Chapter 59

1.2K 33 3
                                    

EAMB Chapter 59

Zariyah's POV

“Boss, may naghahanap po sa'yo sa labas.” ani Klein matapos siyang kumatok ng tatlong beses sa kwarto.

Pinabilhan ako kanina ni Kyle ng damit dahil maya-maya daw ay aalis na kami.

“Magbihis ka na. Titingnan ko lang kung sino 'yong naghahanap sa'kin.” tipid siyang ngumiti at gano'n din ang ginawa ko. Nagtungo ako sa banyo nang makaalis na siya at mabilis kong isinuot ang simpleng t-shirt at pants. Itinali ko ang t-shirt para lagyan ng fashion ang suot ko.

Nang makita kong ayos na ang mukha ko, lumabas na ako at dumiretso sa sala. Nasalubong ko pa si Klein sa hagdan na mukhang pipigilan ako sa pagbaba.

“M-maglaro nalang muna tayo, Zariyah.”

“Anong pinagsasabi mo diyan, Klein? Bakit parang naging bata ka ulit?” Takang tanong ko habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

“Basta maglaro nalang tayo. A-ah, may uno cards ako do'n sa taas. Do'n na muna tayo, sige na.” Lalong nangunot ang noo ko nang mapansin na pinagpapawisan siya. Anong nangyayari sa isang ‘to? Ang lamig-lamig naman ah.

Umiling-iling ako bago humakbang pababa, ngunit nahawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako pataas. “Laro na kasi tayo, Zariyah. Isang round lang, promise.”

“Ayoko nga. Hinihintay na siguro ako do'n sa baba ni Kyle. Tsaka hindi mo gusto ang uno cards, 'di ba? Bakit ngayon gustong-gusto mo na?”

“Ah...” Tumingin ito sa itaas at mukhang nag-isip na lalong nagpataka sa'kin. Kinuha ko ang chance na 'yon para tumakbo at dumiretso sa sala.

Ilang sigaw ng pangalan ko ang narinig ko mula kay Klein, ngunit hindi ko siya pinansin. Natanggal ang ngiti ko sa labi nang maabutan kong nasa sala si Kyle na may kasamang babae habang naghahalikan.

Napalunok ako nang maramdamang parang pinupunit ang puso ko. Ewan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko, naramdaman ko din na parang may tumulong maligamgam na tubig sa pisnge ko. Do'n ko lang na-realize na paunti-unti na palang nahuhulog ang luha ko.

“Zariyah...” Rinig kong banggit sa pangalan ko ni Klein. Tumingin siya sa harap ko kung nasaan sina Kyle at tumingin ulit sa akin. Doon palang tumigil at parang nagising sa reyalidad ang dalawang taong nasa harapan ko.

Nag-aalalang tumingin sa'kin si Kyle at ganoon din ang babae. Tumaas ang kilay ko nang makilala kung sino ang babaeng ito. What the hell? Magkakilala silang dalawa?

“V-valentine?” Anong ginagawa ng step sister ko dito? Ngumisi si Valentine at nilapitan ako.

“Oh hello, my dear step sister.” Saad nito na lalong nagpakulo ng dugo ko.

Lumapit na din si Kyle saakin at sinubukang hawakan ang kamay ko. “Mali 'yong nakita mo, Zari.”

Pinunasan ko ang luhang nahulog mula sa mata ko gamit ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ni Kyle. “No. It's okay. ‘Wag kang magpaliwanag, ano naman ngayon kung nakita kong nakikipaghalikan ka sa step sister ko?” Pinilit kong makapagsalita kahit durog na durog na 'yong puso ko. Gusto kong sabihin na nasasaktan ako at wasak na wasak na ang puso ko, ngunit mas pinili kong ngumiti.

“No, si Valentine ang huma-” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sana ni Kyle.

“Wag ka nang mag-explain, okay lang naman eh. Tsaka 'yong luha ko, napuwing lang talaga ako.” Tumingin ako kay Klein at pilit na ngumiti, nakikita ko sa mga mata niya ang awa pero hindi ko iyon pinansin. “Gusto mong maglaro ng uno cards, 'di ba? Tara, maglaro nalang tayo sa taas.”

Tumingin muna ito kay Kyle bago tumango-tango. Ako na ang unang umakyat at kaagad naman siyang sumunod.

Third Person's POV

“Leave.” Malamig na tugon ng binata sa babaeng nagngangalang Valentine. Umikot ang mata ni Valentine at hinawakan ang matipuno niyang braso na kaagad din naman iyong tinanggal ni Kyle. “Don't fucking touch me, Valentine.”

“Why? ‘Yon na ba ang ipinalit mo sa'kin? Isang babaeng mahirap at hindi manlang ako malabanan—”

“Shut up, you bitch.” Pinutol nito ang mga dapat pang sasabihin ng dalaga at problemadong hinawakan ang sintido. “Alam mo, kasalanan mo 'to eh. Ang akala ni Zari, naghahalikan tayo. Pero hindi!” Tumingin ito nang malamig sa mga mata ng dalaga at itinuro ang pintuan. “Now, leave!”

Padabog na kinuha ni Valentine ang sling bag niya at nagmamartsang lumapit sa pinto. Bago siya umalis, tumingin mun siya ng masama sa binata. “Pagsisisihan mo din 'to, Kyle. Babalik ka din sa'kin at magmamakaawa ka na balikan kita.”

Malademonyong ngumisi ang binata. “Keep dreaming, Valentine. Total, diyan ka naman masaya eh. Pero ito ang tandaan mo, hinding-hindi na ako babalik sa isang manggagamit na kagaya mo.”

Parang sinampal si Valentine ng mga salitang ito, kaya mas lalong sumama ang mukha niya at pabalibag na isinara ang pinto.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now