Chapter 37 - Announcement

2K 94 1
                                    

EAMB Chapter 37 - Announcement

Third Person's Pov

"Okay na lahat, boss. 'Wag ka nang mag-alala." Ani Klein habang malanding tinatapik-tapik pa ang matitipunong braso ni Mr. Montenegro.

Marahas na tinanggal ni Kyle ang kamay ni Klein sa braso niya at tiningnan siya ng puno ng pandidiri.

"You're acting like a gay, Merxo!" Iritang sabi nito.

Kumembot-kembot si Klein habang nakangiti ng malapad kay Kyle. Pinalo niya ang sariling pwet at maarte siyang nameywang.

"I will never act like a gay to other guy, but you," tinuro siya nito. "Why not coconut?"

"Ginagago mo ba ako, Klein Merxo?"

"Hindi. Tinatangina lang."

Kaagad na nagsulubong ang kilay nito, pero bago pa siya tuluyang magalit, nagsalita na si Klein.

"Binibiro lang naman kita, boss. 'Wag ka nang magalit. Peace tayo." Nag-peace sign pa ito sa kamay.

Umirap si Kyle kay Klein at lumingon siya sa pwesto ni Zariyah.

Kumakain ito ng chocolate cake habang nakamasid sa paligid. Iniwan muna siya kanina ni Kyle sa isang nakareserbang table para sa kanilang dalawa, para makausap niya si Klein.

She's very beautiful, elegant and lovely. Kahit natatakpan pa nito ang medyo singkit niyang mata, ay maganda pa rin ito. Napaisip siya kung matatanggap nga ba siya nito kapag nalaman ni Zariyah na siya ay miyembro ng Mafia at siya pa ang hari dito.

"Ganda ni Zariyah, 'di ba? Bagay kami." Pang-aasar ni Klein nang mapansing titig na titig si Kyle sa dalaga.

Kaagad na nagtungo ang paningin ni Kyle kay Klein. Salubong na salubong ang kilay nito at parang kahit na anong oras ay papatay ito ng tao.

"I mean, maganda siya tapos gwapo ako. Eh, bagay kami." Pang-aasar ulit ni Klein. Pero nang mapansing nakahawakan na ito sa nakatagong baril na nasa loob ng tuxedo nito, kaagad niyang binawi ang sinabi. "Pero mas bagay kayo kasi mas gwapo ka saakin."

Umirap ulit si Kyle at nagtungo sa table nila ni Zariyah.

"Pero sa palagay ko, mas gwapo talaga ako sayo, boss." Bulong ni Klein.

NAPANGITI si Zariyah ng umupo si Kyle sa tabi niya. Nagsimula na din ang party.

May nagsasalita sa harap pero hindi niya na 'yun inabalang pakinggan dahil busy siya sa pagkain ng chocolate cake na gawa mismo ni Kyle. Para lang ito sakanya at hindi para sa mga bisita.

______

Zariyah's Pov

"Let's give an applause to Mr. Kyle Montenegro; the owner of the Montenegro's Company and has a 100 companies in the world!"

Pumalakpak ang lahat.

Literal na nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang pangalan ni Kyle. Wala akong pake kanina pero kusa ko lang 'yun narinig.

Tumayo si Kyle at inayos ang tuxedo niya. Tumingin muna siya saakin at kumindat sabay ngiti.

Namula naman ako nang marealize kung ano ang ginawa niya. Naglakad na siya papunta sa harapan at kinuha ang mic.

"Good evening, Ladies and Gentleman. To those people who don't know me, I'm Kyle Montenegro. I'm the owner of Montenegro's Company, the company who you guys want to invest. I organized this party not just to welcome my new investors, but to introduced my girlfriend,"  he paused and looked at me.

Wait! Did he say 'girlfriend'? May girlfriend na siya?

Nalulungkot akong tumingin sa cake na kinakain ko at walang anu-anumang diretso kong kinain ang malaking slice nito.

"Zariyah Eurydice Cervantes!"

Nasamid nalang siya sa kinakain ng marinig nito ang sinabi at ang pangalan niya.

Kinuha ko ang tubig na nasa tabi ng pinggan ko at nilagok 'yun.

Sinabi ba talaga nito ang pangalan ko? O baka naman, illutions lang ang boses na 'yun? Pero hindi eh! Narinig ko talaga! Rinig na rinig ko yung pangalan ko.

_________

𝙳𝚘𝚗'𝚝 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚎𝚝 𝚝𝚘 𝚅𝚘𝚝𝚎, 𝚌𝚘𝚖𝚖𝚎𝚗𝚝, 𝚜𝚑𝚊𝚛𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚏𝚘𝚕𝚕𝚘𝚠 𝚖𝚎♡︎

𝙸𝙶: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊
𝚃𝚒𝚔𝚝𝚘𝚔: _𝚊𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊 (𝚘𝚛) 𝚆𝙿 𝚊𝚗𝚘𝚗𝚢𝚖𝚘𝚞𝚜 𝚠𝚛𝚒𝚝𝚎𝚛
𝙵𝚋 𝚙𝚊𝚐𝚎: 𝙰𝚐𝚛𝚊𝚝𝚑𝚊

𝑬𝒏𝒋𝒐𝒚 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈シ︎

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now