako sumuko.

Apat na ang nakahandusay sa sahig at isa nalang ang kalaban ko, si Yehon. Tumaas ang kaliwang sulok ng labi ko bago ako tumalon sa ere at sipain siya sa dibdib. Muntik niya na akong masuntok sa sikmura, mabuti nalang nakailag ako.

Sinikmuraan ko siya dahilan para makakuha siya ng chansa na sakalin ako. Isinandal niya ako sa pader at sinampal sa magkabilang pisnge. Nalalasahan ko na ang dugo na nasa bibig ko at pagod na din ang katawan ko sa pakikipaglaban. Babae ako at wala akong masyadong kaalaman sa pakikipag-away, hindi katulad ng mga ‘to.

“Anong kailangan mo?” Pasigaw na tanong ko kay Yehon. Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya na nakabalot sa leeg ko ngayon, pero masyado siyang malakas kumpara saakin. Nahihirapan na akong huminga at nauubo na din ako.

“I can't understand you.” Hinihingal na sagot nito. Mukhang napagod din ito sa pakikipaglaban.

“Di che cosa hai bisogno?!” What do you need? Pasigaw na tanong ko gamit ang ibang linggwahe. Nagulat ang lalaking nasa harapan ko nang magsalita ako ng ibang linggwahe, kahit ako naman ay nagulat. Hindi ako nag-e-expect na after ilang years, marunong pa pala akong mag-Italian.

“Puoi parlare italiano? Che cazzo?” You can speak Italian? What the fuck?

“É sorprendente?” Is it surprising? Naka-smirk kong tanong para ma-asar siya.

“Shut the fuck up, Woman!”

“Why are you so pissed off?” Hindi ko tinanggal ang ngisi na naka-ukit kanina sa aking mga labi.

“I said, shut the fuck up!” Malakas niya akong sinuntok sa tiyan dahilan para mandilim ang paningin ko. Lumalabo na din ang paligid at hindi ko maiwasang mapapikit.

May narinig akong apat na putok ng baril bago ako nawalan ng malay. Hindi ko alam kung saakin ba iyon tumama o sa kasama ko.

_Agratha || Carla

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon