Chapter 12 - Kiss for Safety

3.4K 145 12
                                    

Kyle's Pov

Nakaupo ako ngayon habang nakatingin sa walang malay na si Zariyah.

Ano kayang pumasok sa utak ng babaeng 'to na nilagay ang sarili sa panganib para masagip lang yung bata.

I should not be concerned to her but there's a part of me shouting 'I should be concerned'.

Flashback...

Nasa mahalagang meeting ako ngayon kasama ang mga bagong investors.

"So that's the purpose of our---" naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Klein.

"Hindi mo ba talaga alam kung paano kumatok muna bago pumasok?" Inis na sabi ko.

Hingal-hingal ito kaya naghabol muna siya ng hangin bago magsalita. "S-si...Z-Z-Zariyah...p-p-pumasok----"

"What happened to her? I don't understand you, idiot!" Sabi ko matapos ko siyang kwelyuhan.

"S-s-si Z-Z-Zari-Zariya..." tiningnan ko siya ng may pagbabanta. Umayos ito ng tindig at bahagyang umubo. "Si Zariyah, pumasok sa trinatrabahuan niyang Coffee Shop habang nasusunog."

Lumingon ako sa mga bagong investors na takang nakatingin saamin.

Ibinalik ko ang tingin kay Klein na naghahabol pa rin ng hininga. "Sumunod ka at magpadala ka na din ng medic."

Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis akong tumakbo.

"Si Bossing naman oh! Naghahabol pa nga ako ng hangin. Ganyan siguro na gagawa ng pag-ibig, nagiging OA?..." dinig kong reklamo ni Klein. Hindi ko na siya pinansin at kaagad na pumasok sa loob ng elevator.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot. Dinig na dinig ko ang busina ng ibang sasakyan dahil sa bilis ng pagmamaneho ko.

Mabilis din akong nakarating sa lugar. Sumiksik ako sa mga tao dun at nakita ko nalang si Zariyah, bitbit ang maliit na batang lalaki.

Humawak siya sa ulo niya na para bang nahihilo. Ilang segundo lang yun at bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.

Nagkagulo ang mga tao pero kaagad akong lumapit kay Zariyah at binuhat siya, bridal style.

Hinawakan ng isang pulis ang kamay ko at napalunok nang makilala kung sino ako. "Boss, bawal niyong dalhin ang biktima. Kami na po ang bahala diyan."

Tiningnan ko siya nang masama bago bahagyang lumapit sa kaniya at bulungan siya sa tenga. "You'll let me or I'll bury you alive?"

"S-sir, hindi po talaga pwede." Pamimilit niya.

Umiwas ako ng tingin. "500,000 pesos?"

"S-sir?"

"1M pesos. Sapat na ba 'yon para payagan niyo akong dalhin ang babaeng 'to?"

"Okay po, boss. Salamat."

I smirk. "Pumunta ka nalang sa Montenegro Company. Hanapin mo dun si Mr. Kyle Montenegro sa secretary niya. Sabihin mo ang pangalan mo...oh? What's your name?"

"Morlong Ledisma."

"Sabihin mo lang ang pangalan mo at ibibigay niya na ang pera."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil mabilis kong ipinasok si Zariyah.

Hindi ko siya inilagay sa backseat o sa passenger seat dahil nagsisilbing unan niya ang kamay ko. Nasa tabi passenger seat naman nakapatong ang paa niya.

I kiss her lips before I drive. For safety, hehe.

End of the Flashback...

Nakaramdam ako ng presensya ng tao sa likod ko pero hindi pa rin ako lumingon. Oh, that was Klein.

"Boss..."

"Ba't hindi kayo dumating?" Mahinahon pero may diing sabi ko.

"Traffic sa EDSA, boss."

Nanatili akong tahimik habang nakatingin pa rin sa tulog na Zariyah.

"B-boss...wag ako ang pag-initan niyo. Yung EDSA ang sisihin niyo, boss. Sorry na nga boss..." Klein.

"Wala naman akong sinisisi."

Klein's Pov

"Wala naman akong sinisisi."

Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. Nanlaki pa ang mga mata ko at nakangangang nakatingin sakanya.

"B-boss?"

"Wala naman talagang dapat sisihin. Kung traffic ang EDSA, it's okay. Sa dami ba naman ng taong may sasakyan, paniguradong traffic talaga ang labas."

Nakangiwi akong lumabas ng kwarto ni boss. Yeah, dinala ni Boss si Zariyah dito sa bahay niya at pinahiga sa mismong kama niya. Wala pang babae ang nakahiga sa kamang yan at maraming may gusto kaya swerte si Zariyah.

Binaba ko na yung pride ko para lang sabihin ang salitang 'sorry' tapos yun lang yung sagot niya. Pero okay na yun, baka barilin ako nun. Masisira pa ang poging mukha ko.

Kailangang pangalagaan ang ganitong itsura dahil iilan nalang ang may ganitong mukha sa mundo.

Ang gwapo ko pa naman...

_______________

(A/n: Grabe ang self-confidence ni Klein, ah...Parang mas lalong lumakas yung hangin---charr.)

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also:)

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now