Chapter 51 - Investment

1.7K 58 4
                                    

EAMB Chapter 51 - Investment

Russu's POV

*Continuation of the Flashback*

“Mr. Russu.” isang malamig at malalim na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.

“M-Mr. Montenegro?” Hindi makapaniwalang nasapo ko ang aking bibig.

“Ako nga.”

Nawala ang pagod ko na nararamdaman kanina nang makumpirma kong siya nga itong kausap ko. Posible kayang tumawag siya dahil tatanggapin niya na ang alok ko? Or ano?

“Good Evening, Mr. Montenegro. Pwede bang malaman kung bakit mo ako tinawagan?”

“Isn't it obvious?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

“Well, may naiisip naman ako. Pero ayaw kong maging assuming.” Tumawa ako ng marahan.

“If you're thinking that I will accept your promotion,” Kinakabahan ako habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin. “You're right. I will accept it.” Walang emosyon nitong sabi.

Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement sa sinabi niya. After how many years, he accepted it. Thanks, god!

“Oh, thank you, Mr. Montenegro. I'm really really happy.” Nagagalak na sagot ko. “So, kailan tayo pwedeng magkita and mapag-usapan ang tungkol dito?”

“Next Monday. 10 am, sa office ko.”

“Sure. Thank you again.” Pagkasabi ko nito ay pinatay na niya ang tawag. I can't blame him, palagi niyang ginagawa iyon sa mga kausap niya sa telepono.

End Of The Flashback

Zariyah's POV

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong magbihis at dumiretso sa counter para tanungin si Jona kung ano ang binilin ni Mudra.

“Jona.” Pagkuha ko ng atensyon sakanya. Tumingin ito saakin at nakangiting lumapit. “Ano ang binilin ni Mudra?”

“Pansamantala kang magiging waitress, ate Zariyah. Kasama mo si Michelle dahil mas dumami ang mga costumers na pumapasok, eh mag-isa lang si Michelle.” Nakangiting sagot niya habang pinupunasan ang kamay.

Ngumiti ako pabalik at mabilis na tumango. “Oh sige sige.” Ngumiti ako muli bago umalis at tulungan si Michelle.

Nakailang serve na ako ng orders at ramdam ko na ang pagod nang may marinig akong lalaki na tinatawag ako.

“Yes, sir?” ngumiti ako kahit pagod na. Lumapit ako at nagtatanong na tiningnan siya.

“Pwede bang kunin ang number mo?”

Napangiwi ako at pasimpleng umirap. Kahit kailan naman talaga ang mga lalaking ito oh. Tumawa ako ng marahan bago sila tiningnan. “Bawal po, sir. Sorry.” Napakahirap pa saakin sabihin ang sorry dahil ang totoo ay wala naman akong ginagawang masama, pero kailangan mo pa din maging mabait dahil costumer siya. Iniwan ko nalang siya at nagserve muli sa isang table.

Natanggal ang pagod ko at napalitan iyon ng inis nang may marinig akong kwentuhan ng mga babaeng makakati ang dila.

“Yeah, she's so tanga.”

“Kung ibinigay nalang kasi ang number, halatang pa-hard to get pa ang tanga.”

Nakataas ang isang kilay ko habang unti-unting naglalakad sa pwesto nila. Alam kong ako iyon dahil halata naman na ako ang pinaparinggan at sino ba ang kinukuhanan ng number ng isang costumer dito? Edi ako.

Medyo namutla ang mukha ng dalawang babae, o baka naman dahil lang iyon sa foundation. Ang puti kasi ng mukha nila tapos ang leeg, ewan ko nalang talaga.

“Next time na pag-usapan niyo ako, 'wag sa lugar na maririnig ko ha?” Walang emosyon kong sabi.

“H-huh? H-hindi ikaw ang pinag-uusapan namin. Ano bang sinasabi m-mo?” Sagot ng isang babae.

Tumawa ako ng nakaka-insulto bago humalukipkip. “Eh, sino pala ang pinag-uusapan niyo?” Pareho silang napalunok at sabay na nagbaba ng tingin. “Ba't hindi kayo makatingin at bakit ganyan ang reaksiyon niyo? Akala ko ba hindi ako ang pinag-uusapan niyo?”

Hindi sila nakapagsalita kaya naman hinayaan ko nalang sila at bumalik sa pags-serve para tulungan si Michelle. Hindi sila worth it para pag-aksayahan ko ng oras.

“Oh, ba't ganyan mukha mo?” Mapang-asar na tanong ni Clyde.

Napataas ang dalawa kong kilay at patanong siyang tiningnan. “Ano bang mukha ko?”

“Parang pwede kang makapatay ng tao eh.” Sinundan niya pa ito ng tawa.

“Tss.” Napailing-iling nalang ako bago lampasan siya at kunin ang order at i-serve sa table 17.

“SOBRANG nakakapagod.” Biglang sabi ni Grace habang humihikab. Nakapagbihis na kaming lahat at close na ang restaurant. Nakipagkilala ako sa mga bagong crew bago sila umalis kanina. Kaming lima ang magsasara nito dahil iyon ang utos ni Mudra.

“Oo nga eh.” Sagot ni Michelle kay Grace. Hinayaan ko nalang sila mag-usap habang si Jona ay nag-aayos ng mukha niya at si Clyde na nag-aayos ng gamit niya.

Napatingin ako kay Roswald nang mapansing kanina pa siya hindi kumikibo. Ang lalim din ng iniisip niya.

“Okay ka lang ba?” Nagulat siya nang hinawakan ko siya sa may likod.

Nag-iwas siya ng tingin bago sumagot. “Okay lang naman.” Parang wala sa mood makipag-usap 'yong tao, Zariyah.

“Kung tatanungin mo kung bakit kita kinamusta, ito ang sagot ko.” Inayos ko ang boses bago nagsalita. “Kanina ka pa kasi tahimik at sobrang lalim ng iniisip mo. Parang wala ka din sa mood makipag-usap at parang iniiwasan mo ako. May problema ka ba? May sakit ka ba?”

“I'm okay, Zariyah. Pagod lang talaga ako. 'Wag mo muna akong kulitin, okay?” Naiinis na sagot nito.

Napanguso nalang ako at iniwan siya. Bahala siya dun. Ayaw niya akong kausapin eh. Ayaw na ayaw ko sa tao 'yung binibigyan mo na nga sila ng atensyon at oras, pero tinataboy ka pa.

Sinara na ni Clyde ang restaurant mula sa loob, doon kami sa likod dadaan. Ang dami palang lusutan dito sa restaurant ah.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa mabasag ko ang katahimikan. “I met you in the dark, you lit me up. You made me feel as though I was enough.” Mahinang kanta ko. Hindi ko alam kung bakit kusa akong napakanta pero parang maganda nga na kumanta ako dahil sinundan iyon ni Clyde.

“We danced the night away, we drank too much.”

“I held your hair back when
You were throwing up.” Jona.

“Then you smiled over your shoulder. For a minute, I was stone-cold sober.” Grace.

“I pulled you closer to my chest.” Michelle.

“May dibdib ka ba?” Biglang tanong ni Clyde kay Michelle.

“Gago!” nagtawanan kami sa sinagot ni Michelle.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkanta, nang unahan ako ni Roswald. “And you asked me to stay over.”

Napangiti nalang kaming lahat at ako na ang sumunod. “I said, I already told ya.”

“I think that you should get some rest.”

Nagpatuloy kami sa pagkanta at napapatawa nalang kapag may nagkakamali sa lyrics. Nang nasa chorus na, sabay namin iyong kinanta. “I'm so in love with you, and I hope you know.”

“Darling, your love is more than worth its weight in gold
We've come so far, my dear
Look how we've grown
And I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go.”

—————

A/N: Happy Birthday sa babaeng napakalakas at napaka-sipag. Happy Birthday, Mama. Iloveyouuuu<3

Encountered a Mafia BossHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin