Chapter 71

1.2K 33 2
                                    

A/N: Ito na 'yong update for today. Pinaaga ko na, para mas okay, 'diba?

EAMB Chapter 71

Zariyah

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid dahilan para mapabangon ako nang mabilis mula sa kama. Inilibot ko ang paningin at nakahinga naman ng maluwag nang makitang nasa tabi ko ang natutulog na Kyle.

Napangiti ako bago bumalik sa tabi niya at ginawang unan ang matipuno niyang braso. Naramdaman niya naman iyon at kaagad akong hinapit sa bewang habang nakapikit parin ang mga bata.

Kusa naman akong yumakap sa hubad niyang katawan at ipinikit ulit ang mga mata para matulog. Gustong-gusto ko pa talagang matulog kanina ngunit kusa akong bumangon nang makitang hindi pamilyar sa'kin 'tong pinagdalhan niya sa'kin.

Lumalim ang paghinga ni Kyle senyales na tulog na ito. Napangiti pa ako nang mahina nitong sinambit ang pangalan ko habang tulog. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at maya-maya pa ay kusa na din akong nakatulog.

"Zariyah, wake up. Kailangan nating makatakas dito." Bahagya nitong niyugyog ang balikat ko dahilan para magising ako at nag-aalala siyang tiningnan. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"We need to get out on this place. Let's go!" Mahina at mabilis nitong sabi sa'kin bago ako tuluyang bumangon sa higaan at sundan siya. Magkahawak ang mga kamay namin habang tumatakas sa kung sino. Nasa kabilang kamay naman nito ang hawak niyang baril. Baril na ginagamit niya lamang kapag kailangan at kapag nasa trabaho.

Mabilis ang mga galaw namin habang papunta sa kung saan. Kalilipat lang namin sa bahay na 'to kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito.

"Stay here, riyah." Sinenyasan niya ako ng quiet at kaagad ko din namang tinakpan ang bibig ko.

Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang isa niyang kamay. "Papa, don't leave me alone. I don't know where this place is." Nanginginig ako sa takot, lalo na't nasa dilim ako.

"Don't make any noise, Riyah, okay? Daddy will come back, I promise." Hinalikan niya ang pisnge ko bago siya tuluyang umalis.

Ayoko dito. Natatakot ako.

Pinagsiklop ko ang dalawang kamay at tahimik na nagdasal. "Papa God, please protect my father. Siya nalang ang natitira sa'kin. Ayoko namang maiwan sa demonyita kong stepmother kapag nawala siya." Nag-sign of the cross muna ako bago dahan-dahang tumayo.

Katulad ng sinabi ko, hindi ko kaya dito sa dilim. Kahit limang taong gulang palang ako, kaya ko nang makipaglaban, maliban kung sa dilim iyon. Dahil paniguradong aatras ako kaagad.

Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan iyong binuksan. Patawarin mo ako, papa. Ngunit hindi kita hahayaang lumaban nang mag-isa sa kanila. Ang laban mo, ay laban ko rin.

Mukhang alam ko na kung sino ang mga kalaban ni papa. Walang iba kundi ang mga masasamang tao dahil iyon lang naman ang kalaban ni papa eh. Wala siyang ibang kalaban bukod doon. Kilala ko si papa, at isa siyang mabait na tao.

Napapitlag ako nang may makasalubong na taong nakahandusay sa sahig, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. Wala akong nagawa kundi ang lapitan siya at tingnan kung humihinga pa siya.

Napa-iling-iling ako kasabay ng paglayo ko sa kaniya. Ang taong iyon, ay wala nang buhay.

Kahit nanginginig ang tuhod sa kaba, pinilit kong makapunta sa sala kung saan maraming tao ang nakapuntok sa isang bagay o kung ano na hindi ko naman makita dahil sa dami nila.

Gumapang ako sa sahig at pumasok sa ilalim ng couch na dati ay ginawan ni papa ng paraan para magkabutas ang bagay na iyon at doon daw ako magtatago kapag may sumugod saamin. Nababalot ito ng makapal na tela kaya nasisigurado kong hindi nila ako makikita.

Walang ni-isang nagsasalita sa kanila. Nakatitig lamang sila sa lalaking nasa gitna habang nakagapos ang mga kamay at naka-tape ang bibig. At ang lalaking iyon, ay walang iba kundi ang tatay ko.

