Chapter 46 - Pagsugod

1.6K 44 1
                                    

EAMB Chapter 46 - Pagsugod

Solina's POV

*Continuation of the Flashback*

Ilang linggo na simula nung maalala ko ang lahat-lahat, ilang linggo nadin kaming patagong nagkikita ni Mario sa tulong ni Josefa.

Nakonsensya din nga ako dahil pinag-isipan ko pa nung una ng masama si Josefa, pero heto siya ngayon, tumutulong para magkita kami ni Mario.

"Kapag umalis na ang mga magulang mo, Solina, doon na tayo aalis." Bulong ni Josefa sa taenga ko. Balak naming magkita ni Mario ngayon, kaso ang tagal umalis nina Itay.

Tumango lang ako at kunwaring nagtupi ng mga damit ko. Alam kong kasalanan ito sa diyos, pero ito lang ang maaari naming gawin para makita ang isa't-isa.

Narinig ko din kanina habang nag-uusap sina inay at itay na pipilitin nila akong ipakasal kay Leo kapag bumalik na ang ala-ala ko. Mabuti nalang dahil hindi pa nila nalalaman na bumalik na ang ng ala-ala ko.

Ayokong makasal sa lalaking hindi ko mahal. Ang lalaking gusto ko lamang pakasalan ay si Mario Dignidad. Siya lang ang laman ng puso ko. Siya lang ang nagpapatibok nito.

"Mauna na kami, Solina at Josefa." Sabi ni Inay habang naglalakad, nauna na din si Itay sakanya.

"Mag-iingat ho kayo." tipid akong ngumiti.

Ilang minuto lang ang hinintay namin ni Josefa bago napagpasyahang umalis.

"Tara na bilis." Mahinang sambit ni Josefa habang nakayukong naglalakad sa may sapa. Dito kami palaging dumadaan dalawa kapag magkikita kami ni Mario. Kapag kasi dumaan kami may kalsada, paniguradong makikita kami nina itay.

Medyo binabagalan namin ang aming paglalakad dahil madulas ang sapang ito. Maaaring madulas kami at tumama ang ulo namin sa mga bato-bato.

Pinauna ako ng kunti ni Josefa para daw maalalayan niya ako mula sa likuran.

ILANG minuto lang kami naglakad bago matanaw si Mario na naghihintay saamin. Nang makita niya kami, ngumiti siya at naglakad palapit saamin para alalayan ako.

"Kamusta?" tanong niya nang makaalis na kaming tatlo sa sapa.

"Maayos naman. Natagalan lang dahil matagal bago umalis sina Inay." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Ilang araw palang tayong hindi nagkita, miss na kita agad." Dinugtungan niya ito ng mahinang tawa.

"Asus! Kayo talagang dalawa, daig niyo pa ang asukal sa sobrang ka-sweetan." Panunudyo saamin ni Josefa. Tinawanan lang namin siya at dumiretso sa itinayong bagong bahay ni Mario.

Hindi kami pwedeng pumunta sa bahay niya talaga dahil paniguradong mabubuking kami nina Nanay at Tatay.

"Kumain na muna kayo." binuksan ni Mario ang kaserola. Parang nagutom ulit ako nang makitang ang niluto ni Mario. Sa tuwing narito kami, palagi niya kaming pinaglulutuan ng kung ano-ano. Labis namang natutuwa si Josefa dahil hindi daw siya kaagad magugutom.

Tulad ng inaasahan ko, kumuha na nga si Josefa ng pinggan at nagsimula nang kumain. Napailing-iling nalang ako bago kumuha na din.

Habang kumakain, nag-uusap kami ni Mario tungkol sa kung saan-saan. Tahimik lang naman si Josefa at walang pakialam sa pinag-uusapan namin dahil nakatuon ang atensiyon niya sa pagkain. Mabuti nga't madaming hinanda 'tong si Mario.

