Chapter 64

1.3K 39 5
                                    

EAMB Chapter 64

Klein

"Are you okay?" I asked Zariyah while facing the road. Kanina ko pa kasi napapansin na paika-ika siyang maglakad.

Kagabi, hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahil kaagad silang nawala sa paningin ko. Ang alam ko lang, hinarana ni Boss si Zariyah.

"O-okay lang ako, ganito talaga ang paa ko minsan." Parang hindi sigurado si Zariyah sa kaniyang isinagot.

Sa halip na maawa, tumawa ako nang malakas. "May rayuma ka na pala, Lola? Sa pagkakatanda ko, ako ang mas matanda sa'ting dalawa. Eh, bakit ikaw 'tong nirarayuma?"

Napa-iling-iling ito at kaagad na sinuntok nang mahina ang braso ko. "Sira! Nasa lahi kaya 'yon."

"May lahi ka ba?" Ngumisi ako nang nagsalubong ang kilay niya na parang nainis sa sinabi ko. Kahit kailan talaga, pikunin ang babaeng 'to.

"Wala! Bahala ka nga diyan!" Nagtataka akong napatingin sa kan'ya nang akmang uunahan niya na ako pero napangiwi siya, hindi ko alam kung dahil sa sakit ba iyon o kung ano.

Mukhang alam ko na kung bakit ganito 'to ngayon at kung bakit bigla nalang silang nawala kagabi.

Zariyah

Napalunok ako nang mahala sa mga mata ni Klein ang pagkadiskobre niya sa sitwasyon ko ngayon. Holy shit!

"'Wag mo nga 'kong tingnan ng gan'yan." Sinubukan kong hindi mautal dahil sa klase ng pagkatitig niya.

Akala ko ay tatawanan niya ako, ngunit tumaas lamang ang kilay nito na parang may hindi nagustuhan. "Bakit? May masama ba?"

Pinanliitan ko siya ng mata at sinuri ang buong mukha niya. Sa klase ng pagtingin at pagsasalita niya, mukha siyang Tigre na inagawan ng pagkain ng Leon.

"N-nakakailang kaya." Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan na lamang ang mga taong naglalakad.

"May tanong ako," Nagtatanong akong tumingin sakan'ya. "Oh, nevermind."

Namulsa siya at nauna nang naglakad sa'kin. Bastos talaga 'tong lalaking 'to. May itatanong daw tapos hindi naman itinuloy. Nago-overthink nanaman tuloy ako. Ang gandang tirisin nitong lalaking 'to ah!

"Saglit," Kasabay ng pagtakbo ko, ay ang pag-ngiwi nang dahil sa sakit. "Asan pala si Kyle?" Tanong ko nang magpantay na kami.

Nang matapos kasi akong maligo, wala na akong Kyle na nadatnan sa kwarto. Tapos saktong labas ko naman ay nakita ko itong si Klein na naglalakad papunta sa direksyon ko at niyaya akong magkakape muna daw kami.

Klein

"Asan pala si Kyle?" Inosenteng tanong ni Zariyah nang magpantay kami. Sinubukan kong iwasan ang tanong na 'yon kanina gamit ang pang-aasar sa kan'ya, pero parang hindi ko na 'yon magagawa ngayon.

Sa halip na ang sagot sa tanong niya ang isagot ko, ako naman ang nagtanong. "Nasaan na ba tayo, Zariyah? Akala ko malapit lang 'yong coffee shop dito eh kaya nga naglakad nalang tayo." Pinakiramdaman ko ang bulsa ko at kunwaring wala akong dalang cellphone, pero ang totoo ay nasa likuran ko ito. "Wala akong dalang cellphone dito eh."

"Aba, malay ko?" Kinapkap nito ang bulsa at inilabas ang cellphone. Ngumiti ito bago bumaling sa'kin. "Oh, malapit na pala tayo eh. Liliko lang tayo diyan," Itinuro nito ang palikuan. "At charaaann! Nando'n na tayo sa texia café." Excited itong pumalakpak ngunit hindi parin ako nangingiti.

"Nasaan ba kasi si Kyle?" Napairap ako sa hangin bago dumiretso lamang sa paglalakad. "Hoy! Hintayin mo kaya ako!"

"Bahala ka diyan!"

Kaagad kaming nag-order ng makakain at syempre kami nang makapasok at maka-upo na kami.

"Bakit mo ba iniiwasan ang tanong ko ha?" Naiinis na tanong nito.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko at walang buhay na tumawa. "Iniiwasan ang tanong mo? Napakadali lang kayang sagutin 'yan."

Mabuti nalang dahil dumating na kaagad ang inorder namin, nagliwanag naman ang mukha nitong kasama ko nang makitang nandoon ang paborito niyang pagkain.

Pareho kaming tahimik habang kumakain, mabuti nalang dahil enjoy na enjoy niya ang pagkain. Baka magtanong ulit siya, nahahalata niya pa naman kapag nagsisinungaling ako eh.

"So, asan nga si Kyle?"

Ilang ulit akong napaubo at kaagad na sumimsim ng kape. Panatag na kanina ang loob ko dahil akala ko, hindi na siya muling magtatanong tungkol doon. "Akala mo siguro hindi na ako magtatanong tungkol sa kan'ya, 'noh?" Napapantiskuhan itong nakatingin sa'kin, napalabi naman ako.

"Hindi, 'noh! M-may iniisip kasi ako tapos bigla kang nagtanong." Palusot ko habang pilit na umiiwas sa mapang-obserba niyang mata.

"Bakit ka nauutal, ha?" Pinanliitan niya ako ng mata at pilit na iniharap ang mukha ko sa kan'ya. Ilang beses akong napalunok nang magtagpo ang mga mata namin. Taas na taas ang kilay niya at halatang may alam na. "May tinatago ka ba sa'kin, Klein Merxo?"

"A-ako? Wala nga, ito naman oh."

"Asan nga kasi si Kyle?" Naiinis na ang tono nito dahil sa hindi ko pagsagot sa kan'ya.

"N-nasa puso mo."

Nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula sa kan'ya. "Sira! Magseryoso ka nga."

"Sige na nga," Kunwari akong bumuntong hininga at ipinikit ang mga mata para mag-isip ng palusot. "Pinatawag kasi siya kanina sa kompanya kasi marami nga daw aasikasuhin may problema kasi eh." Mabuti nalang dahil mukhang naniwala siya sa'kin.

Tumango-tango siya bago nagpatuloy sa pagkain. "'Yon lang naman pala. Kung sinabi mo kaagad, 'di sana ako maiinis sa'yo."

Pilit akong tumawa bago tumingin sa malayo. Ang totoo niyan, pinatawag talaga ni Rivo Ocheo; ang Mafia Lord, para bigyan ng leksiyon ang kapangahasan na ginawa ni Boss.

Sa mundong ginagalawan namin, bawal ang magmahal ang isang walang pusong katulad ni Boss.

Hindi iyon nakikita ni Zariyah dahil maalaga at hindi malamig sa kan'ya si Boss at napapansin kong totoong mahal niya ang kaibigan ko. Nagmahalan lamang sila sa maling panahon.

_Agratha | Carla


A/N: Hi! Tapos ko na i-edit ang Forced Marriage To A Multi-billionaire, may mga dinagdag ako tsaka binawas do'n sa story. Basta nagagandahan na ako sa nobela kong iyon.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now