Chapter 7 - Dream

3.6K 152 1
                                    

Michelle's Pov

Wow!

Nasa hapag ako at puno ng pagkain ang lamesa. Mukhang masarap lahat pero napako ang tingin ko sa fried Chicken. Favorite food ko kaya 'to.

Kinuha ko ito pero ba't parang ang laki ng hawak ko at hindi mamantika? Makinis din ito hindi kagaya ng ibang fried chicken...

Ah basta!

Kakagatin ko na sana ang fried chicken ng biglang may sumigaw.

"MICHELLE!"

Napabalikwas ako ng bangon at dun ko lang narealize na panaginip lang yung fried chicken.

Zariyah's Pov

Patuloy ako sa pagkain ng donut na binili ni Mudra habang sina Jona, Clyde at Mudra naman ay tinatawanan parin si Michelle.

Kinuwento na kasi saamin ni Michelle yung panaginip niya. Natawa ako nung una pero napagod din ako sa kakatawa kaya naman mas lalo akong nagutom.

"...Ano ba naman yang panaginip mo? HAHAHA!" Clyde.

"Totoo nga kasi." pamimilit ni Michelle.

"Zariyah." Tawag ni Mudra saakin. Literal na sumeryoso ang lahat at binalot kami ng katahimikan.

"Po?"

"Get ready. Ikaw ang magrerepresent ng coffee shop kay Mr. Montenegro."

"A-ako po?" Tanong ko habang tinuturo ang sarili.

"Yes. But don't worry, next month pa naman yun." Sabi niya bago sumubo.

"B-bat po ako?"

"Simple, you're good in making opinions, describing and explaining. Yan ang hinahanap ni Mr. Montenegro na representative. Ang one of a kind na gaya mo." Paliwanag nito.

"O-okay."

"Ikaw lang mag-isa ang magpepresent dahil wala ako dito next month. Like I said kagabi." Tumango naman ako bilang sagot.

"Magdadagdag pa ba ako ng tauhan?" He suddenly asked.

"Yes, mudra. We need one baker and one chief. Kapag kasi walang masyadong mag-oorder ng kape at madami ang umoorder sa mga bakes at luto ay pwede ko silang tulungan. Graduate ako ng HRM sa high school kaya marunong din akong magluto lalo na sa pagbake."

"Okay."

_

Mabuti nalang at natapos ang pagrerenovate namin ng Coffee Shop sa isang araw lang.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at ininda ang sakit ng katawan. Alas diyes na din kaya sobrang antok na antok na ako.

Pinilit ko parin bumangon at nagshower kahit ang tamlay ko na.

Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang drier sa buhok.

Bumalik ako sa kama at pinindot ang remote ng ilaw at pinatay. In-on ko naman ang aircon para masarap ang maging tulog ko.

Sana ganun din ang panaginip ko sa panaginip ni Michelle.

Dala ng sobrang pagod, kusa nalang akong nakatulog.

Pero bakit parang andaming tao tsaka white yung suot ko kanina ah ba't ngayon black?

Andaming taong nakaputi at may isang lalaking nakatalikod na suot ang kaparehong kulay na suot ko ngayon.

Ano ba kasing lugar 'to?

Dahan-dahan akong lumapit dun sa lalaki para matanong.

"Ahm, Hi Kuya."

Dahan-dahan itong lumingon at si Mr. Stranger yung lalaki!

Ang gwapo niya talaga!

Walang lumalabas na salita galing sa bibig niya dahil nakangiti lang siyang nakatingin saakin.

Ikaw na ba si Mr. Right?

Hindi pa rin siya nagsalita kaya inunahan ko nalang siya. "Ahm, anong lugar 'to? Nasaan ako?" Sunod-sunod kong tanong.

"Tuko! Tuko!" He said.

Napangiwi naman ako at tiningnan siya ng puno ng pagtataka.

"Anong tuko tuko?" Ginaya ko pa kung paano niya yun bigkasin. "Yung tanong ko kuya, sagutin mo pleaseeeee."

"Tuko! Tuko!"

~Reality~

Laking gulat at takot ko ng imulat ko ang mga mata ko dahil naka face to face ko ang...tuko?!

Dali-dali akong bumalikwas sa kama at hindi ko inaasahan na maa-out of balance ako kaya sa kamalas-malasan, hulog ako sa kama.

"Ugh!" I murmured while massaging my hips.

Tumayo ako na iniinda pa rin ang sakit. Tiningnan ko ng masama ang tuko na ngayon ay nasa pader na.

"Ayun na yun eh! Makakausap ko na ulit si Mr. Stranger! Mapanira ka ng tulog, tuko!" Sigaw ko dun sa tuko.

"Pero teka! Anong gagawin ko sayo? Ayaw ko namang patayin kita. Pero takot naman ako sa tukong gaya mo."

Kiniskis ko ang hinlalaki at hintuturo ko sa nguso ko na parang nag-iisip ng malalim.

"Aha! Alam ko na!"

Kinuha ko ang phone ko na nasa table ko lang beside my bed. Kinontact ko ang Animal Welfare. Binigyan kasi kami dati ng mga number ng pang-emergency kaya dinamay ko na yung Animal Welfare.

"Hello?"

["Goodmorning maam! This is an Animal Welfare office, how may I help you?"]

"Kumukuha po ba kayo ng tuko?"

I heard her chuckled. ["Ahm, y-yes po maam."]

"Good! Puntahan niyo ako sa isesend ko na address at kunin niyo dito 'tong Tuko."

["Okay maam. Bye."]

Pinatay ko na ang tawag at umupo sa kama habang tinitingnan ang tuko.

Mapanira ka ng dream!

___________

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.😚

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now