Chapter 35 - Injection(2)

2.2K 100 1
                                    

Zariyah's Pov

Gusto kong humalakhak sa nakikita ko ngayon. Si Klein kasi ang ka-match ni Kyle kaya nandito sila ngayon pareho sa clinic ni Doc at kailangan nang kuhanan ng dugo si Klein.

Hindi kami magkamatch ni Kyle kaya hindi ako pwede, at isa pa, may sakit ako na hindi ko alam kung ano. Hindi din nga ito mapaliwanag ni Doc dahil napakarare daw ang sakit na 'to.

Ibinalik ko ang tingin kay Klein na ngayo'y pinagpapawisan na at lumalaki-laki pa ang ilong sa takot. Hinahanda na ni Doc ang syringe at karayom. Nang matapos ay kaagad siyang lumapit kay Klein.

"Aray! 'Wag, please! Masakit! Aray!" sigaw ni Klein kahit di pa siya kinukuhanan ng dugo.

"BWAHAHAHAHA!" hindi ko na napigilang tumawa dahil sa nasaksihan. Tumawa naman ng marahan si Kyle.

Pinukol ng marahan ni Doc si Klein at tiningnan ng masama. "Gogo ka ba? Wala pa nga, nagpapa-aray ka na agad."

"MAMAAAAAAAAAA!" Umalingaw-ngaw sa buong kwarto ang sigaw ni Klein nang iturok na ni Doc ang injection.

Kagat ko ang ibabang labi habang pilit na hindi matawa sakanya. Kaagad naman akong nag-iwas nang tingin.

Nagtama ang tingin namin ni Kyle na nakangiting nakatingin saakin. Tinaas ko pareho ang kilay ko at tiningnan siya ng puno ng pagtataka.

Ngumiti si Kyle at iling iling na nag-iwas ng tingin. Ano naman kayang problema ng lalaking 'to?

"Oh, ayan! Tapos na!" Inis na sabi ni Doc at inilagay ang band aid sa kamay niya, kung saan siya kinuhaan ng dugo.

Mangiyak-ngiyak namang tiningnan ni Klein si Kyle na siya ding nagpipigil ng tawa.

"I hate you, boss." Parang bata nitong sabi.

Kaagad na itinaas ni Kyle ang isang kilay at tiningnan siya ng masama.

Kaagad namang nawala ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Klein at napalitan yun ng pilit na halakhak.

"HA.HA.HA! Joke lang yun, boss. Ito namang si boss..."

Lumapit naman si Doc sa nakahigang si Kyle. May inayos itong kung ano at pagkatapos ay tinurukan si Kyle.

Parang wala lang kay Kyle habang tinuturukan siya. Eh, mas malaki nga yung karayom na ginamit niya kaysa saamin ni Klein. Kung ganyan kahaba yung ituturok sakin, for sure maiiyak ako ng kunti.

Nang matapos isalin ang dugo ni Klein, tinanggal na ni Doc yung mg nakaayos na kung ano.

Akmang tatayo na si Kyle nang magsalita si Doc. "Bawal ho muna kayong tumayo, Mr. Montegro. Kailangan niyo muna hong magpahinga dito."

Kyle let a loud sigh. "Okay, Doc."

Ibinaling ni Doc ang tingin saakin. "Pwede bang bantayan mo muna si Mr. Montenegro? Kailangan ko kasing bumalik sa bahay, may nangyari daw masama sa tatay ko."

Kaagad naman akong tumango. "Sige, Doc. Ako na po ang bahala kay Kyle. Puntahan niyo na po ang tatay niyo." I smiled sweetly.

"Salamat. Kung may nangyaring masama, tawagan niyo lang ako." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Ako na bahalang maghatid sayo, Doc." Singit ni Klein na ngayon ay todo na ang ngiti.

Kaagad namang ngumiwi si Doc. "Eh? Sure ka? Hindi ka ba rapist? Kidnapper? Holdapper?"

Kaagad namang nagsalubong ang kilay ni Klein. "Hindi ako ganun, 'no." Nagkibit balikat ito at umiwas ng tingin. "Baka ako pa nga rapen mo."

"At bakit naman kita iri-rape?" Nakapameywang na sabat ni Doc.

"Dahil inlove ka sakin. At syempre, ang gwapo ko."

"Ay ang hangin!"

"Hindi nga ako ganun, promise. Itanong mo pa kay Zariyah o kay Boss." Giit ni Klein.

"Totoo ba ang sinasabi nito, Zariyah?" Tanong sakin ni Doc.

"M-mahangin lang yan tsaka feelingero, pero mapagkakatiwalaan naman SIGURO yan." I emphasized 'siguro'. Hindi ako sure.

"Ohsya! Tara na at baka mas lalong lumaki ang ulo mo." Kaagad nitong hinawakan si Klein sa kamay at hinila palabas.

__________

A/N: Sorry sa matagal na paghihintay. Pero, thankyouuuu sa lahat ng readers ko. 1.14k reads na 'to, mga marekeyks. Saranghae.❤️

By the way, kakagawa ko lang ng IG ACCOUNT KO, so follow me on IG. Thankyouuuu:))

IG: _agratha
Tiktok: _agratha (or) WP anonymous writer
Fb page: Agratha

Sa fb page ko po ako madalas mag-update tungkol sa story ko:))

Don't forget to Vote, Comment, Share and Follow me.❤️

Enjoy readingシ︎

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon