Chapter 36 - Party

2.1K 78 0
                                    

Zariyah's Pov

Tinititigan ko ang sarili ko sa malaking salamin dito sa loob ng kwarto ni Kyle.

I'm wearing a black haltered long dress. Inayusan din ako kanina ng make-up artist na pumunta dito.

If you're asking kung saan ako papunta, si Kyle ang tanungin niyo!

Nagpa-party lang naman si Kyle dito sa malaki niyang yate.

Flashback...

"Nagpapa-swim ka rin pala dito sa resort mo, Kyle?"

Napansin ko kasing may dumating na tatlo hanggang lima na tao. Baka mags-swim sila dito sa resort ni Kyle, yan yung unang pumasok sa isip ko nang salubungin sila ni Klein.

Nakabalik na si Klein pagkatapos niyang ihatid si Doc.

"No." Tipid niyang sagot.

"Huh? Eh anong ginagawa nila?" Tinuro ko yung dalawang bakla at tatlong babae.

"Sila mag-aayos sa'yo at sa ibang bisita."

"Hmm?! Ba't nila ako aayusan? May pupuntahan ba tayo?"

"Party... Mask party."

End of the Flashback

Kinuha ko ang half mask ko at isinuot. Kitang-kita ang pulang-pula kong lipgloss dahil mata lamang ang natatakpan ng mask na 'to.

Napatingin ako sa pinto.

Sabi ni Kyle, hintayin niya nalang daw ako dito dahil sabay kaming pupunta dun sa malaki niyang yate sa labas nitong bahay.

Habang nagmumuni-muni, napaisip ako kung nasaan na nga ba ang cellphone ko.

Parang hindi ko yun nadala papunta dito sa resort kaya baka nasa mansion ni Kyle.

Nakarinig ako ng ilang katok kaya tumayo na ako at binuksan ang pinto.

Katulad ng inaasahan ko, si Kyle ang taong kumatok sa pinto.

Tumaas ang pareho niyang kilay ng makita ang kabuuan ko. Unti-unti ding sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang natural na pulang labi.

"Let's go?" He offered his hand and I accepted it.

______

A/N: Sorry for this super short update.

Don't forget to Vote, comment, share and follow me<3

IG: _agratha
Tiktok: _agratha (or) WP anonymous writer
FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now