Chapter 23 - Resort

2.5K 104 1
                                    

EAMB Chapter 23 - Resort

Zariyah's Pov

Nagising ako sa ingay ng hampas ng alon at sa buhok ko na hinahangin papunta sa muka ko.

Iminulat ko ang mata ko at inikot ang paningin. Nagda-drive parin si Kyle habang si Klein naman ay tulog.

Malamig ang simoy ng hangin at katabi ng kalsada ang dagat.

Maya-maya pa ay huminto ang kotse sa harapan ng medyo maliit na eskenita. Ito na ba yun? Nasan ang beach dito?

Naramdaman siguro ni Klein na huminto ang sasakyan kaya nagising siya.

May pinindot si Kyle sa phone niya at may tinawagan. Maya-maya pa ay may mga taong lumabas dun sa eskinita.

Kinuha nila ang gamit ni Klein at dinala sa loob ng eskenita. Lumabas na silang dalawa kaya lumabas na din ako.

May tinawagan ulit si Kyle so I grab the opportunity to ask Klein.

"Eto na yung Beach Resort niya?" Nakangiwi kong sabi.

Ngumiti ng malapad si Klein. "Yes. Ang ganda no?"

Nginiwian ko siya. "Anong maganda diyan? Eh eskinita lang naman yan."

"Watch and learn. Don't judge the book by it's cover."

May point siya...

Lumapit si Kyle at hinawakan ako sa kamay. Pumasok kami sa eskinita at nakasunod naman si Klein na halatang sobrang excited.

Shit lang! Ang ganda!

May bahay sa paligid, may mga swimming pool at may dagat. May mga bahay kubo din sa gilid ng dagat pero hindi siya yung natural na bahay kubo, may design siya. May natatanaw din ako sa hindi kalayuan na malaking yate.

DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER!

Tiningnan ko ng mabuti yung swimming pool. Kulay blue din ito pero mas matingkad ang kulay nito kaysa sa ibang swimming pool. May mga  designed na bubong din sa mismong pool.

Sunod kong tiningnan yung bahay. 1st floor lang siya pero sobrang lapad. Glass door ito kaya kitang-kita ang ganda sa loob.

Natigil ang pagtingin-tingin ko nang biglang may dumating na mga lalaki at babae. Pero karamihan talaga ang lalaki.

Mga 50 plus yung mga lalaki at lahat sila ay may kasamang babae. Halatang taga-ibang bansa yung iba at halata ding may edad na yung iba. Sa asta nila, muka silang mga businessman.

"Good afternoon." Bati ni Kyle habang hindi nakatingin sa mga 'to.

"Good Afternoon, Mr. Montenegro." Sabay nilang bati.

Montenegro? Saan ko nga ba narinig yung apelyidong yun?

"Did y'all like my place?"

Tumango ang lahat pero isang lalaki lang ang nagsalita.

"I find your place beautiful and amazing. But...this woman is even beautiful and I think she's yummy. Can I put you in my bedroom?" Sabi nung amerikanong lalaki. Tumawa naman yung mga kasama niya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Kyle. "Don't be rude, Mr. Lucord."

Bigla nalang akong hinawakan ni Kyle sa bewang at inilapit sa kanya. "I want to introduce you to my Wife."

Wife?!

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakangangang tiningnan si Kyle.

"Excuse us."

Pagkasabi nito ni Kyle ay  nilagpasan namin sila at pumunta dun sa bahay. Dumiretso kami ng kwarto pero wala na si Klein.

I look at Kyle. "Where's Klein?"

"He's doing his business." Tanging sabi niya bago lumabas. Pero bago siya tuluyang makalabas may sinabi siya saakin. "Meron ka nang damit diyan na nakalagay sa walk-in closet. Pumili ka at magbihis. Sumunod ka pagkatapos. Nasa tabing dagat lang ako." Tuluyan na siyang lumabas.

Kapag talaga nagsasalita ng tagalog 'tong si Kyle, halatang englishero.

Pumunta na ako dun sa walk-in closet niya at namili ng damit.

Pinili ko yung black two piece na suotin ko. Bagay yun saakin dahil maputi naman ako at flat naman tiyan ko. Isinuot ko din yung robe na 4inch above the knee. Robe siya pero kitang-kita yung two piece na suot ko dahil sobrang nipis nito.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Minessy bun ko yung buhok ko bago lumabas.

________

Follow/Like my FB page:
_Agratha

Tiktok acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Don't forget to Vote, Comment and Share😚

Wabyoo guys!

Encountered a Mafia BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora