Chapter 60

1.3K 31 1
                                    

EAMB Chapter 60

Third Person's POV

KATAHIMIKAN ang bumabalot sa kwarto kung nasaan sina Klein at Zariyah. Hindi natuloy ang laro nila dahil naging tulala si Zariyah pagdating niya dito sa kwarto. Hindi naman makapagsalita si Klein dahil alam niyang masakit din naman ito para sa dalaga. Alam ng binata na may gusto si Zariyah kay Kyle at ganoon din naman ang binata, pero hindi niya ito pwedeng pangunahan.

Bumukas ang cellphone ng binata, hudyat na may nagtext sakanya. Naka-silent ang phone niya kaya hindi iyon napansin ni Zariyah. Tulad ng iniisip niya, si Kyle nga ang nagtext.

How is she? Umiiyak pa ba siya? Pwede ko na ba siyang puntahan diyan sa itaas?

Napailing-iling nalang ang binata bago nagreply sa message ng lalaki.

Hindi pa siya okay, boss. Pero hindi na siya umiiyak, tulala nalang siya. ‘Wag ka na munang pumunta dito sa itaas dahil baka mas masaktan lang ‘tong Zariyah kapag nakita ka niya. ‘Wag ho kayong mag-alala, boss, wala naman akong gagawing masama sa kanya.

Hindi naman nagtagal, nagreply din si Kyle sa kanya. Hindi niya maiwasang matawa sa message nito, napaka-possesive talaga ng lalaking 'to.

Siguraduhin mo lang, Klein. I'm warning you, 'wag na 'wag mong hahawakan si Zariyah. Nakikita mo 'yang ballpen? Camera 'yan, naka-konekta iyan sa computer ko. Mamaya, makikita ko kung ano ang ginagawa niyo diyan.

Normal naman na may camera sa bahay ng binata, dating opisina ito ni Klein kaya may camera din. Hindi naman naglalagay ng camera/cctv ang binata sa kwarto o cr.

“Bakit hindi ka nagsasalita diyan?” Tanong sa kan'ya ng dalaga na nakuha ang atensiyon niya.

“Baka kasi magalit ka eh.”

Napatingin sa kan'ya ang dalaga at unti-unti siyang pinagtawanan. “Hindi ako magagalit, ano ka ba naman. Hinihintay lang din naman kita eh.” Tumawa ulit ito na parang tuwang-tuwa sa ginawa ng binata. “Magsisimula na ba ang laro natin?” Tanong nito kapagkuwan.

“Ikaw, bahala ka. Kung gusto mong tumulala muna diyan, hindi kita sasawayin.”

Napatingin ang dalaga sa itaas at mukhang may ideyang pumasok sa isip niya. “Pumunta kaya tayo sa bar? Matagal na din kasi akong hindi nakakapunta do'n eh, gusto ko lang ulit ma-experience. Tsaka baka hindi tuloy ‘yong lakad namin ni Kyle.”

NAPANSIN ng dalaga na parang nagdadalawang isip pa ang binata kaya ginamit niya ang puppy eyes niya para magpa-awa kay Klein. “Sige na, Klein. Pumayag ka na kasi eh. Gusto ko lang talagang ma-refresh ang utak ko.”

Malalim na bumuntong hininga ang binata at ngumiti. Dito palang, alam na ng dalaga na papayag ang lalaki sa gusto niya. “Sige na nga, pero bago 'yan, pupunta muna ako sa CR. Kanina pa kasi ako naiihi eh.” Tumango-tango naman ang dalaga. “Dito ka muna, babalikan kita.”

Habang naghihintay, naisipan ng dalaga na tingnan ang mukha niya sa salamin. Nakita niya ang namumula niyang mata pati ilong. Grabe ba ang iyak niya kanina?

Hinawakan niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya at tinapik-tapik iyon. “Okay ka lang. Kahit hindi ka okay, dapat maging okay ka. Kailangan mong maging okay, okay?” Kaagad niya namang itinigil ang ginagawa nang ma-realized niyang parang tanga siya sa kan'yang ginagawa.

Napalabi siya at sakto din naman ang dating ni Klein. “Tara na?” Tumango-tango siya at hahawakan sana siya ni Klein nang may maalala ito.

Napapantiskuhan siyang tumingin sa likod ni Klein na nauna nang umalis. “Tara na!” sigaw nito sa kan'ya. Napangiwi nalang siya bago patakbong sumunod dito.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya dito nang magpantay na sila.

“What do you mean?” Takang napatingin sa kan'ya ang binata.

“I mean, bakit gan'yan ka?” Magsasalita na sana si Klein nang mapansin niyang nasa baba na pala sila.

“Boss, may pupuntahan lang kami.” Sinulyapan lang sila ni Kyle bago tumango.

Kahit sa simpleng ginawa ng binata, naging pira-piraso nanaman ang puso niya. Pinagbuksan siya ni Klein at kaagad silang sumakay sa kotse nito.

Hindi niya namalayang may tumulo na palang luha mula sa mata niya at naging sunod-sunod ito. Natahimik siyang naiyak sa gilid ni Klein habang nagmamaneho ito.

“Sa tingin mo, may pakialam ba siya sa'kin?” Hindi pa nakakasagot ang binata nang magsalita ulit siya. “Oh, I forgot. Wala nga pala siyang pakialam sa'kin kasi hindi niya naman ako ka-ano-ano at isa lang naman akong bisita para sa kan'ya.” Walang buhay siyang tumawa. “Bakit ba kasi palagi nalang akong umaasa?”

Narinig niya ang mahinang mura ng binata bago siya nito bigyan ng tissue. “Alam mo, gustong-gusto na kitang yakapin ngayon kaso hindi ko magawa.”

“Bakit hindi mo magawa?”

“Kasi nag-promise ako sa taong mahal ka na hindi kita hahawakan.” Bumuntong hininga ito bago siya sulyapan. “Mali lahat ng iniisip mo. Magpahinga ka nalang muna, malayo ang pupuntahan nating bar.” Tumango-tango nalang siya dahil nararamdaman niya din sa sarili niyang pagod siya.

Mali daw lahat ng nasa isip ko. Niloloko nanaman nila ako. Sana lang talaga hindi na ako maniwala, kasi pagod na pagod na akong umasa sa wala.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now