Chapter 47 - Pagkasundo

1.6K 68 5
                                    

EAMB Chapter 47 - Pagkasundo

Solina's POV


*Continuation of the flashback*

“Solina! Mario! Nandiyan...” Hinihingal na lumapit si Josefa saamin. “N-nandiyan sina... sina... I-itay at Inay mo!”

“Ano?!”

Hinawakan ni Mario ang kamay ko at itinago ako sa likod niya. Si Josefa naman, pumunta na din sa likod ko at nagtago.

“Solina! Josefa!” Galit na sigaw ni Itay sa pangalan naming dalawa ni Josefa.

Tumigil sila ng ilang hakbang saamin. Nasa likod ni Itay si Nanay. Napansin ko rin ang hawak ni Tatay na Itak sa kanang kamay niya.

“T-tay...” Tanging nasabi ko. Nanginginig ang boses ko sa takot na baka masakit niya si Mario. Mabait nga si Itay, pero iba ang tao kapag nagagalit. Hindi nila nako-kontrol ang galit nila sa loob.

“Anong ibig sabihin nito?!” Sigaw ni Tatay. Kahit hindi ko tingnan, alam kong lumapit na saamin ang mga tao at naki-usisa sa kung ano ang nangyayari.

“Tay, n-nagmamahalan ho kami ni Mario. H-huwag niyo po s-siyang sasaktan.”

“Bumalik na ang ala-ala mo?” Hindi makapaniwalang sambit ni Nanay. Tumango nalang ako bilang sagot.

“Bitiwan mo ang anak ko, Mario.” Maotoridad na sabi ni Itay, ngunit mas lalo lamang hinigpitan ni Mario ang pagkahawak saakin.

“Nay, Tay, hayaan niyo nalang ho kami. A-ayaw ko pong pakasalan si Leo. Hindi ko siya mahal. Nagmamakaawa ho ako sainyo. Mag-usap ho tayo ng maayos, hindi 'yong may dala pa kayong i-itak.”

“Oo nga ho, Tito—”

“Tumahimik ka diyan, Josefa!” sigaw ni Nanay kay Josefa bago pa nito matapos ang kaniyang sasabihin.

“Nais ko pong kunin ang kamay ng inyong anak. Nagmamahalan ho kami ni Solina.” Tumingin saakin si Mario. “Mahal na mahal ko po ang inyong anak. Binago niya po ang buhay ko. Siya ang babaeng gusto kong iharap sa altar. Siya lang ang babaeng mamahalin ko habambuhay.”

Kinilig ako dun sa sinabi ni Mario, pero hindi ngayon ang oras para kiligin ako. Baka mapatay ni Tatay si Mario.

“Baka pwede natin itong pag-usapan ng maayos, Mang Resposo.” Boses iyon ni Kapitan Rodolfo.

“Hindi. Dito kami mag-uusap at wala ka nang pakialam doon.”

Magsasalita pa sana si Itay pero may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran namin.

“Hindi na po natin kailangan umabot sa ganito. Alam ko hong si Mario talaga ang mahal ni Solina, at wala na akong magagawa doon. Ang importante ngayon sakin ay ang kasiyahan lamang ni Solina. Masakit. Sobrang sakit. Pero hahayaan ko na lamang siya kung saan siya sasaya.” Malungkot ang boses ni Leo habang nagsasalita, at ramdam na ramdam ko 'yung puot na nasa dibdib niya.

Lumingon ako at nagpasalamat dahil mabuti't naiintindihan niya ako. Mabuti dahil papalayain niya na ako.

Napansin ko din sa Mario na tipid na ngumiti kay Leo, ganoon din ang ginawa ni Leo.

“Ipapangako ko ho sainyo na mamahalin ko po ng buong puso ang inyong anak. Hindi na rin ho ako babalik sa dati kong mga bisyo.” Mario.

Tumingin ako kay Itay na nangungusap ang mata. “Tay....” Tumingin naman ako kay Nanay. “Nay...”

Nang hindi sila kumibo, bumuntong hininga ako bago magsalita. “Nakwento niyo ho saakin noon na hindi din boto sainyo ang mga magulang ni Inay, pero pinaglaban niyo parin ho siya, diba?—”

“At ganun din po ang gagawin ko sa anak niyo. Ipaglalaban ko ho siya.” Putol ni Mario sa iba ko pang sasabihin.

Parang natauhan naman si Inay dahil lumambot ang tingin niya saamin at tiningnan ng nangungusap si Itay.

Walang nagawa si Itay kundi ang malalim na bumuntong hininga. “Pag-iisipan ko...”

End of the Flashback

Zariyah's POV

“So, ano ho ang naging desisyon ng tatay mo?” Tanong ko kay Yaya Soling. Nasa tabi ko na si Kyle dahil gusto niya rin daw makinig sa kwento ng love life ni Yaya Soling.

Ngumiti ng matamis saamin si Yaya Soling, at doon palang, alam ko na ang naging desisyon nito. “Pumayag siya.”

“Napagtanto niya na mahal nga namin ang isa't-isa.” dagdag nito.

Tumango-tango naman ako bilang sagot. “Eh, ano po ang nangyari kay Lolo Leo?”

Napailing-iling siya habang nakangiti. “Naging sila ni Josefa. Under pa nga siya ng pinsan ko eh. Mabait kasi si Leo at sobrang mahal niya si Josefa kaya ayun, siya nalang ang nagpapakumbaba.” Tumawa ulit ito.

“Uhm... How about Mario? Where is he now?” Seryosong tanong ni Kyle.

“Nasa langit na.” Malungkot siyang ngumiti. “Iniwan niya na kami ng dalawa niyang anak last year.”

“What?!” Gulat na tanong ni Kyle. Nagulat na din ako dahil sa bigla niyang pagsigaw. Ang OA nito, ha? Naku naku! “Why didn't you tell me? Hindi ka manlang ho nagleave para pumunta sa asawa mo?”

“Wala ka ho kasi sa bahay nun, kaya hindi nalang ako tumuloy. Isang linggo ho kayo nun sa kung saan. Diba ho, binilin niyo sakin 'tong mansion? Baka ho magalit kayo, kaya nag-stay nalang ako dito.”

“I will never get mad at you, Yaya Soling. Halos ikaw na nga ang nag-alaga sakin simula nung dumating ako sa mansion na ‘to, so bakit naman ko kakagalitan ang taong nag-alaga saakin?”

“Hayaan niyo na ho 'yun, Sir. Tapos na 'yun eh. Tsaka lockdown din ho 'yun, kaya paniguradong hindi ako makakalabas ng Maynila.”

“If you had called me, I will surely find another way.”

“Hayaan niyo na nga ho 'yon, Sir.” Matamis itong ngumiti. “Sige ho, magluluto na muna ako.” Kaagad itong tumayo at dumiretso sa kusina.

“Ang ganda pala ng love life story ni Yaya, 'noh?” Tanong ko at bahagyang nilingon si Kyle.

“Yeah. Hopefully, our relationship too.”

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now