Gusto kong lumapit. Gustong-gusto ko. Ngunit may magagawa ba ang paglapit ko? Baka nga iyon pa ang ikapahamak naming pareho. Sobrang dami nila, habang isa lang at bata pa, malalaki ang katawan nila hindi kagaya ng sa akin. Wala talaga akong laban kahit saan pa tingnan na anggulo.

Ang tingin ng mga lalaking nakapalibot sa tatay ko ay lumipat sa lalaking paparating.

Ang tunog lamang ng sapatos niyang naglalakad ang naririnig ko at wala nang iba pa. Sinilip ko ang mukha niya, isang anghel na mukha. Ngunit hindi ito nakangiti tulad ng mga anghel na nakikita ko sa litrato.

Doon ako nagkamali, hindi pala siya isang anghel, isa pala siyang masamang d#monyo.

Nakatingin lamang siya nang diretso sa harapan habang nakapamulsa. Naghihintay ako kung tatapunan niya ng tingin si papa, ngunit kahit no'ng nagsimula na siyang magsalita, nakatingin parin ito nang diretso sa unahan.

"I already warned you, Mister Cervantes." Madiin ang pagkasalita nito.

Tiningnan ko si papa na marahas na umiling habang sinusubukang magsalita. Bigla nalang sinipa ng lalaking may anghel na mukha ngunit may demonyong nakatago mula sa loob nito ang upuan kung saan nakaupo doon si papa.

Tumalsik ang upuan kasama si papa sa kung saan kasabay nito ang pagtakip ko sa sariling bibig para hindi ako makasigaw. Marahas akong umiiling habang pinipigilan parin ang hindi mapasigaw.

Malakas na kumabog ang dibdib ko nang may bagay na inilabas ang lalaki at itinutok iyon kay papa. Ilang beses iyong pumutok habang ako ay diretsong nakatingin sa mga mata niyang nakatingin din sa'kin. Pilit siyang ngumiti bago sinabi nang walang boses ang katagang "Mahal kita, anak ko." bago ito unti-unting pumikit. Hindi ko na naiwasang isigaw ang lahat ng sakit at galit na naghalo sa loob ko.

"Papa!" Buong lakas kong sigaw bago tumuon sa akin ang lahat ng mga nga nila. Lumabas ako sa pagkakatago ko sa couch at tiningnan nang masama ang matangkad na lalaking iyon na pumatay sa tatay ko. I gulped when I meet his brown intimidating eyes.

Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin habang pagtataka at galit ang nakikita ko sa kaniyang magagandang mata.

Itinaas ko ang gitnang daliri ko sa mismong mukha niya kahit na hindi ko siya masyadong maabot dahil sa katangkaran niya. Kumunot ang noo niyang napabaling sa daliri kong nakataas sa kan'ya.

First time ko itong gawin sa kapwa tao. Natutunan ko lang naman ito doon sa kaklase kong kapag may masamang nakatingin sa kaniya, ay itinataas niya ang gitnang daliri niya sa mga ito.

Mukhang nakabawi naman ito sa pagkabigla at ngumisi. Inirapan ko siya bago asikasuhin si papa at napahagulgol nalang ako habang yakap-yakap siya.

Naramdaman kong may tumutok ng baril sa ulo dahilan para hindi ako makagalaw nang ilang segundo. "Patayin na din natin itong kutong lupa, boss." Kaagad namang sumang-ayon ang iba. Did he just call me kutong lupa? Ano ba 'yon? Parang ang sama ng dating ah.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng ilang beses na putok ng baril dahilan para mapatakip ako ng tenga. At kasabay din ng mga putok na iyon ay ang pagkatumba ng lalaking tumutok sa'kin ng baril.

Lumingon ako at doon ko lang nakita na marami ang binaril ng lalaking may angelic face na 'yon.

"Don't you f#cking dare." Madilim ang kaniyang mga mata. Ang kaninang kulay lupa niyang mga mata ay napalitan ng isang napakaitim na kung ano.

Napatingin siya sa gawi ko bago sinubukang magpantay kami at bahagyang ginulo ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang manigas sa kinakatayuan ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, ha?

"We'll meet again in the future, brat." Pagkasabi nito ay tuluyan na siyang umalis kasama iyong mga tauhan niya habang ako naman ay humihingin ng tulong, umaasang may makakarinig.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now