Chapter 65

1.3K 32 4
                                    

EAMB Chapter 65

Third Person's POV

“Aware ka naman siguro sa ginawa mo, 'diba?” Tanong ng kanang kamay ni Rivo nang makarating si Kyle sa bahay ng Mafia Lord.

Hindi niya ito pinansin o tinapunan lang man ng tingin, dumiretso siya sa opisina ng lalaki kung saan palagi itong naroon.

Ngumisi ang ibang tauhan nito dahilan para mag-init ang ulo niya at hugutin ang baril na nasa likuran. Ang ibang tauhan ni Rivo ay magkahalong gulat at takot habang nakatingin sa ginawa niya.

Nakahandusay ang limang lalaki sa sahig at pare-parehong dilat ang mata. Bubunot na sana ang isa pa nitong tauhan nang mabilis niya itong paputukan sa ulo.

“Don't mess with me, bastards.”

Tiningnan niya muna nang masama ang lahat ng tauhan na nasa labas ng opisina ng lalaki bago walang katok na pumasok sa loob.

Nakatalikod sa kan'ya si Rivo habang umiinom at may hawak na diyaryo, ngunit alam niyang nararamdaman na ng lalaki ang presensiya niya.

“My man is finally in love.” Sa wakas ay humarap na din ito sa kan'ya, sinenyasan siya ni Rivo na maupo sa couch na kaagad niya ding ginawa.

Ipinag-krus niya ang binti pati na din ang kamay bago umiwas ng tingin. “What now?”

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at sinalinan ng alak si Kyle sa isang champagne glass at ibinigay iyon sa kan'ya. “Alam mo naman siguro ang patakaran sa organisasyong ito.” Malungkot itong ngumiti. “Even if I'm one of your friend, wala akong magagawa sa sitwasyon mo.” Umupo ito sa tabi niya. “Ako ang mapaparusahan ng mas mataas pa sa'kin, alam mo 'yon. In short, ako ang mapaparusahan ni dad kapag hindi ko ginawa ang nararapat.”

“Yeah, I know. Alam ko naman na bawal magmahal ang isang miyembro sa organisasyong 'to.”

“Exactly. Anong gusto mong parusa?” Uminom ito ng alak. “Makipagtalik sa babae at magcheat sa babaeng mahal mo? Sampung latigo? O si Zariyah ang maparusahan?”

Tumalim ang tingin ng binata kay Rivo at humigpit ang hawak sa champagne glass. Maya-maya pa ay nakarinig na lang si Rivo ng nabasag at nang tingnan niya ang kamay ni Kyle, umaagos na din ang dugo nito. “Don't even try to hurt my girl. You don't know what I can do for her.”

“I know, I know. So, ano nga?”

“Ten whips.” Walang pag-aalinlangan niyang sagot bago tumayo at dumiretso sa isang kwarto kung saan marami na ang naparusahan.

Sa tagal niya dito sa organisasyon, ngayon lang siya naparusahan. Ngunit wala siyang pakialam do'n dahil worth it naman ang ginawa niya para sa babaeng mahal niya.

Zariyah

Nanonood ako ng Powerpuff girls nang bumukas ang pinto at bumungad si Kyle na may dalang paper bag

Bakit parang may iba sa lalaking 'to?

Sinalubong niya ako at malambing na hinalikan. “Hey, beautiful.”

“Hi,” Pumasok siya at inilapag sa mini table ang dalang paper bag bago inilabas ang fast food doon. “Are you okay?” Tanong ko bago umupo sa tabi niya at naglalambing na yumakap sa leeg niya.

“Yeah, I'm fine.” Iba din ang tono niya at parang may iniingatan siyang parte sa katawan na masagi. Medyo humahangos-hangos din siya pero halatang pinipigilan lang niya. “Let's eat, mamaya nalang ako magluluto ng dinner natin. For now, mag-meryenda na muna tayo.” Nakangiti siya pero iba parin ang nakikita ko sa mga mata niya.

May tinatago ata ang lalaking 'to sa'kin eh.

Tatayo pa sana siya upang kumuha ng kutsara't tinidor, ngunit nagpresenta ako na ako na lang ang kukuha.

Ibinigay ko iyon sa kan'ya bago kami nagsimulang kumain. Ang mga mata naming pareho ay nasa TV, ngunit ang atensiyon ko naman ay nasa likod niya.

“Mukhang basa 'yong likod mo, Kyle.”

Akmang hahawakan ko na sana ang likod niya nang mahigpit niya iyong hawakan at inilayo. “No!”

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa ginawa niya. Nagulat ako sa naging kilos niya pati ang biglaan niyang pagsigaw sa'kin.

Lumambot ang ekspresyon niya sa mukha at inilapag ang hawak. Pinugpog niya ako ng halik maging ang kamay kong mahigpit niyang hinawakan kanina.

“I'm so sorry, Love.” Malambing niya akong hinalikan sa labi. “Nagulat lang ako sa gagawin mo. I promise, hindi na 'yon mauulit. I love you.” Napangiti ako sa tatlong katagang iyon. Ibinaba niya ang tingin sa mga kamay ko na ngayon ay medyo namumula. Hinalikan niya iyon ulit bago nag-aalalang tumingin sa'kin. “Masakit pa ba?”

Umiling-iling ako bago ngumiti. “Kanina masakit, ngayon hindi na gano'n kasakit.”

Nag-sorry ulit siya bago kami kumain ulit. Nagk-kwentuhan na kami, ngunit hindi ko parin maialis ang pag-aalalang naramdaman ko simula nang dumating siya.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now