Chapter 13 - Reseta

3.3K 130 0
                                    



Zariyah's Pov

Umunat ako at humikab. Wag na kayong mabigla dahil ginagawa natin yan kapag gumigising.

Pero teka! Nasaan nga ba ako?

Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa kwarto pala ako.

Pero kaninong kwarto 'to?

Bumangon ako pero bago pa ako tuluyang makabangon ay bumukas ang pinto at iniluwa ang anghel---este, si Mr. Stranger.

Umupo ito sa couch habang nakatingin saakin. Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka.

"Are you feeling well?"

Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba pero ulo lang talaga yung medyo masakit saakin.

Tsaka nahimatay lang naman ako, ah? Ba't naman sasakit ang ulo ko?

Normal naman yun sakin dahil kapag matagal kong nalalanghap ang usok ay kusa nalang akong nahihimatay. Hika lang naman daw 'to, sabi ng doctor na nagcheck-up saakin noon.

But that's imposible. Hika lang naman yun. Gaya ng hika, hindi ako minsan makahinga at ubo ako ng ubo. Pero ba't kailangang mahimatay?

Nabalik ako sa reyalidad ng biglang pumitik si Mr. Stranger sa harap ko. Nakakunot din ang noo niyang nakatingin saakin.

Di ko napansin na nasa harap ko na pala siya. Haysssttt...napakabilis talaga niya o baka naman lutang lang talaga ako.

"I'm asking you." He chuckled.

"Ah...okay lang naman pero medyo masakit yung ulo ko."

Tumingin siya saakin bago binalik ang tingin sa maliit na lamesa na may malaking lalagyan ng gamot. May kinuha siyang isang gamot at kumuha din siya ng tubig.

Para ba yan saakin?...

OMYGHADD! Yieee~

~Imagination~

Ibinigay ni Mr. Stranger saakin ang gamot at isang basong tubig.

"Magpagaling ka. Papakasalan pa kita."

To the max ang ngiti ko. "Ayiieee~ ikaw naman."

Pagkatapos kong inumin yung gamot, kinuha niya ang baso sa kamay ko sabay kindat.

End of my Imagination...

Nakangiti pa akong ini-imagine ang pwedeng mangyari pero nawala din yun ng ininom niya yung gamot kasabay ng tubig.

Akala ko para saken yan?

Kamot batok ako habang nakanguso. Sino ba naman kasi ang hindi mababadtrip? Yung akala mo para sayo, para sa sarili niya lang pala!

"Ba't ang haba ng nguso mo?" He suddenly asked while smiling.

Dahil sayo!

"Wala. Ba't nga pala sumakit yung ulo ko? Tsaka, nasaan ako? Kaninong kwarto 'to? Bakit ka andito? Paano tayo naging magkasama?" Sunod-sunod kong tanong.

"First answer, sumakit ang ulo mo dahil sa lakas ng impact nang pagbagsak mo nung hinimatay ka. Second, nasa bahay kita. Third, nasa kwarto kita ngayon. Fourth, malamang bahay ko 'to." Sagot niya.

Napansin ko kaagad na may kulang kaya nagprotesta na ako. "Anong sagot mo sa last question ko?"

"My answer is none of your business."

Yun yung sagot niya sa last question?!

Tumalikod na siya at umalis pero nasa harap palang siya ng pintuan ay nagsalita na ulit siya.

"Nakalagay ang reseta ni Doc sa coffee table. Basahin mo nalang at hanapin diyan sa lagayan ng mga gamot." He said without looking at me. "Inumin mo sa tamang oras."

Lumabas na ito pagkatapos niyang sabihin yun.

Naiwan naman akong nakatunganga. Pagkatapos kong mahimasmasan ay kaagad akong lumapit sa coffee table at binasa ang reseta.

Linakihan ko na ang mata ko para lang maunawaan yung nakasulat dun pero hindi talaga klaro.

Ang hirap basahin!

"S-saron?" Basa ko sa nakasulat dun.

Kinuha ko yung lalagyan ng gamot at hinanap ang Saron na gamot.

Naka-ilang ulit na siguro ako pero walang Saron na gamot.

Punyeta naman oh!

Kinuha ko ulit yung reseta at paulit-ulit na binasa. "Saaa-sardon. Sardon." Basa ko ulit.

Hinanap ko naman yung sardon na gamot pero katulad nung una ay wala ding gamot na ganun.

Kinuha ko ulit yung reseta at binasa ng maigi. "Saarriidoon...saridon."

Ay oo nga pala! Saridon!

Hinanap ko yun at di naman ako naghirap sa paghahanap dahil maraming ganung gamot.

Ngayong oras ko dapat yun inumin. Nakalagay dun 'After breakfast' dapat iinumin. Nakita ko kanina na 6:30am na kaya kailangan ko nang kumain.

Pero teka! Nasaan nga ba ang phone ko?!

Tiningnan ko ang damit ko dahil dun ko yun nilagay pagkatapos kong patayin ang tawag.

Dun ko lang napansin na iba na ang damit ko. Nakapantulog ako na dress. Actually, maganda siya. Pero yung cellphone ko!

____________

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also:)

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now