Chapter 85

973 21 4
                                    

EAMB Chapter 85

Third Person's POV

NAKAILANG suntok si Kyle bago nakaganti si Akil. Nandito sila sa pinakataas na bahagi ng hideout nina Akil. Sinundan sila kanina ng binata papunta dito sa lugar upang makapaghigante.

Ang kanang kamay ni Kyle na si Klein ay nasa labas at patuloy paring nakikipaglaban, habang si Rivo naman ay nasa baba nitong hideout, katunggali ang ibang mga aso ni Akil.

Lumipad si Kyle sa hangin bago dalawang mabilis na sipa sa dibdib ang inabot ni Akil. Nagpagulong-gulong sa sahig si Kyle bago ginamitan si Akil ng technic na tanging may matatas lang na ranko sa black organization ang nakakaalam.

Naningkit ang mga mata ng katunggali ng binata habang nakatingin sa ginagawa niyang technic, naguguluhan na ito at tinatanong sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Si Akil ay kinakabahan at pawang may masamang pakiramdam sa ginagawa ni Kyle.

Maya-maya habang busy sa pag-intindi ng ginagawa ni Kyle si Akil, mabilis na umatake si Kyle kay Akil habang hawak ang ibinigay na kutsilyo ng kaniyang lolo. Tiningnan ito ng kaniyang katunggali kung ano ang nakasulat ngunit hindi niya ito mabasa dahil pang-hapon ang wikang ito.

Malademonyong ngumisi si Akil at nang tingnan niya kung bakit wala paring dugo na lumalabas sa tiyan na sinaksak niya ay dahil may suot pala iyong life vest.

Kaagad na kumunot ang noo ng binata at dahil sa kaniyang pagkabigla ay mabilis siyang nasuntok sa tiyan ng kaniyang katunggali. Si Kyle na ngayon ang nakahiga habang si Akil naman ang nakatayo.

Lalong uminit ang ulo ni Kyle nang makitang dumudugo siya. Kasabay ng pagsuntok ni Akil sakaniya ay ang pagbaril naman ni Yehon sa kaniyang likod na siyang dahilan kung bakit ngayon maraming dugo ang nawawala sa kaniyang katawan.

“Fuck!” Malakas na mura ni Kyle habang tinitingnan ang dugo sa kaniyang kamay.

Malakas na tumawa si Akil habang pinapalakpakan ang nagawa ni Yehon. “Good job, Yehon!”

“Small thing, Akil – ”

“And you two think you can kill me that easy?” Sarkasmong tanong ni Kyle sa kanilang dalawa. Kasabay ng pagtaas ng kilay ni Akil ang biglaang pagtayo ni Kyle habang hawak ang baril bago pinaputukan sa ulo si Yehon nang makita niyang bubunutin nito ang baril sa kaniyang bulsa.

Nang si Akil na lamang ang natitira sa itaas ng rooftop, nakita niya ang pistol nitong baril na patagong binubunot mula sa kaniyang likuran. Nang akmang papuputukan na siya ng katunggali, mabilis niyang sinipa ang baril na nasa kamay nito. Inilipad ng hangin ang kaniyang baril papunta sa ibaba kung saan hindi niya na ito makukuha.

“Tie, wala na tayo parehong armas.” Malakas ang boses na sabi ni Akil kay Kyle habang parang baliw na tumatawa.

Tumaas ang sulok ng labi ng binata at pinagkrus ang kamay sa dibdib. “Then, let's fight without them.”

Naningkit ulit ang mga mata ni Akil at tumango-tango. “Alam mo, kung hindi lang namin kalaban ang angkan niyo, paniguradong magiging magkakampi tayo. Matalino at magaling ka sa pakikipaglaban–”

Hindi na nakapaghintay ang binata at mabilis na niyang sinugod si Akil nang walang pakinlamang.

“Kahit kailan, hindi tayo magiging magkakampi. Never.”

Isang malakas na suntok ang natamo ni Akil sa mukha nang subukan niyang gumanti kay Kyle. Nakailag sa pang-una si Kyle, ngunit hindi sa panghuli. Nasipa siya ng kaniyang katunggali sa tiyan at mabilis na pinaikot ang kaniyang katawan at hinawakan ang tama ng baril niya kanina.

“Argh! Fuck you, Akil! I will never forgive you, bastard! You son of a bitch!”

Malademonyong siyang tumawa habang pinipiga ang tama ng baril sa likod ni Kyle. Ngunit hindi doon nagtatapos ang pagiging malakas ng binata, umikot siya paharap at kinuha ang pagkakataon na kunin ang armas na kutsilyo sa likod ni Akil.

Kanina niya pa alam na may itinatagong armas sa kaniyang likuran si Akil at hindi iyon nakaligtas sa mapanuri niyang mga mata.

Dalawang beses niyang sinaksak sa likod ang kaniyang katunggali, ngunit maya-maya pa ay may narinig siyang ilang putok ng baril.

_Agratha | Carla

A/N: Sorry for being inactive, mga beh. Medyo na busy ako nang kaunti, emz HAHAHAHA. Anyway, birthday ko po sa June 10. Tumatanggap po ako ng color blue na money, ahihi.

#Jokeonly

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon