Chapter 43 - Pagkikita

1.8K 69 1
                                    

Third Person's POV

*Continuation of the Flashback*

SAMPUNG buwan na ang nakalipas simula nung magising si Solina na walang ala-ala, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maalala tungkol sa nangyari sakanya.

Nandito siya ngayon sa perya kasama si Josefa. Piyesta sakanilang lugar ngayon kaya maraming tao na nandito.

“Ayos ka lang ba, Solina?” tanong ng kaniyang pinsan na nag-aalalang nakatingin sakanya.

“Ayos lang naman. Para kasi akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.” sagot ng dalaga.

“Sabi ko naman sayo na dapat dinala nalang natin si Leo.” bumuntong hininga si Josefa. “Umuwi nalang kaya tayo? Baka kasi mapano ka pa dito eh.”

Mabilis na umiling ang dalaga. “Ayos lang ako. Nandito na din tayo, kaya sulitin na natin.” nagpilit ng ngiti si Solina.

Nakapila sila ngayon para bumili ng ticket, malayo sila sa unahan kaya medyo nangangawit na din siya.

Napatingala siya sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin na kayrami-rami. Napatingin na din siya sa bilog na buwan. Napakaganda ng kalangitan lalo na ang buwan na siyang napakaliwanag. Paraang gusto niya itong akyatin at yakapin.

“Ilang tiket sainyo, Binibini?” napabalik siya sa reyalidad nang magsalita ang babaeng nasa unahan niya ngayon.

Kaagad siyang ngumiti at nagsalita. “Para ho saaming dalawa, ginang.” ibinigay niya ang bayad pagkatapos ibigay ng ginang ang tiket nilang dalawa.

Sumakay sila sa isang Feeris Wheel at napapatakip ng tainga kapag sumisigaw ang mga tao. Hindi sila sumisigaw, ngunit sila ay tumatawa.

“Maganda pala talaga dito!” nakangiting papuri ni Solina.

“Oo naman! Kaya nga dinala kita dito eh!” sagot ni Josefa.

Solina's POV

Huminto ang tinatawag nilang Ferris wheel, sa tingin ko ay may bagong sumakay. Hindi kasi ito puno kanina.

Pinagmamasdan ko ang magandang tanawin mula sa itaas, nang may mahagip ang aking mga mata. Isang ginoo na nakatingin saakin habang may hawak na bote ng alak. Napakapamilyar niya, hindi ko lang alam kung sino siya. Seryoso ang mga mga mata niya at may nakikita akong kalungkutan sa mata niya.

Nang mapansin niyang sakanya din ako nakatingin, umiling-iling siya bago tinungga ang alak na hawak-hawak niya. Ngumiti siya ng matipid bago tumalikod at nagsimula nang maglakad.

“Solina, ayos ka lang ba? Bakit parang ikaw ay natulala? Gusto mo na bang bumaba? Nahihilo kana ba?” sunod-sunod na tanong ni Josefa.

“Kilala mo ba ang lalaking iyon?” tanong ang tangi kong naisagot. Tinuro ko ang nakatalikod na lalaki, 'yung nakatitig saakin kanina.

“A-h, a-ano. H-hindi k-ko siya kilala. Baka isa sa mga dayuhan dito.” nanginginig na sagot ni Josefa. “B-bakit mo naitanong?”

Tumaas ang kilay ko nang mahalata kong nanginginig ang kamay ni Josefa at halatang-halata na kabado. Simula palang pag-gising ko, alam kong may tinatago silang lahat saakin. Malalaman ko din kung ano iyon.

“Hmm... Wala lang. Naitanong ko lamang.” Gusto ko sanang sabihin na pamilyar siya saakin, ngunit hindi ito ang lumabas sa bibig ko. “Oh? Bakit parang kabado ka?” hinawakan ko ang palad niya. “Malamig din ang iyong palad. Ano ang nangyayari saiyo, Josefa?” sarkastiko akong tumawa. Hindi ko na napigilan ang pagkasarkastiko ko. Pakiramdam ko kasi, may itinatago sila saakin at ayaw na ayaw nila itong matuklasan ko. Ano nga ba ito?

Encountered a Mafia BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang