Chapter 21 - Massage

2.6K 107 1
                                    

(A/N: Sa mga nagtatanong kung saan ko nakuha yung pangalan ng dalawang bida, this is the answer. Yung Zariyah Eurydice Cervantes, ay galing sa pangalan ng rp account ng ate ko. Pero iba yung spelling ng pangalan ni Zariyah, okie? While, Kyle Montenegro ay gawa-gawa ko lang talaga yang pangalan niya.)

EAMB Chapter 21 - Massage

Zariyah's Pov

Bubuksan ko na din sana ang pinto ng kwarto para humingi ng tulong sa baba pero...naka-lock.

Inilibot ko ang paningin at tumama ang tingin ko dun sa parang mic na kumokunekta kay Yaya Soling sa ibaba.

Patakbo akong lumapit dun at sumigaw. "YAYA SOLING! TULUNGANNNNN MOOOO SIII KYLEEEEE DITOOOOOOO!"

Walang sumagot kaya sumigaw ulit ako. "YAYAAAAAAAAAA SOLINGGGGGGGGG!"

Naka-ilang sigaw na ako pero walang sumagot kaya tumakbo ulit ako papunta sa pinto ng CR.

Ito nalang talaga ang pinakalast na paraan. Hahampasin ko katawan ko sa pinto.

Inihanda ko na ang sarili ko at pumwesto. Tinulak ko ang sarili ko ng malakas na malakas papunta sa pinto.

Pero biglang bumukas ang pinto at dire-diretso akong nahulog sa sahig.

Napadaing nalang ako sa lakas ng impact sa katawan ko. Mukang may injury ata ako.

Tiningnan ko si Kyle na gulat na nakatingin saakin. Nakataas pa ang kilay niya na para bang sinasabi na 'Anong ginagawa mo diyan?'

Pinagmasdan ko siya. Nakatapis lang siya ng towel sa ibaba. Kitang-kita ko yung abs at naglalakihang muscles niya sa kamay. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya kaya mas lalong naging attactive siya.

Nang marealise niya siguro na masakit talaga ang katawan ko, kaagad siyang umupo at tiningnan ako.

"You peeked me while I'm on a shower?" He asked and chuckled.

Sinilipan ko daw siya?

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hoy! Hindi kita sinisilipan. For your information, I'm just worried about yo---."

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko when I realize what I'm saying.

"Are worried about me?" Taka niyang tanong at ngumiti ng nakakaloko.

"Ay wow! Sino nagwo-worry sayo? I'm not worried about you. Assuming ka lang." Umiwas ako ng tingin.

Hindi talaga kasi ako magaling magsinungaling. When I'm lying and someone make an eyecontact with me, nalalaman agad nila. They say na madali daw yun malaman sa mga mata ko.

Bubuka palang sana ang bibig niya pero inunahan ko na siya. "Tulungan mo nalang muna kaya akong makatayo." I sarcastically said.

Tumawa siya habang umiiling-iling. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya.

Kinuha ko yun at tumayo subalit pag-angat palang ng likod ko, sumakit na ito kaagad. Napadaing nalang ako sa sakit.

"Tss." Yun lang ang tanging nasabi ni Kyle bago ako binuhat.

Nagulat pa ako nung una pero hinayaan ko nalang siya. Syempre, kapag hindi ko siya hinayaan, hindi din ako kaagad makakalabas sa banyong 'to.

Dahan-dahan niya akong inilapag sa kama bago siya tumungo sa walk-in closet niya.

Hinilot-hilot ko parin ang likod ko dahil sa sobrang sakit. Mabuti nalang talaga at hindi basa yung floor ng banyo kaya hindi din basa ang likod ng damit ko.

Biglang dumating si Kyle. Nakabihis na siya nang pambahay. Haysss, pambahay lang naman pala ang susuotin niya.

Lumapit siya saakin at seryoso akong tiningnan. Sobrang gwapo niya talaga kahit ano pa ang expression niya sa muka.

Umiwas ako nang tingin ng maramdam kong umiinit nanaman ang aking pakening face.

Subalit, hinila niya yung kamay ko papalapit sakanya. Pinatalikod niya ako habang nakahiga. Nilagyan din niya ng malambot na unan yung ulo ko.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya nalang akong hawakan sa likod. Pero kaagad din yung nawala when he massaged my back.

Woah! Ang galing niyang manghilot. Ideal man talaga siya...

Nakaramdam ako nang antok habang minamasahe niya ako kaya ipinikit ko nalang ang mata ko at nagsimulang matulog.

____________

(A/N: Short update.)

Follow/Like my FB page:
_Agratha

Tiktok acc: _agratha (or) WP anonymous writer

Don't forget to Vote, Comment and Share😚

Wabyoo guys!

Encountered a Mafia BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt