Chapter 94

1.1K 30 15
                                    

Zariyah

Inilagay ko si Kyzuez sa loob ng isang cubicle, kinakabahan ko siyang hinalikan sa noo. “I love you,” I smiled before kissing his forehead again.

Mabilis akong tumungo sa likod ng pintuan upang doon magtago. Maya-maya pa ay biglang may tumunog na biglang nagpahilo saakin.

Fuck! They're using one of their gadget inventions. Kapag narinig mo ito, paniguradong mahihilo ka dahil sa kung anong nilagay nila dito na nakakapagpatrigger sa utak.

“Mamá,” it was kyzuez who's trying to get closer to me.

“Go inside, kyzuez. Mapanganib ito, doon ka lang. Don't make any noise para hindi ka nila makuha.”

Mabilis na tumango si kyzuez kahit may pag-aalinlangan sa mukha niya. Nagmamadali siyang pumasok sa cubicle at narinig ko ang paglock niya dito.

Bago pa ako makatingin sa pintuan, nakarinig na ako ng ilang putok ng baril. Inihanda ko ang aking sarili sa pwedeng mangyari. I closed my eyes before letting a heavy breathe.

Biglang may sumipa sa pintuan ng comfort room ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay nasipa ko na ang kaniyang mukha. Madali din siyang nakabawi at biglang sinuntok ang tiyan ko ngunit mabilis akong nakaiwas.

Hinila ko papasok ang katawan niya at itinapon siya pabagsak sa sahig dahilan para makarinig ako ng kaunting ungol dahil sa sakit.

Hindi pa siya nakakabawi nang biglaang tinadyakan ko siya sa kaniyang tiyan dahilan upang sumuka siya ng dugo. Kinuha ko sa kaniyang tagiliran ang kaniyang baril at itinutok ito sa kaniya.

“Who told you to kill me?” tanong ko habang nakatutok parin sa kaniya ang baril.

“Fekuioz’s lord,” he answered shortly.

“Ilan kayong andito?”

Umiwas siya bago nagsalita. “I won't tell.” Matigas niyang saad.

“Tell me, asshole.” Idinikit ko ang baril sa ulo kung saan banda ang utak niya. “Or else, I will kill you. Mahalaga naman siguro ang buhay mo, hindi ba?”

“T-there are 50 men, including me.” Good boy.

“Where’s your phone?”

Tiningnan niya ako nang masama. Siguro ay naiisip niya din ang binabalak ko. “I didn't bring my phone.”

Bago pa siya makagalaw ay kaagad na kinuha ko ang cell phone niyang nasa bulsa niya. “Really?” I smirked before looking at his contacts.

“Call one of them. Or the one who's leading your team. Right now.”

“NO!” Mabilis niyang tanggi.

“Okay, papatayin nalang kita.” Kinasa ko ang baril at ipuputok na ngunit bigla siyang tumutol.

“Don’t! I will call him right away!” nagmamadali niyang sabi. “J-just don't... kill me.”

I smiled at contentment.

Ibinalik ko sa kaniya ang kaniyang cellphone at nanginginig niyang itinipa ang numero ng kaniyang leader.

“Hello, boss. I found her. She's wounded and not moving. I'm here outside.” sinubukan niyang maging matatag.

Mukhang mabilis namang naniwala ang kanilang leader dahil kaagad niyang ibinalik ang kaniyang telepono saakin.

Inilagay ko ito saaking bulsa at mabilis siyang pinaputukan sa ulo. “Thanks, idiot,” bahagyang tumaas ang gilid ng labi ko bago nagmamadaling kinuha ang anak kong nasa loob ng cubicle.

“Mamá, are you okay po?” he kept asking me and I kept nodding. May tama pala ako sa likuran, hindi ko ito napansin kanina dahil sa suot kong leather jacket at dahil na rin siguro sa pag-aalala ko kay Kyzuez.

“Mamá, sorry po,” kumunot ang noo ko at bahagyang tumingin saglit kay kyzuez habang tumatakbo.

“Why, baby? You didn't do anything wrong, anak.”

“I did, mamá.”

Kinakabahan ko siyang tiningnan at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

“I killed one of them using a gun.” iba ang tono ng pagkasabi niya ng ‘gun’ at nakaramdam ako ng takot dito.

Ayokong lumaki si Kyzuez sa ganitong sitwasyon. Gusto kong may pagbabago, ayoko rin naman noon sa ganitong sitwasyon, kaya si Kyzuez ang tutuloy sa pangarap kong magkaroon ng mapayapa na buhay.

Ngunit ano nga ba ang magagawa ko? Kung tuloy tuloy ang mga kalaban at kung ito ang kalalakihan niyang buhay. Sana lang, sana walang mapahamak saamin.

Oh god, please help us.

Hindi pa kami nakakalayo sa loob ng nagkakagulong eroplano nang may tumamang bala sa paa ko dahilan para matumba ako sa semento habang mahigpit parin ang hawak kay Kyzuez.

———
omgggg! finally naka-update na rin. thank you sa paghihintay, mahal ko kayooo

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now