Chapter 31 - Cured

2.2K 93 3
                                    

A/N: Today is a great day cause it's my birthday!

Zariyah's Pov

Kaagad kong pinapasok si Kyle sa isa sa mga kwarto dito sa Yate.

Kanina ko lang din nalaman na meron palang dalawang kwarto itong yate ni Kyle kaya naman dito ko na siya pinahiga.

"Klein, meron ba kayo ditong first aid kit? Or something na mga gamit para magamot ang tama ng baril?" I asked Klein.

Nagtraining ako sa pagiging nurse dati pero mas gusto ko talagang maging chief kaya iyon ang pinili ko. Pero sapat na ang natutunan ko para magamot si Kyle. Yeah, I'm confident na magagamot ko si Kyle. Don't asked me about that pero feeling ko talaga.

Tumango si Klein at patakbong lumabas ng kwarto. Kaagad ding nakabalik si Klein na may dalawang first aid kit at mga gamit ng doctor sa pag-opera/pagkuha ng baril. Meron din siyang planggana at may laman itong tubig at bimpo.

Kinuha ko ito at pinuwesto sa upuan. Tiningnan ko si Kyle na masyado nang namumutla. Mukang nauubusan na siya ng dugo.

Nag-suot ako ng gloves at mask at inumpisahang tanggalin ang bala sa tagiliran ni Kyle.

                     ❦︎

Sa awa ng diyos ay nagawa ko ding kunin at gamutin ang tama ng bala ni Kyle.

Kasalukuyan na din siyang nagpapahinga, at ako naman itong nakaupo sa upuan habang nakakibit balikat at nakatingin sa kanya.

"Bilib na talaga ako sayo, Zariyah. Isipin mo, ang dami mong talents. Sana pala kung anong mga course ang kinuha mo, kinuha ko na din." Biglang sabi ni Klein na nasa tabi ko lang.

"Kasalanan ko pa ba yun, kung hindi mo kinuha mga course na kinuha ko din?" Sarkastikong tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at ngumuso lamang siya habang nakatungo.

"Pero teka," Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit merong tama ng baril si Kyle? Pwede bang ipaliwanag mo saakin? Naguguluhan na ako eh."

"A-ahm," He cleared his throat. "Ahm, g-ganito k-kasi yan. T-tapos g-ganito, t-tapos g-gumanito."

Nginiwian ko siya. "Huh?" Naguguluhan kong tanong. "Anong ganito at ganyan? Ang gulo mo naman." Reklamo ko.

"Kasi ngaa...ganito yun." Halatang nag-aalangan siya sa isasagot niya. Bigla niya nalang clinap ang kamay niya dahilan para mag-echo yun sa buong kwarto.

"Nakikita mo namang nagpapahinga si Kyle, diba?" I sarcastically ask.

Nagpeace sign siya. "Si boss nalang bahala mag-explain sayo." Pagkasabi niya nun ay kaagad na siyang tumakbo palabas ng kwarto. Ngiwi ko namang hinarap ang pintuang nilabasan niya.

Lumapit ako kay Kyle at hinawakan siya sa kamay at dudang tumingin sa kanya.

"Kilala naba talaga kita, Kyle? May dapat pa ba akong malaman tungkol sayo? Ano bang tinatago niyo? Sino kaba talaga? Ano kaba talaga?" Sunod-sunod na tanong ko.

Hindi ako nag-expect na sagutin niya ako dahil mukhang tulog na tulog siya, but I'm wrong.

“I'll explain everything to you, Zari. But not now, maybe someday.”

____________

(A/N: Short update dahil mamayang gabi ay mag-eexpire na ang load ko kaya nagsulat na ako kaagad.)

Don't forget to Vote, comment and Share. Follow me also<3

FB page: Agratha

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now