Third Person's POV

"Pa, may bibilhin lang ako." Paalam ng Ina ni Solina sa asawa. Matamis itong ngumiti bago tumango.

Umalis na ang ginang at nagtungo sa tindahan para bumili ng tinapay.

"Pabili nga po." Sinabi nito ang gustong bilhin bago umalis nang nabigay na sakanya ang tinapay. Subalit dalawang pamilyar na babae at isang lalaki ang nahagip ng paningin niya.

Pinagsawalang bahala niya lang iyon at nagtungo na sa pinagta-trabahuan nila ng asawa.

Wala sila sa bukid ngayon dahil may nililinis sila malapit sa may sapa. Nakalimutan nga nila itong ipaalam kay Solina dahil nagmadali na din sila.

"AYOS ka lang ba, ma?" Tanong ng asawa nito nang mapansin na iba ang kilos ng kaniyang asawa.

"P-para kasing nakita ko sina Solina at Josefa kasama si Mario doon sa bagong biling lote at bahay."

"Naku! Baka guni-guni mo lang iyon? Paano naman sasama si Solina kay Mario eh wala pa nga siyang naaalala, eh. At si Josefa naman, wala kang dapat ipag-alala dun dahil tapat saatin ang batang iyon." Tinapik nito ang balikat para makampante.

-

"Ang mabuti pa, pumunta ka nalang sa bahay at tingnan kung naroon nga sila." Sambit ng ginoo nang mapansing hindi parin makampante ang asawa.

"Mabuti pa nga..." Bumalik ito sa bahay para matingnan kung naroon nga ang dalawa, ngunit pagdating niya doon ay sarado ang bahay at walang tao.

Umakyat ang dugo niya sa ulo at nagmamadaling binalikan ang asawa para ipaalam ang nangyayari.

Hindi niya akalain na magagawa ito ng sarili niyang pamangkin at anak. Hindi niya masiguro kung bumalik na ang ala-ala ng dalaga dahil wala pa itong sinasabi sa kanila. Hindi niya makontrol ang kaniyang galit at inis na nararamdaman ngayon.

Dapat si Leo ang makatuluyan ni Solina at hindi si Mario. Gusto niya na sila ang masunod. Ayaw na ayaw niya si Mario para sakaniyang dalagang anak.

"Pa, totoo nga ang nakita ko! Sina Solina at Josefa kasama si Mario doon malapit sa tindahan!"

NA-ALARMA ang ginoo kaya kinuha niya ang kaniyang itak at mabilis silang pumunta sa bagong biling bahay at lote.

Solina's POV

"MAIWAN ko na muna kayo." Paalam ni Josefa nang matapos siyang kumain. Ngumiti ito ng nakakaloko. "Para naman makapagsolo kayong dalawa."

"Makapagsolo? Eh dalawa kami oh." Sarkastiko kong tugon.

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago lumabas ng bahay at umupo sa malaking bato.

"Ayos ka lang ba talaga, Solina? Parang kanina pa malalim ang iniisip mo." Nag-aalalang tanong ni Mario.

"N-narinig ko kasi sila Itay at Inay..." Malalim akong bumuntong hininga. "I-ipapakasal nila ako kay Leo kapag maalala ko na ang lahat..."

Hinawakan ni Mario ang pisnge ko at marahang hinimas iyon gamit ang kaniyang hinlalaki. "Wag kang mag-alala, mahal ko. Ngayong alam na natin ang pag-ibig sa isa't-isa, hinding-hindi ko na hahayaan na makuha ka pa sakin ng kung sino." Hinalikan niya ako sa noo. "Balak ko na rin sanang ipaalam sa mga magulang mo ang relasyon nating dalawa para-"

"Solina! Mario! Nandiyan..." Hinihingal na lumapit si Josefa saamin. "N-nandiyan sina... sina... I-itay at Inay mo!"

"Ano?!"

-----

A/N: Sa wakas, naka-update din! Ang hina pa ng signal shittt.

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon