Chapter 39 - Disappointed

2.1K 91 8
                                    

EAMB Chapter 39 – Disappointed

Zariyah’s POV

“Zari, wake up.” naramdaman kong may umaalog saakin, kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.

Kyle...

“Wake up, magsisimula na ang party.”

Kaagd akong napabangon at naguguluhang nakatingin sakanya. “Hindi pa nagsisimula ang party?!” gulat na tanong ko.

“Not yet, why?”

– Flashback –

Kinuha ko ang half mask ko at isinuot. Kitang-kita ang pulang-pula kong lipgloss dahil mata lamang ang natatakpan ng mask na 'to.

Napatingin ako sa pinto.

Sabi ni Kyle, hintayin niya nalang daw ako dito dahil sabay kaming pupunta dun sa malaki niyang yate sa labas nitong bahay.

Habang nagmumuni-muni, napaisip ako kung nasaan na nga ba ang cellphone ko.

Parang hindi ko yun nadala papunta dito sa resort kaya baka nasa mansion ni Kyle.

Nakaramdam ako ng antok kaya humiga na muna ako at ipinikit ang aking mga mata.

Idlip lang ang gagawin ko kaya magigising din ako kaagad.

– End of the Flashback –

“So panaginip lang ang lahat?” bulong ko sa sarili ko habang nakahawak sa ulo at nakababa ang tingin.

Panaginip lang pala ‘yun? Sana naman sinagot ko na kaagad dun si Kyle para kahit sa panaginip lang, naging kami.

“What?”

“Huh?”

“I said, what are you murmuring?” iritang tanong nito. Ang bilis niya talagang mainis.

“Diba what lang sabi mo? Ba’t mo dinagdagan ng are you murmuring?”

Napahawak ito sa kanyang sintido at hinilot-hilot iyon. Tama naman sinabi ko ah?

“Let’s go.” yun nalang ang nasabi niya bago umalis sa pagkakaupo sa kama.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa malaking salamin. Tiningnan ko ang mukha at buhok ko. Wala namang pinagbago, medyo nagulo lang ‘yung sa may gilid pero hindi masyadong halata.

Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at lumakad na palabas ng kwarto.

“Naks! Holding hands!” tatawa-tawang sabi ni Klein nang makarating na kami sa party.

Hindi ko na siya pinansin at inisip nalang ang mga nangyari sa panaginip ko.

Grabe naman! Ang unfair! Napaka-unfair! Ba’t kasi panaginip lang ‘yun? Dapat kasi–

“Ba’t parang pinagsakluban ka ng langit at lupa, Zariyah?”

“Ha?” Napakalutang ko ngayon, pasensya na.

“Hakkdog.”

Kaagad kong kinaltukan si Klein, pero ang gago, tatawa-tawa pa rin at lalong lumalakas ‘yun.

Tinatanong ko siya ng maayos tapos hakkdog lang isasagot niya? Aba aba!

“Ayos na ba ang lahat?” biglang tanong ni Kyle at kaagad namang naging seryoso si Klein.

Nilapit ni Klein ang bibig niya sa taenga ni Kyle at may ibinulong dito. Ano kaya ‘yun?

Gusto ko sanang tanungin si Kyle pero nakakahiya naman. Baka masabihan pa akong chismosa.

Klein cleared his own throat before speaking. “Dito po kayo maupo, Boss.” Naglakad na siya papunta sa unahan at sumunod naman kami. Hawak-hawak pa rin ni Kyle ang kamay ko.

Umupo kami sa dalawang special seat sa harapan. Nasa gilid naman si Klein na parang nagmamasid-masid.

Pano ko nga ba nasabing special seat ‘to?

Naiiba ang dalawang upuan na ‘to sa lahat ng upuan ng bisita. Plastic chair lang ang sakanila, at kahoy naman ang samin. Nasa gitna din ito at agaw pansin ang makinang nitong kulay na parang may glitters dahil umiilaw kapag tinatamaan ng ilaw.

“Good evening, Ladies and Gentleman.” napatingin ako sa harap ng marinig ang boses ni Klein sa mikropono.

Siya siguro ang MC...

“Shout-out nga pala sa dalawang magkaholding hands diyan. Bitaw-bitaw din, maawa naman kayo sa aming mga single.”

Kaagad na tumungo ang paningin ko sa kamay namin ni Kyle na hindi parin naghihiwalay.

Kinuha ko yun pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkahawak sakin.

“Just kidding.” pekeng tumawa ang Klein nang tingnan siya ng masama ni Kyle. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

Nagsimula na ang party at nagsalita na din sa harapan si Kyle tulad ng ibang CEO kapag may party.

May nalaman pa nga ako eh. Merong palang 100+ companies itong si Kyle. Grabe! Nakaka-sanaol talaga.

—————

𝙰/𝙽: 𝙽𝚊-𝚍𝚒𝚜𝚊𝚙𝚙𝚘𝚒𝚗𝚝 𝚔𝚘 𝚋𝚊 𝚔𝚊𝚢𝚘, 𝚝𝚎𝚊𝚖 Kyleriyah?  𝙱𝚆𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰 𝚜𝚘𝚛𝚛𝚢 𝚗𝚘𝚝 𝚜𝚘𝚛𝚛𝚢 𝚌𝚑𝚊𝚛𝚒𝚗𝚐𝚐!

𝙱𝚢 𝚝𝚑𝚎 𝚠𝚊𝚢, Kyleriyah 𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚝𝚎𝚊𝚖 𝚗𝚒𝚗𝚊 𝚉𝚊𝚛𝚒𝚢𝚊𝚑 𝚊𝚝 𝙺𝚢𝚕𝚎. 𝙰𝚝 𝚖𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚐 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚍𝚎𝚛𝚜 𝚔𝚘=)

𝙵𝚛𝚘𝚖 𝚗𝚘𝚠 𝚘𝚗, 𝙸'𝚕𝚕 𝚌𝚊𝚕𝚕 𝚢𝚘𝚞 Agrathies.

𝙳𝚘𝚗'𝚝 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚎𝚝 𝚝𝚘 𝚅𝚘𝚝𝚎, 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝, 𝚜𝚑𝚊𝚛𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠 𝚖𝚎♡︎

𝙸𝙶: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊
𝚃𝚒𝚔𝚝𝚘𝚔: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊 (𝚘𝚛) 𝚆𝙿 𝚊𝚗𝚘𝚗𝚢𝚖𝚘𝚞𝚜 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚛
𝙵𝚋 𝚙𝚊𝚐𝚎: 𝙰𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊

𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈, 𝑨𝒈𝒓𝒂𝒕𝒉𝒊𝒆𝒔:)

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now