Chapter 81

996 22 0
                                    

A/N: Ni-review ko ngayon lang 'yung ibang chapter nitong nobela, may mali pala ako. “Him” ang nailagay ko sa dapat na “her”, nagsusulat kasi ako ng BL sa fb account ko kaya hindi ko namalayang him na pala ang nalalagay ko kay Zariyah. Ii-edit ko nalang kapag natapos ko na ‘yung buong kwento.

EAMB Chapter 81

Zariyah

“Ano ho?!”

Bahagyang tumaas ang aking boses nang dahil sa gulat.

“Dumating na ba ang dalaw mo ngayong buwan?”

Inikot ko ang aking ulo upang humanap ng kalendaryo, nilapitan ko ito kaagad nang may makita.

Fuck! Ilang araw na din pala akong late.

Nanginginig ang buo kong katawan pero sinubukan ko itong pakalmahin. Kailangan kong hindi ito ipahalata sa kanya—sa kanila.

Kailangan ko munang makasiguro bago ko sabihin sa kanila. Hindi dapat nila ito malaman, lalong-lalo na si Kyle.

“Ano, hija?”

“D-dumating na ho no'ng isang linggo.”

Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko at nginitian na lamang siya bago ako nagmamadaling pumasok ulit sa kwarto. May tinatanong pa sana si Klein, ngunit sinamaan ko siya ng tingin.

Matapos kong i-lock ang pinto ng banyo, tiningnan ko ang sarili sa salamin.

“No! Hindi ito pwedeng mangyari. Fuck! I should have been careful in the first place.”

Halos pabulong kong sigaw sa sarili sa salamin. Alam kong nagmumukha na akong baliw, pero wala akong pakialam basta malabas ko lang ang saloobin ko.

Dapat walang makaalam na buntis ako. Alam ko na ang sunod na mangyayari 'pag nagkataon.

Mabilis kong hinilamusan ang sarili kong mukha bago ngumiti sa salamin at pinilit sabihin sa sarili na magiging maayos din ang lahat.

Hinimas ko muna ang aking hindi pa halatang tiyan bago ako lumabas ng kwarto.

Kyle

Why do I have a feeling that Zariyah isn't okay? For a few days now, I have noticed her. Something seemed to be bothering her mind.

Every morning, I always wake up to find her in the bathroom. If I was the first to wake up, she is now. Hindi ko naman marinig kung ano ang ginagawa niya doon dahil may noise proof iyong loob ng banyo.

So today, I woke up earlier to find out what she was doing. I also hung a speaker inside the bathroom so I could hear what was inside.

I close my eyes when I felt she's awake. Nagpanggap akong tulog habang siya ay nakatingin sa mukha ko, inoobserbahan.

Nang masigurado niyang natutulog pa ako, dahan-dahan siyang tumungo sa banyo at mabilis na ini-lock iyon nang walang ingay.

Now I'm confused. Ngayon ko lang napansin na walang ingay kung siya ay naglalakad. Is that possible on a simple girl? Nah, it's impossible.

IIlan lang ang nakakapaglakad nang walang ingay, only agents or criminals can do such things. And when she locked the door, ibang klase na iyon. Even me, it's hard to do that thing. So, why she can?

Marahas akong umiling bago pa makapag-isip ng kung ano-ano. Nang maramdamang papalabas na siya ng banyo, mabilis kong ipinikit ulit ang mata. Hindi niya pwedeng mahalata n gising na ako.

"Hey, alam kong gising ka na."

What did she just said? Pa'no niya 'yon nalaman? I'm good at pretending.

Napalunok na muna ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at sinalubong ang mapanuri niyang tingin.

"H-hey, good morning."

I tried to calm down myself, but her eyes are so---oh, nevermind.

"K-kanina ka pa ba gising?"

Mabilis akong umiling bago ngumiti. Hindi naman siguro niya nahalata na kanina pa ako gising, sana lang.

"Nah, kagigising ko lang. How about you, hon?"

Mabilis siyang umiwas ng tingin at pilit na ngumiti. If she can observe someone without even doing something, I also can. Mukhang may tinatago nga siya sa'kin.

"Uh, y-yes. Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos."

Kaagad siyang humilata ulit sa kama at pilit na iniiwasan ako at ang iba kong tanong. Hmm?

"Matutulog na muna ako ulit, inaantok pa kasi ako eh. I love you, hon."

She whispered the 'i love you', but i heard it. Ngumiti ako bago siya hinalikan sa noo.

"I love you more, my moon."

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now