Chapter 6 - Renovation

3.7K 170 3
                                    

Zariyah's Pov

Nagising nalang ako sa ingay ng alarm clock ko. Nagpa-alarm talaga ako kagabi para maaga akong magising.

Nakalimutan ko nga ding maligo kagabi dahil sobrang antok na ako.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong gawin ang kailangang gawin sa banyo ay lumabas na muna ako para bumili ng kakanin.

_

Pagkatapos kong makuha yung kakanin ay agad akong bumalik sa Condo at dun kumain.

"Kailan ko kaya makikita ulit si Mr. Stranger?" I asked myself while eating sapin-sapin.

Naging hobby ko na ang kumain ng mga kakanin dahil sobrang sarap talaga nito.

Tiningnan ko ang relo ko para i-check ang oras. 7:00 am na kaya binilisan ko na ang pagkain at dumiretso ulit sa kwarto.

Inilagay ko sa bag ko ang extra clothes ko at isinabit na sa braso ko.

Pagkabukas ko palang ng pinto ng Condo ay siya ding pagkatok ni Jona pero napatigil siya ng makita ako.

"Good morning!" Masayang bati nilang tatlo.

"Goodmorning. Sabay na tayo?"

"Syempre naman." Clyde.

Nginitian ko lang sila at nagsimula na kaming lumakad.

_

Wala pa si mudra pagdating namin kaya nauna na kaming nagrenovate.

Yung mga nirequest kong kagamitan ay nandito na agad pagbukas namin kanina.

Inilabas na muna namin yung mga bulok na gamit at nilinis ang buong coffee shop.

Dumating na din si Mudra at tumulong na din siya sa paglinis.

Umupo na muna kaming lahat saglit dahil sa laki nitong coffee shop ay kalahati palang ang nalilinis namin.

Tagaktak na din ang mga pawis namin sa noo. Sobrang dami pala ng alikabok dito.

Ilang minuto lang ang pinahinga namin dahil kailangan ng bumalik sa paglilinis.

Ilang oras kaming naglinis bago naglagay ng pintura sa wall.

Lahat kami ay may hawak ng na brush para sa pagpintura maliban kay Clyde dahil yung mahaba ang hawak niya na pinipintura niya sa matataas na di namin maabot.

_

Tapos na naming pinturahan ang paligid kaya naman lumabas na muna si Mudra para bumili ng meryenda namin.

Nagfacebook na muna ako habang nagpapahinga. Nakatulog naman yung tatlo kong kasama.

Ang boring!

Naisip ko si Mr. Kyle Montenegro. Ewan ko pero gustong-gusto ko makita ang mukha niya.

Sinearch ko sa google ang pangalan niya pero picture lang ng mga kompanya niya ang naroon. Binasa ko nalang yung 'about' niya sa google.

Mr. Kyle Montenegro is a famous business man who has 100 companies in the world. He earned $200,000,000,000 amount every month in each of his companies.

Walang nakasulat na biograpy niya. Hindi ko tuloy alam ang age niya. Kaya kinukutuban ako ngayon na matanda na siya.

Sa dami ba naman ng kompanyang yun? Mukhang dati pa niya itinayo yung ibang kompanya.

Biglang pumasok si Mr. Stranger sa isipan ko.

Haysss...kailan kita ulit makikita, Mr. Stranger? Hindi ko pa naman naitanong ang pangalan mo.

Hihintayin ko pa bang pumuti ang buhok ko bago kita makita? Katulad nung napanood ko?

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng pumasok si Mudraa na may dalang limang malaking paper bags at dalawang 1.5L na royal.

"Gisingin mo na yang tatlo, Zariyah." Utos nito saakin.

Dahil nasa tabi ko si Jona at Clyde, sila ang unang ginising ko.

"Jona, Clyde. Gising na kayo."

Kaagad naman silang bumangon kaya nilapitan ko si Michelle na mukhang maganda ang tulog. Nakangiti pa ito habang nakapikit.

"Michelle, gising ka muna. Mamaya mo na ipagpatuloy yang maganda mong panaginip." I said and tapped her arms.

Kumunot ang noo ko ng hilain ni Michelle ang kamay ko na para bang nakahawak sa fried chicken. Kakagatin na sana niya ng bigla akong sumigaw.

"MICHELLE!" aba'y malay ko ba kung matanggal yung balat ko.

_____________

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.😚

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now