Chapter 48 - Innocent Mind

1.9K 53 5
                                    

EAMB Chapter 48 - Innocent Mind

Zariyah's POV

“Hopefully, our relationship too.”

I stilled. I don't know what to react. Magugulat ba ako o maguguluhan? Hindi ako ganun kasigurado sa narinig ko. Baka naman kasi guni-guni ko lang iyon, 'diba? Pinaglalaruan kaya ako ng tenga ko?

Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan bago dahan-dahang lumingon sa gawi niya. Naka-awang ang mga labi ko na parang gulat na gulat sa sinabi niya—well, nagulat naman talaga ako

“A-anong sabi m-mo?” Nauutal at halos pabulong kong tanong. Ibinaba ko ang aking tingin nang magtama ang aming mata. God! His dark brown eyes look so sexy. This is why I avoid looking at his so sexy eyes, palaging umiinit at namumula ang pisnge ko kapag ako nakatingin dito.

Napalunok naman ako nang mapansin ang malaking bukol ni Kyle sa pagitan ng hita niya. He's wearing a black short, pero pansin mo parin iyon.

God! Gaano ba kahaba meron itong lalaking 'to?— Ay jusko! Ba't 'yan ang iniisip ko?

“I said, I hope our relationship will be amazing as Yaya Soling's love story. Pwede ngang lamangan pa natin ito, eh.” Nabalik ako sa ulirat nang sagutin ni Kyle ang tanong ko kanina.

Hindi ako makasagot dahil hanggang ngayon ay 'yung simbolo parin ng pagkalalaki niya ang iniisip ko. Shit, kailan pa ako nagka-ganito? What the hell is happening to me?

Ipinilig ko ang ulo at iniwas ang tingin sa ano niya. Masama ang ganun, Zariyah, okay? 'Wag mo nang uulitan 'yun.

Mariin akong napabuntong hininga bago tumayo at tingnan siya. “Ahm... M-mauna na ako.”

“Great. Ihahatid na kita. Total, papunta na din ako sa work ko.” Napakalapad ng ngiti nito sa labi.

Mabilis akong umiling, bago tingnan siya mula ulo hanggang paa. “Black short and black t-shirt? Hmm... Sure kang pupunta ka sa trabaho?” Hindi naman nabawasan ang pagka-gwapo niya, pero kailangan niya talagang magbihis dahil sa kompanya niya siya pupunta. Magulo din ang buhok niya na nagpadagdag sa kapogian niya.

Tiningnan niya ang kabuuan. “Uhm...” mukhang nag-iisip ito ng maisasagot. “Oo nga pala. Pero pwede naman akong bumalik dito kapag naihatid na kita.” Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.

I smiled back. “Okay lang ako. Kailangan mo nang pumasok sa trabaho mo. I'm sure, marami kang kailangan trabahuin ngayon dahil ilang araw ka ding nawala sa kompanya niyo.”

“But–”

“Please?” Nagpuppy eyes pa ako para mapilit siya. Sana naman gumana ito.

He let out a loud sigh before holding the bridge of his nose. “Fine. Basta mag-iingat ka. Tawagan mo ako kaagad kapag may nangyari. And...” He hugged me and I hugged him back. “I will miss you. But don't worry, I'll see you again. Maybe tommorow? Next week?” Kumawala kami pareho sa yakap.

“Ahm... Sige na. Alis na ako.” Ngumiti ako. “Bye.”

Natigilan ako sa sunod niyang ginawa. He kissed my forehead. “Bye. I'm into you.”

Ngumiti lang ako bago tuloy-tuloy na lumabas ng mansion. Ayokong lumingon. Basta ayaw ko lang.

Hindi ako nag-taxi dahil mas trip kong maglakad at magdrama.

I'm into you.

Hanggang ngayon, 'yan parin ang nasa isip ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig.

Jusko, nabu-buang na talaga ako. Kailangan ko na talaga sigurong magpatingin.

Hindi ko rin malimutan ang halik niya sa noo ko. Nakwento ni Yaya Soling kanina na kapag hinalikan ka sa noo ng isang lalaki... Ang ibig sabihin ng halik na iyon, hindi siya ang tipo ng lalaki na gusto ka lang ikama. Malaki ang respeto niya sa iyo, nirerespeto niya din ang pangarap at lahat ng gusto mo. Ibig sabihin din nito na gusto niyang pataasin ang estado ng inyong relasyon. ‘Yan 'yung sabi ng pinsan niyang si Lola Josefa.

So, ibig sabihin ba nun? Napatakip ako ng bibig habang iniintindi ang ibig sabihin nito. Omg ka, Kyle.

“Mudra!” Nabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong boses mula sa likuran ko. Sobrang lakas nun, daig pa ang ingay sa palengke.

Hinayaan ko nalang siya dun at dumiretso sa paglalakad.

NGAYON ko lang narealize ang katangahan na ginawa ko. Dapat pala nagtaxi nalang ako. Di ko naman kasi expect na ganito kalayo at kainit, 'noh.

Ba't ba kasi hindi ako nagtaxi? Minsan talaga may pagkatanga ako. Actually, parang palagi naman. Lord, 'wag naman ganito kainit, please?—

“Miss!” muntik na akong mapatalon dahil sa sigaw ng traffic enforcer saakin. Mabilis ko siyang binalingan ng masamang tingin, pero naunahan niya na ako.

“Kanina pa ako pito ng pito, hindi ka manlang tumatabi. Nakita mo ba yan?” Itinuro niya ang mga sasakyan na na-stock—dahil sakin? “Ang dami mong naperwisyo.” Bumuntong hininga ito. “Kung magpapakamatay ka, Miss, 'wag mo nalang kaming idamay. Tsaka sabihin na nating broken ka, pero isipin mo nalang 'yung pamilya mo kung mawawala ka dito sa mundo. Sana naman isipin mo din sila! Hindi 'yung sarili mo lang iniisip mo.” Para itong naiiyak sa sariling sinabi. Napa-iling-iling nalang ako bago nagsalita.

“Sorry for your loss.” Nagpanggap akong malungkot bago tinapik-tapik ang balikat niya. “Makaka-move on ka din, Kuya.”

Kaagad na kumunot ang noo niya. Gusto kong tumawa dahil sa mukha niya ngayon, pero pinigilan ko nalang. “Anong sorry for your loss? Makaka-move on? Miss, sabihin mo nga sakin, may sakit ba iyang...” Tinuro nito ang utak niya.

“Eh ikaw po, Kuya? May sira ba yan?” balik niyang tanong.

“Siraulo ka palang bata ka eh.”

“Correction, hindi na ako bata.” Kumaripas ako ng takbo pagkatapos itong sabihin.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now