Chapter 68

1.1K 23 0
                                    

EAMB Chapter 68

Zariyah

“Ano ‘to?” Tanong ko nang makitang may nakadikit na note sa likod ng box ng gatas na iniinom ko gabi-gabi.

Kinuha ko iyon at tinanggal ang pagkatupi nito bago binasa sa utak.

Hey, my Zari...

If you're reading, it means I'm fighting for my life right now. Or maybe, I'm already dead, but no! Masamang damo ako kaya hindi ako basta-bastang mamamatay. I want you to know that I really really love you and I appreciate your existence.

Kung hindi ka dumating sa buhay ko, hindi sana ako magiging masaya tulad nang palagi kong nararamdaman sa tuwing kasama kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito, Zari. I usually play girls' feelings for fun, but that was before. Yes, I'm not virgin anymore because of the girls I play every night with.

Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako kapag nalaman mo ang tungkol sa pagkatao ko. Sana lang, mapatawad mo ako. Sana. Masama akong tao, at hindi mo ako deserve. Hindi mo deserve ang isang katulad ko dahil masama akong tao. Napakasama.

Ayokong sabihin ang lahat para may panghahawakan pa ako at hindi ako mamatay kaagad. But don't worry, mahal na mahal kita kaya hinding-hindi ako mamatay hangga't pinanghahawakan ko 'yong sikreto ko at ang I love you's mo. I love you, my Zari. Take care always.

– Kyle

Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko na hindi ko pala nararamdaman na tumulo na kanina habang nagbabasa ako. Confusion and sadness are visible on my eyes.

“What does ‘masama akong tao’ means?” Bulong ko sa sarili ko habang umiiling-iling at pinapahid ang sunod-sunod na luhang kumakawala sa mga mata ko.

Pinahid ko ang huling luha na kumawala sa mata ko at tinuyo ang basang pisnge. “No, hindi panahon para umiyak ako. Kailangan may gawin ako—‘yon ay kung may magagawa ako.”

Tumayo ako para puntahan si Kuya John; kaibigan siya ni Kyle at may pinakita pa siyang picture nila kanina para maniwala ako sa sinasabi niyang kailangan niya akong bantayan habang wala pa sina Kyle.

Akala ko, may pinuntahan lang sila. Akala ko pumunta lang sina Kyle sa kompanya niya. Akala ko lang pala iyon. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Sobrang sakit.

Lumingon sa'kin si Kuya John nang maramdaman ang presensya ko sa likuran ko. Kaagad na tumuon ang mga mata niya sa pulang-pula kong mata dahil sa pag-iyak ko. “Bakit ka umiiyak?” Nag-aalala niyang tanong.

“K-kuya...” Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil sa sunod-sunod nanamang hikbi na kumakawala sa labi ko. Hindi na rin ako masyadong makahinga dahil dito. “S-si K-kyle po...” My voice cracked. Sunod-sunod nanamang kumawala ang mga luha kong naipon kanina sa mga mata ko.

“Shit!”

“Sina K-kyle po, n-nasaan?” Simpleng tanong lang iyon pero nahahalata kong iniiwasan iyon ni Kuya John na sagutin.

Hahawakan na sana niya ako para yakapin ngunit tilang may mahalaga siyang naalala at kaagad niya din iyon ibinaba at ikinuyom. Umiwas siya ng tingin at namulsa.

“N-nasa kompanya sila.” Simpleng sagot lang iyon pero napakalaking kasinungalingan.

“K-kuya, wala sila sa k-kompanya.” Sa wakas ay nasabi ko rin iyon. “N-nasa g-gyera sila,‘ d-diba?”

Namilog ang mga mata niya at bahagyang umawang ang labi. “P-pa'no mo nalaman 'yon?”

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kalangitan habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha kong punong-puno ng sakit at lumbay.

Unti-unti kong itinaas ang papel na nakita ko sa likuran ng box ng gatas ko. “S-sinabi niya po d-dito oh...”

Umawang ang labi niya pero wala ni-isang salita ang lumabas mula doon. “K-kuya, n-nasaan sila?”

“Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo eh.”

Marahas akong umiling at nangungusap ang matang tumingin sa mga mata niya. “K-kuya, please... Sabihin niyo na s-sa'kin.”

“H-hindi talaga pwede, Zariyah. Ako ang malilintikan nito eh.” Marahas itong umiling. “At baka mapahamak ka pa kapag sinabi ko, alam ko ang takbo ng utak mo.”

Nilampasan niya ako at pumunta sa kung saang sulok. No! Kailangan kong malaman kung nasaan sila. Mahal ko si Kyle at kailangang may gawin ako para sa kan'ya at syempre, para na din sa kaibigan ko.

Hindi ako sumuko, hinabol ko si Kuya John at lumuhod sa harapan niya na ikinabigla niya. “Tumayo ka riyan, Zariyah. Siguradong hindi magugustuhan ni Kyle kapag nakita niyang nakaluhod ka sa'kin.”

“Kuya, nagmamakaawa ako.” Desperado kong sabi habang pinipilit ang boses na maging matapang. “Sabihin niyo po sa'kin kung nasaan sila... Kuya, please...”

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now