Chapter 78

1K 21 0
                                    

EAMB Chapter 78

Zariyah

Isa-isa nang nagsisialisahan ang mga naging kalaro ko dito sa bahay ampunan. Maraming magulang ang gustong umampon saakin ngunit hindi ako narito para magpa-ampon, kundi makitira lamang dito.

Alam nila. Alam nilang lahat kung ano ang nangyari sa'kin. Isa sa mga sikat na pulis dito sa papa saamin at kung saan-saan din napunta ang masamang balita na iyon kaya mabilis nila akong nakilala.

“Are you okay?”

Muntikan na akong mapatalon nang may isang malalim na boses ng lalaki ang nagsalita sa gilid ko. Mabuti nalang dahil nakilala ko siya kaagad kundi baka nasuntok ko na siya.

Mas lumalim na ang kaniyang boses dahil sa pagbibinata. Ilang taon na din kasi ang nakalipas simula nang magkakilala kami.

Isa na kami ngayong ganap na dalaga at binata, ngunit parang hindi manlang nag-grow ang utak ko, parang ang kay Zach lang ata. 'Di bale na nga.

“Hey.”

Mahina niyang pinitik ang noo ko dahilan para makuha niya ulit ang atensiyon ko. Hindi ko pa nga pala nasagot ang tanong niya.

“Of course, okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay, ha?”

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip pa dahilan para magsalubong ang makakapal niyang kilay.

Ayaw na ayaw niya kapag sinusungitan siya, ewan ko ba sa lalaking 'to. Pero syempre, palagi ko siyang sinusungitan at mukhang sanay na rin naman siya, pero hindi niya naman maiiwasang hindi magreact.

May sasabihin sana siya ngunit mas pinili niyang umiling at hilutin ang noo niya habang nakatungo.

“Nevermind.”

Mahina siyang natawa sa sarili niya bago ako tinalikuran. Ano na naman kayang trip ng lalaking 'yon? Mukhang inaatake na naman ata.

LAST SUBJECT na namin 'to bago maglunch, at dahil nagugutom na ako, minadali ko na ang pagsagot sa sobrang habang test na 'to.

Mabilis akong lumabas ng room nang maipasa ko na ang test paper sa professor naming tulog na naman. Nagtataka na din nga ako at naaawa sa professor naming 'yan eh. Minsan kasi, pawisan at namumula ang mga mata kapag papasok sa classroom.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may umakbay na braso sa'kin. Manlalaban na sana ako nang maamoy ko ang pabango niya.

Si Klein Merxo lang pala, isa sa mga blockmates ko. Hindi ko din nga alam kung paano kami naging magkaibigan ng unggoy na 'to eh, basta bigla nalang siyang sumulpot sa buhay ko at bigla kaming naging magkaibigan.

“How are you, pretty?”

“Sus, 'wag mo nga akong magan'yan-gan'yan, Klein.”

Pilit kong tinatanggal ang braso niya ngunit masyado siyang malakas kumpara saakin.

“Sorry na nga, may importante kasi akong inasikaso eh.”

Ang mapaglarong boses niya ay naging isang madahan at malambing na boses. Si Klein Merxo ba talaga 'to?

“Pero kahit hindi ako nakapunta sa birthday mo, meron naman akong regalo para sa'yo.”

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ibinigay iyon sa'kin. Akmang bubuksan ko na nang pigilan niya ako.

“Buksan mo 'yan kapag sinabi ko na, okay?”

Taka ko naman siyang tiningnan habang nakangiwi. Akala ko ba regalo niya na 'to sa'kin?

“Bakit? Pwede ko namang buksan ngayon, ah?”

Kaunti nalang at masasabunutan ko na itong kausap ko. Mas lalo naman akong napangiwi nang makitang sobrang liit nga pala ng buhok niya at bagong gupit pa talaga ang loko.

“Basta, sobrang espesyal kaya ng regalo kong 'yan. Kaya dapat, sa takdang panahon mo na buksan 'yan. Promise?”

Napa-iling-iling nalang ako bago nilagay sa loob ng bag ang ‘espesyal’ na box na regalo niya sa'kin.

Gusto ko sanang buksan mamaya eh, kaso nga lang nagpromise na ako. Ayoko namang hindi iyon tuparin.

“Papunta ka din sa Cafeteria, ‘diba?”

Maya-maya'y tanong niya sa'kin. Pinagtitinginan na din kami ng ibang estudyante dahil sa kaakit-akit na mukha ng kasama ko.

Isang campus crush kasi ang kasama ko ngayon, eh. Palagi din akong napapaaway dahil sa kanila ni Zach, isa din kasing campus crush 'yon.

“Syempre, kanina pa ako nagugutom eh.”

“Sakto! Papunta din ako doon, sabay nalang tayo.”

Tumango-tango naman ako habang natatawa sa kaniya. Para talaga siyang bata kapag kasama ako, pero minsan, napakaseryoso niya naman.

DUMIRETSO kami sa isang bakanteng table nang makuha na namin ang aming order. Hindi na niya ako pinabayad kasi libre niya nalang daw iyon, pambawi sa hindi niya pagpunta sa kaarawan ko no'ng isang linggo.

Nagk-kwentuhan lang kami habang kumakain at minsa'y humahalakhak pa. Pareho lang kaming natigilan nang marinig namin ang boses ni Zach.

Mabilis akong napalingon sa gawi nila at napa-iling-iling nalang ako nang makitang kasama niya sina Yehon, Xiomara, at iba pang mga sikat dito sa school.

“Mukhang napapabarkada na nga si Brainy boy sa mga popular students dito sa campus, ah.”

Ani Klein. Ang tinutukoy niya ay si Zach at ang mga kasama niya ngayon. Totoo naman talaga iyon at mukhang nagbabago na nga si Zach ngayon. Hindi na siya ang dating Zach na kilala ko. Pero mabait pa naman siya sa'kin, may nagbago lang.

“O-oo nga, eh. Hayaan nalang natin siya kung saan siya masaya.”

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makitang titig na titig siya sa mukha ko. Nagpatuloy naman kami sa pagkain ni Klein habang minsan ay parehong napapalingon sa grupo nina Zach.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon