Chapter 38 - Confession

2.1K 104 7
                                    

EAMB Chapter 38 - Confession

Third Person's Pov

Lalong lumakas ang tibok ng puso ng dalaga nang lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay.

Ilang beses siyang napakurap bago hawakan ang kamay ni Kyle.

Malakas ang pintig ng puso niya habang hawak ang kamay ng binata. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Naramdaman niya nalang na naglalakad na sila sa gitna papunta sa harapan habang pinapalakpakan sila ng mga bisita.

Nang nasa harapan na sila, inakbayan siya ng binata. Kumurap-kurap si Zariyah at 'di makapaniwalang tiningnan si Kyle.

"G-girlfriend?" Naguguluhang tanong ni Zariyah.

"I'm wrong. I should've introduced you as my wife." kinindatan siya nito.

"A-ano bang pinagsasabi m-mo?"

"Papunta na din tayo diyan, and I'm sure na mapapasakin ka. Inadvance ko lang para wala nang mang-agaw sayo."

"Weh?"

"I'll explain later."

Ibinaling ng binata ang tingin sa mga bisita. Tinapat niya sa bibig ang mic bago magsalita.

"She's Zariyah Eurydice Cervantes, my girlfriend, my future wife and future mom of our twelve kids." Anunsiyo nito.

Nanlaki ang mata ni Zariyah sa huling dalawang salitang sinabi nito. Isang dozena? Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Lasing na kaya siya? Naka-drugs ba 'to? Sunod-sunod niyang tanong sa isipan.

Nagpalak-pakan ulit ang bisita habang hindi naman nakakibo si Zariyah.

NAKATINGIN sa kawalan si Zariyah habang inaalala ang mga nangyari kagabi sa party.

Panaginip lang ba 'yun? Imagination? Kanina pa nito tinatanong ang sarili habang nakatulalang nakatingin sa kawalan.

Pagkatapos siyang ipakilala ni Kyle kagabi as his girlfriend, future wife, future mom of their 12 kids, ay uminom siya ng uminom kagabi.

Zariyah go back to reality when Kyle snaped his two fingers infront of her.

"Are you okay?" He asked.

"Yeah."

"Are you sure?"

"Yeah."

NAKARAMDAM ng pagkairita ang binata ng puro 'yeah' ang sagot sa kanya ni Zariyah.

Napahawak nalang siya sa kaniyang sintido at hinilot-hilot iyon.

"Can you stop answering 'yeah'?" Halata ang iritasyon nito sa boses.

"Yeah."

"If you dared to answer 'yeah' again, I will surely own your tempting lips."

HINDI 'yon masyadong naintindihan ng dalaga dahil wala ito sa sarili.

"Yea–"

Bago pa man matuloy ni Zariyah ang sasabihin, naangkin na ng binata ang mga labi nito.

Doon lamang narealize ni Zariyah ang mga nangyari.

Dala ng gulat, hindi nakagalaw si Zariyah at nanlaki lamang ang dalawang mata nito.

Pinakawalan din naman kaagad ni Kyle ang labi ni Zariyah at ngumisi ito.

"A-anong g-ginawa mo?" Nauutal na tanong ni Zariyah at unti-unting hinawakan ang sarili nitong labi. Did he kissed me? Malamang! Ano ka ba naman, Zariyah?! May pagkabobo ka rin, ano?

"I just did what I said." Maikli nitong sagot.

Bumalik sa isip ni Zariyah ang mga nangyari kagabi. Hindi niya natanong ang binata kagabi dahil sa sobrang kalasingan nito, at ngayon na ang chance para matanong niya ito tungkol doon.

"Y-yung kagabi..." she started. Ngumisi ang binata at humiga sa malambot nitong kama, hinila niya ang dalaga para pareho silang makahiga.

Pareho na sila ngayong nakatingin sa chandelier sa kwarto ni Kyle.

Bahagyang lumingon si Zariyah kay Kyle at nagtama ang tingin nilang dalawa. Kaagad na umiwas ang dalaga ng makaramdam ng hiya, dahil dun sa nangyari kagabi.

"A-anong ibig s-sabihin nun?" Nauutal pa rin nitong tanong.

"What do you think so?"

"Hmm... hindi talaga kasi nags-sink in sa utak ko yung mga nangyari kagabi. Ano ba kasi ang ibig sabihin nun? Are you using me? Sinabi mo lang ba 'yun sa kanila?" She nervously asked.

"No, I'm not using you. In fact, magiging totoo ang mga sinabi ko."

"Huh? Pero, di mo pa naman ako girlfriend. Ba't mo yun sinabi sa kanila?"

He just chuckled softly and pick something out of his pocket.

"Umupo ka muna at 'wag ka munang tumingin saakin." He seriously said.

Nangunot ang noo ng dalaga. "Huh?" kahit naguguluhan, "O-okay." Dahan-dahan itong umupo at tumingin na lamang sa kawalan.

NANG makitang umupo at tumalikod na ang dalaga, tuluyan nang kinuha ni Kyle ang isang maliit na kulay pulang box sa bulsa niya.

Binuksan niya 'yun at umupo na din.

"Pwede ka nang humarap." Pagkasabi nito ni Kyle, kaagad na lumingon si Zariyah.

NANLAKI ang mata ng dalaga ng makita kung ano ang nasa loob ng kulay pulang maliit na box.

"Hey, Zari. C-can you be my girlfriend? To be my future wife and future mom of our twelve kids?"

__________

𝙰/𝙽: 𝙰𝚗𝚘 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚜𝚊𝚐𝚘𝚝 𝚗𝚒 𝙼𝚊𝚛𝚎𝚗𝚐 𝚉𝚊𝚛𝚒𝚢𝚊𝚑? 𝙹𝚞𝚜𝚚𝚚! 𝙴𝚡𝚌𝚒𝚝𝚎𝚍 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚗𝚐𝚢𝚊𝚢𝚊𝚛𝚒 𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰. 𝙴𝚗𝚓𝚘𝚢𝚒𝚗 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚖𝚞𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚒𝚕𝚒𝚐 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚛𝚊𝚖𝚍𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚢𝚘, 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚋𝚊𝚔𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚋𝚊𝚐𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚎𝚜𝚒𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚜𝚊𝚐𝚘𝚝 𝚗𝚒 𝙼𝚊𝚛𝚎𝚗𝚐 𝚉𝚊𝚛𝚒𝚢𝚊𝚑 𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚗𝚐𝚢𝚊𝚢𝚊𝚛𝚒.

𝙳𝚘𝚗'𝚝 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚎𝚝 𝚝𝚘 𝚅𝚘𝚝𝚎, 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝, 𝚜𝚑𝚊𝚛𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠 𝚖𝚎♡︎

𝙸𝙶: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊
𝚃𝚒𝚔𝚝𝚘𝚔: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊 (𝚘𝚛) 𝚆𝙿 𝚊𝚗𝚘𝚗𝚢𝚖𝚘𝚞𝚜 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚛
𝙵𝚋 𝚙𝚊𝚐𝚎: 𝙰𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊

𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈シ︎


Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now