Chapter 34 - Breakfast

2.2K 89 3
                                    

Zariyah's Pov

I woke up feeling dizzy and headachy. Dali-dali akong pumunta sa banyo ng maramdaman kong masusuka na ako.

Suka lang ako ng suka hanggang sa namalayan ko na may humahagod sa likod ko.

Ayokong tingnan yun dahil baka multo. Tumigil ako sa pagsuka pati sa pagkurap, lahat itinigil ko na pati maliban sa malalim kong paghinga.

Ayoko man lumingon, pero parang may isip ang ulo ko at kusa yung tumingin sa may likuran ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Kyle lang pala yun. Pero napatigil nanaman ako nang mapansin kong boxer lamang ang suot ni Kyle.

Kaagad akong nagtakip ng mata. Bawal tumingin sa baba, Zariyah. Please! Wag kang titingin sa baba!

Jusq, lord. Ba't kasi nakagan'to lang si Kyle. Sana naman Lord, ininform niyo akong nakaganyan lang siya para maihanda ko ang aking sarili para hindi takpan ng mga kamay ko ang aking mga mata.

I heard him chuckled. "Are you okay?"

Parang gusto kong bugbugin 'tong si Kyle dahil sa tinanong niya, kaso mahal ko eh.

Tumayo ako papunta sa sink para maglinis, pero hindi ko parin tinatanggal ang kamay sa mata ko. Aba't baka hindi ko mapigilan na lingunin si Kyle at tingnan ang pandesal at hakdog niya.

Naramdaman kong tumama ang braso ko sa wall at mukang nabunggo ko ang pader, pero bakit yung ulo ko hindi nabunggo.

Kusa kong tinanggal yung kamay ko sa mata at---WOW! Ka-face to face ko si pader.

Pero may kamay na nakaharang sa noo ko na dahilan kung bakit hindi ako nabunggo sa pader.

"Be careful." Bulong nito saakin. Nag-nod naman ako habang nakatingin sa pader.

Umikot ako sa gilid at diretsong pumunta sa sink. Naghilamos nalang ako para all-in na.

"You're too busy puking para hindi mo mapansin na may tao sa loob." Kyle said and chuckled.

Napakagat nalang ako sa ibabang labi nang magsink-in ang lahat saakin. Tumingin ako sa door knob ng banyo na sira na. Hindi ko pala mabuksan yun kanina kaya sinira ko nalang at diretsong pumasok.

"Sorry naman." Sagot ko kay Kyle.

He chuckled at lumabas ng banyo na nakatapis na ng tuwalya ang pang-ibaba.

Merong mga bagong toothbrush dun kaya 'yun nalang ang ginamit ko. Hindi naman siguro magagalit si Kyle...

Pagkatapos kong magtoothbrush, lumabas na ako ng banyo at nang mapansing wala na sa loob ng kwarto si Kyle, dumiretso na ako sa labas.

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil andun lang naman siya sa kusina nitong resort. Mukhang naghahanda siya ng almusal kaya agad akong lumapit sakanya at pinanood kung paano niya lutuin ang beef steak. Nasa ibang kawali naman ang fried egg at bacon, pwedeng magprito ng limang pagkain sa kawaling yun kaya hindi ito mahirap. Nasa bread toaster naman yung mga American bread.

Ideal man talaga 'tong si Kyle. Swerte ng magiging asawa niya. Bukod sa gwapo, medj savage, matangkad, maputi, maganda ang katawan ay magaling pa itong magluto. Sana ako nalang yung swerteng babaeng 'yun. Sana.

Natapos na siya sa pagluluto kaya agad niya naman itong inilipat sa bowl at pinggan. Tumulong na akong dalhin yun papunta dun sa labas. 

Dumadampi sa mukha ko ang malamig na hangin habang ako'y kumakain. Todo ipit naman ako ng buhok ko sa taenga ko dahil lumilipad ang mga ito papunta sa bibig at mata ko.

"Aishh!" Dinig kong sabi ni Kyle bago tumayo at lumapit saakin.

Nagulat nalang ako nang kunin niya ang tali ng buhok ko at taliin niya iyon ulit.

Napangiti nalang ako sa ginagawa niya, sino ba naman ang hindi?

Hindi na lumilipad ang buhok ko papunta sa mukha ko simula ng itali iyon ni Kyle.

________

(A/n: I miss updating. Sorry talaga sa matagal na paghihintay. Nabusy kasi ako this past few days. Pero sisikapin ko paring mag-update ng mabilis. Iloveyouuuuu<3.)

Don't forget to Vote, comment and Share. Follow me also<3

FB page: Agratha

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now