Chapter 19 - Pictures

2.7K 107 3
                                    

Zariyah's Pov

Kaagad kaming lumapit sa photobooth at kaagad ko ding isinuot ang wig ni Elsa. Bored naman akong tiningnan ni Kyle.

Kinuha ko yung wig ni Hans at isinuot yun sakanya. Nagulat siya nung una pero kaagad niya din yung tinanggal.

"Fvck! I don't want to wear that." Inis na sabi niya.

Bumuntong hininga ako at inilagay ulit yun sa ulo niya. "Dapat kong sulitin 'to. Magiging yaya mo ako  for one day, mahirap kaya yun."

"Tss." Umirap siya at hindi na tinanggal ang wig.

Ayuss!

Lumapit kami sa photographer at nagpapicture.

Napansin kong ako lang ang ngumingiti saaming dalawa kaya kaagad ko siyang tiningnan at pinagtaasan ng kilay.

Shvta! Ilang segundo ko palang siya tiningnan sa mata pero parang gusto ko nang umiwas ng tingin. Gustong-gusto kong sumigaw sa kilig.

Umiwas ako ng tingin at nagkibit-balikat. "Ngumiti ka naman." Ibinalik ko ang tingin sakanya.

Umirap siya at tipid na ngiti ang ibinigay niya nang magclick na ulit ang photographer.

"Last na, Kuya." Sabi ko at nagwacky.

Kung hindi ako nagkakamali, nakatingin saakin si Kyle.

Tumingin ako at sakto ding nagflash ang Camera.

"Perfect!" Sabi nung photographer at ibinigay saamin ang mga pictures.
"200 pesos."

Paktay! Wala pala akong dalang wallet...

Tumingin ako kay Kyle at nagpilit ng ngiti. Inirapan niya ako at kinuha ang wallet niya.

"Keep the change." Sabi niya dun sa Kuya at ibinigay ang isang libo.

Kaagad niya akong hinawakan sa kamay at lumabas na ng park.

Binuksan niya ang pinto ng isang kotse at hinintay akong pumasok sa loob. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Nanakawin natin yan?" Inis na tanong ko.

"Tss." Inirapan niya ako at umikot sa kabila at sumakay sa driver seat. "Sakay." Kaagad naman akong sumakay kahit hindi ako sure.

Nagdrive siya ng mabilis habang ako naman ay takang nakatingin.

Carnap ba 'tong ginagawa namin?

"Yumaman kaba dahil sa pagnanakaw?"

Biglang huminto ang sasakyan at muntik na akong matumba, mabuti nalang at naka-seatbelt ako.

"What the fvck are you saying?" Mahinahon pero may diin niyang sabi.

"Eh, wala ka naman kasing dalang kotse kanina. So, obvious namang carnap 'to diba?" Inis na sabi ko.

Oo may susi siya pero merong susi na nakabubukas ng lahat ng kotse, dzuhh.

I heard him chuckled while shooking his head. "Nakakalat lang sa tabi-tabi ang mga kotse ko." He said and started the engine.

Woah!

Sobrang yaman siguro niya...Nakakalat nga lang raw mga kotse niya sa tabi-tabi.

Kinuha ko yung apat na pictures sa bulsa ko at nakangiting pinagmasdan.

Napako ang tingin ko sa pinakahuling pictures. Yun yung nakatitig kami sa isa't-isa.

Ramdam kong umiinit nanaman ang pisnge ko kaya agad ko itong hinawakan at tumingin sa carshield bago ngumiti.

Sino ba naman ang hindi mapapangiti? Nagkaroon ba naman kayo ng pic ng crush mo...Now, tell me. Sino hindi mapapangiti?

Ibinigay ko sakanya yung dalawa. Syempre akin 'tong nagkatitigan kami at yung nakafierce siya. Tapos sakanya naman yung nakafierce at tipid na ngiti niya.

"Sayo yang dalawa, sakin naman 'tong dalawa." I said and smiled.

Tipid na ngiti lang ang ibinigay niya at tinanggap ang dalawang pictures.

Hawak-hawak at pinagmamasdan ko parin yung dalawang pictures.

Magkikita pa kaya kami after 2 days?

Nalungkot ako sa naisip ko. Two days nalang pala ako sa bahay niya. At pagkatapos nun, hindi ko na alam kung magkikita pa kami.

Ba't ba ganito epekto mo saakin, Kyle?

"You look sad." He suddenly said. Tiningnan ko lang naman siya. "Don't worry, magkikita pa naman tayo..."

OH-MY-GOSSHHH!

Paano niya nahulaan ang nasaisip ko? Is it too obvious? O baka...

"Manghuhula ka ba?" Gulat kong tanong.

He chuckled. "No." tipid niyang sagot.

"Eh, paano mo nalaman yung iniisip ko?"

"Well, you're too obvious."

I pouted and look at the carshield. I hide the pics in my hoodie's pocket.

__________

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.❤️

Fb page: Agratha

Tiktok acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