Chapter 11 - Fire

3.3K 148 1
                                    

Zariyah's Pov

Lahat kami ay busy dahil trumiple pa ang mga costumers kaysa nung unang araw ko sa Coffee shop na 'to.

Kanina pa nga tumatawag si Romina pero hindi ko na muna sinasagot dahil minu-minuto ang mga orders.

"Sagutin mo na muna yan. Baka kasi importante." Jona.

"Mamaya na. Sobrang dami kasi ng umoorder nitong flavor ng kape ko." I said.

"Zariyah, two coffee with melt marshmallows and sprinkles. Heart shape daw yung gusto nila sa melt na marshmallow." Clyde.

"Sige. Wait lang."

Habang gumagawa ako ng dalawang kape ay sunod-sunod din ang paglagay ng mga orders ni Clyde sa table ko. Ganun din sina Michelle at Jona.

Yung mga orders sa binibake ay nakay Jona. Yung mga niluluto naman ang sakin. Binibigay lang namin yun kayna Roswald at Grace sa may loob.

Pagkatapos kong gawin yung dalawang kape ay ibinigay ko naman yun kay Clyde.

Tawag pa rin ng tawag si Romina pero hindi ko pa rin masagot.

"Ako na munang gagawa nung mga order sayo. Sagutin mo na yan." Ani Jona.

"Sige. Thank you."

Kinuha ko yung phone ko at sinagot ang call niya. Tumalikod na muna ako kayna Jona.

"Mamaya ka na tumawag. Nasa work ako."

["Tss. Pinag-alala mo ako, Zariyah! Akala ko kasama na kayo dun sa nasunugan.."]

"NASUNOG?! SAAN?!"

Medyo napalakas yung pagkasabi ko kaya nang lumingon ako ay nakatingin na saakin ang lahat.

I mouthed 'Sorry'.

Tumalikod na ako ulit sakanila at pinakinggan ang sinasabi ni Romina.

["Oo. Malaking sunog daw yun. Sobrang lapit lang nun sa coffee sho--"]

"SUNOG!" Sigaw ng kung sino.

Nagsigawan ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop. Nagpanic ang lahat kaya nahirapang lumabas ang lahat.

May usok na din na bumabalot sa paligid. Hindi ko alam na nakalabas na pala ang lahat at ako nang ang nasa loob.

Tiningnan ko ang kung saan nanggagaling yung usok. Shit! Ang lakas na ng apoy sa loob.

Naramdaman ko nalang na may humihila saakin palabas.

"Okay ka lang, Zariyah?" Tanong ni Roswald ng makalabas na kami.

"O-okay l-lang ako."

Tiningnan ko ang coffee shop na ang kalahati ay nilalamon na ng apoy.

"NAIWAN KO YUNG ANAK KO SA LOOB!" sigaw nung babae na nasa tabi ko. Iyak siya ng iyak at kung pwede niya lang pasukin ang coffee shop ay ginawa niya na pero may nakahawak sakanya.

Nakaramdam ako ng awa. Nagflashback lahat nung nangyari sa pinsan ko na namatay sa sunog.

Tumakbo ako palapit sa Coffee shop pero hinarang agad ako ng mga fireman. Wala akong choice kundi suntukin siya.

Nakapasok ako sa loob at hinanap yung bata. Nakatakip sa ilong ko ang isa kong kamay.

May narinig akong iyak kaya sinundan ko kaagad ang tunog nun. Nakita ko ang batang lalaki na kino-corner ng apoy. Nasa harap nung bata ang mga nag-aapoy na materials.

Kaagad akong nag-isip ng paraan. Nakakita ako ng mga kape kaya nilapitan ko ito at kaagad na hinubad ang damit ko. Meron akong damit panloob kaya okay lang yun. Binasa ko ang damit ko at lumapit dun sa bata.

Itinakip ko yung damit ko sa apoy at kinuha yung bata. Binuhat ko ito at tumakbo. Wala pa ako sa labas ng may mahulog na gamit na nag-aapoy sa harap ko.

Ubo na rin ako ng ubo samantalang iyak naman ng iyak yung bata.

Masama 'to! Pinanganak pa naman akong may hika...

Sana lang talaga, maging ligtas 'tong bata kahit mamatay nalang ako basta mabuhay 'tong bata.

Wala akong choice kundi humakbang ng malaki para makalabas ako.

Nakalabas naman ako kaya agad akong nilapitan ng mga rescuer. Ibinigay ko sakanila ang bata at naghabol ng hangin.

Biglang lumalabo ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig.

And everything went black.

_____

(A/N: Ang galing naman ni Zariyah👏...Sorry if there's a typo.)

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also:*

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now