Chapter 41 - Leo or Mario?

1.9K 66 0
                                    

EAMB Chapter 41 - Leo Or Mario?

Third Person's POV

*Continuation of the Flashback*

Dumiretso ang dalaga malapit sa dagat pagkatapos niyang iwan sa sayawan ang pinsan.

Hindi naman kasi dapat ganoon ang sinabi niya. Wala siyang karapatang husgahan ang taong hindi pa niya lubusang kilala. Ganyan ang napapala ng mga taong mapagpaniwala sa mga babaeng matatabil ang dila.

Nayakap niya ang sarili nang umihip ng malakas ang hangin. Malalim na ang gabi kaya mas lalong lumamig dito sa probinsya nila.

“Mag-isa ka lang ba, Binibini?” nanindig ang balahibo ni Solina nang may magsalita sa gilid niya. Pagtingin niya, tatlong lalaki ang nasa gilid niya habang nakangiti ng nakakaloko. “Ang magagandang binibining katulad mo, ay nasa kani-kanilang bahay na dapat ngayong mga oras na 'to.” tumawa ang tatlo na para bang may nakakatawa.

“Gusto mo bang tikman ka muna namin bago ka umuwi sa bahay niyo?” tanong ng isang lalaki at hinawakan nito ang balikat ng dalaga.

“B-bitawan n-niyo ako, mga g-ginoo.” nanginginig na sabi ni Solina habang patuloy sa pag-agos ang luha niya. Tatlo na ang may hawak sakanya ngayon at hindi niya alam ang gagawin.

Binibini lamang siya at mga ginoo ito. Hindi niya kakayanin dahil mas malakas parin ang mga lalaki kaysa sa mga babae.

Akmang hahalikan na sana siya ng isang lalaki nang tumalsik ito sa gilid ng dagat. Sunod na natumba ang dalawang lalaking may hawak dalaga. Lahat sila ay nawalan nang malay.

“M-maraming salamat, gino—” napatigil siya nang makita kung sino ang nagligtas sakanya.

Mario. Mario Dignidad.

“M-maraming salamat ho.” pagpapasalamat ng dalaga sa ginoo.

“Hindi kana dapat naririto, Binibini. Malalim na ang gabi at mapanganib.” anito sa malamig na boses. Mas gwapo pala si Ginoong Mario sa malapitan. “Ba't ka natulala diyan, Binibini?”

Nataranta ang dalaga nang tanungin siya ng binata. “Ah-eh ano... Salamat ulit, ginoo. Wala akong pera, kaya pasasalamatan kita sa paraang alam ko.” ngumiti siya ng matamis.

Nilagpasan siya nito habang umiinom ng tuba. “Wag na. Umuwi ka na at baka may mangyari pa sayong masama.”

“Minamarkahan ko ang mga sinasabi ko, ginoo. Asahan mo yan.” kumindat pa ang dalaga kahit na nakatalikod ang binata.

“Alis.”

——

Kagaya ng ipinangako ni Solina kay Mario, araw-araw niya itong pinasasalamatan at para siyang naging yaya ni Mario.

Hindi parin sumuko si Solina kahit na araw-araw siyang tinataboy ni Mario. Kung hindi dahil sakanya, paniguradong hindi na ako birhen ngayon. Yan ang sinasabi ng dalaga sa sarili kapag itinataboy siya ni Mario.

“Magandang Umaga, Ginoo!” masiglang bati ng dalaga sa binata.

“Ikaw nanaman? Ang sabi ko saiyo, binibini, tigilan mo na ako. Tsaka nakapagpasalamat kana saakin, sapat na iyon.” iritadong sabi ng binata sa dalaga.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now