Chapter 56

1.5K 38 6
                                    

Klein's POV

Ang tagal naman ni Boss. Bakit hanggang ngayon hindi parin siya umuuwi? Akala ko saglit lang siya do'n.

Ilang hakbang bago ko naabot ang sofa. Umupo muna ako dito habang hinihintay si Boss. Tiningnan ko na din ang cellphone ko dahil baka tumawag siya kanina, hindi ko lang nasagot. Pero wala talaga siyang naging missed calls.

Napatayo ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang boss ko. May maliit siyang sugat sa noo at madumi din ang polo t-shirt niya. Kaagad akong lumapit sakanya at sinuri siya, mukhang napaaway ito.

“Boss,”

“I'm okay.” sagot nito na parang naisip kung ano ang itatanong ko. Alam kong okay lang naman siya dahil maliit lang naman ang sugat niya sa noo, pero kapag nakita ito ni Zariyah, naku patay.

“Natutulog si Zariyah sa kwarto. Ang sabi ko sakanya, may ka-meeting ka kaya hindi naman siya masyadong nag-alala.” Pabulong kong sabi. Tango lang ang naging tugon niya bago dumiretso sa cr at pumasok doon.

Inihanda ko ang sarili nang may maramdaman akong presensya ng tao sa likod ko. ‘Di kaya may nakapasok na dito nang hindi ko nararamdaman?

Saktong paglingon ko ang pagtaas ng kilay ng taong nasa likod ko na si Zariyah pala. Namilog ang mata ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Anong ginagawa niya dito? 'Di ba mahimbing ang tulog niya kanina? Narinig niya ba ‘yong sinabi ko kanina kay Boss? Sunod-sunod kong tanong sa isip.

Napalunok ako at umayos ng tayo. “Hi, Zariyah.” Iniwasan kong maging putol-putol ang pagbigkas ko para hindi ako mapaghalataan.

“Hi din sa'yo, Klein.” seryoso niyang bati. Narinig niya talaga ata, nagiging ganito lang naman si Zariyah kapag galit siya eh.

“Kanina ka pa ba diyan?” Hindi ko parin inaalis ang malapad na ngiti sa labi ko.

“Oo.” diretso niyang sabi na nagpatuyo ng lalamunan ko. “Nakita ko din nga si Kyle na may sugat sa noo eh. Narinig ko din 'yong bulong mo.”

Tumawa ako ng ilang segundo para makapag-isip ng palusot. Ewan ko ba, ang hirap makaisip ng palusot sa babaeng 'to. Ang dali-dali lang naman sa iba eh. “Wala ‘yon, 'wag mo nalang pansinin. Nadapa kasi si Boss kaya nagka-gano'n.” Gago. Kapag nalaman ni Boss na ang palusot ko ay nadapa siya, siguradong malalagot ako. Ba't ba kasi 'yon 'yong naisip kong palusot? Eh, hindi ko pa naman nakita si Boss na nadapa.

“Ah talaga ba, klein? Eh, ano pala ‘yong ang sabi ko sakanya, may ka-meeting ka kaya hindi naman siya masyadong nag-alala?” namimilog ang mapupungay niyang mata at nakahawak din ang dalawa niyang kamay sa bewang, para tuloy siyang nanay.

“Gusto mo ng kape, Zariyah?” Pag-iba ko ng topic. Dapat si boss na ang magpaliwanag sa babaeng ‘to eh. Hindi na dapat ako. Ang hirap hirap kaya, natatawa pa ako sa posisyon niya ngayon.

“Hindi. Atsaka 'wag na 'wag mong iibahin ang pinag-uusapan natin dito, Totoy.”

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko nang marinig nanaman ang palayaw na ‘yon. More than 10 years ko na ding hindi naririnig 'yon, tapos maririnig ko lang ngayon.

“Sinong totoy?” Naiirita kong tanong sakanya.

Umayos siya ng tayo tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Ikaw. Bakit? Nickname mo 'yon ah.”

“Dati lang 'yon. 'Wag na 'wag mo na akong tatawaging gano'n. Ang baho baho kaya.” Reklamo ko na parang bata.

“Ah basta, totoy–”

“What's going on here?” tanong ni Boss na kadadating lang. Mukhang tapos na siyang maligo at nakapagbihis na din siya. Gano'n ba kami katagal nag-usap ni Zariyah? O baka naman mabilis lang talaga siyang kumilos?

“Where have you been?” imbis na sumagot, mabilis na nagtanong si Zariyah. Nag-aalala ang mukha niya at para niyang asawa si Boss.

“Galing ako sa kompanya, Zari. Bakit mo naman natanong? May nangyari bang masama?”

“Company? Eh, ano ‘yang sugat sa noo mo? Tsaka narinig ko din ‘yong sinabi sa'yo kanina ni Klein.”

Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nilang dalawa. “Kayo na muna ang mag-usap, boss. Doon na muna ako sa labas.” Tumango naman si Boss bilang sagot.

Zariyah's POV

Wala paring nagsasalita hanggang ngayon. Magkaharap kami ni Kyle at nakikipagtitigan sa isa't-isa. Kanina pa din ako inaantok, pero kailangan ko paring tatagan ang loob ko para malaman ang totoo.

He let out a loud sigh bago kinuha ang champagne glass at nilagyan iyon ng kunting alak. Magsasalita na sana siya nang makaisip ako ng paraan at kaagad ko 'yon sinabi sakanya.  “Sige, ganito nalang. One answer, one glass of champagne.”

“Are you sure about that?” Tumango nalang ako bilang sagot. Mahigit isang taon na din kaya akong hindi nakakainom kaya chance ko na ito. Kinuha ko ‘yong isang champagne glass at ako ang nagsimula ng game.

“Saan ka galing?” Diretsong tanong ko sakanya. Magsasalita na sana siya ulit nang pigilan ko siya. “Bawal magsinungalang, okay?”

“Fine.” He let a sigh before speaking. “Sa kompanya talaga dapat ako pupunta, but the one connected to the tracker I put on Yehon's body rang and I saw that he's in an abandoned building.”

“Yehon? Si Yehon na pumunta sa bahay?” Tumango siya na nagpabilog ng mata ko. “Paano mo-” I cleared my throat. “Paano mo nalaman ang pangalan niya?”

—————

A/N: pagkatapos nitong EAMB, sunod ko naman ‘yong CAMG. Focus na muna ako dito HAHAHA.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now