Chapter 58

1.4K 39 5
                                    

EAMB Chapter 58

Zariyah's POV

“Salamat sa agahan, Zariyah. Ang sarap mo parin magluto hanggang ngayon.”

Ngiti lamang ang isinagot ko sa papuri ni Klein bago ipinagpatuloy ang pagkain. Nilutuan din kasi ako ni Kyle at sinabing dapat daw ako magpakabusog araw-araw, hindi daw dapat maliit ang kinakain ko. Pinuri na din kanina ni Kyle itong ginawa kong agahan.

Napatigil ako sa pagkain nang maalala ko na kailangan ko pa palang tawagan si Romina. “Can I borrow your phone, kyle? Kailangan ko kasing tawagan si Romina eh.”

Tipid siyang ngumiti bago hinugot mula sa bulsa niya ang cellphone at ibinigay ‘yon sa'kin. Since tapos na din kaming tatlo sa pagkain, nagdesisyon si Kyle na siya nalang daw ang maghuhugas ng plano at si Klein naman ay may aayusin daw na gusot.

Dumiretso ako sa may hardin at tinawagan ang numero ni Romina. Ilang ulit lang nag-ring bago nito sinagot ang tawag. “Hey, girl.”

Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago ko narinig ang boses ni Romina. “Zariyah?” Gulat nitong tawag sa pangalan ko. “Or pinaglalaruan lang talaga ako ng tenga ko?” Pagkausap nito sa sarili.

“Ako talaga ‘to.”

“Oh my god, buti naman at napatawag ka. Alam mo bang nag-alala ako sa kalagayan mo nang malaman kung pinasok pala ang condo natin ng masasamang tao? Akala ko nga nakuha ka nila. Kasalukuyan kana din hinahanap ng mga tauhan ni papa. Eh, nasaan ka ba ngayon? Maayos ka lang ba? May mga sugat ka ba?” Sunod-sunod at mabilis nitong tanong.

“Okay lang naman ako. Nasa bahay ako ni Kyle ngayon, at wala akong sugat. Niligtas nila ako ni Klein.”

“At sino naman itong si Kyle? Don't tell me may boyfriend ka na agad?” Saglit itong tumigil sa pagsasalita. “Klein? Klein Merxo?!” gulat na gulat nitong tanong.

“Hindi ko boyfriend si Kyle, okay? Kaibigan ko lang naman siya.” napakagat ako sa ibabang labi. “And oo, si Klein Merxo nga 'yon.”

“What the? Nagkita kayo ulit ni Kano?” Huminga ito nang malalim. “Basta ang mahalaga, ligtas ka. ‘Wag ka na munang bumalik do'n sa condo ha? Baka kasi balikan ka nanaman nila at baka sa pagkakataong iyan, hindi ka na makaligtas. Hindi din ako basta-basta makakauwi diyan kasi baka magalit si Daddy at araw-araw din kasi ang pasok ko dito.” Romina tsked. “Kung pwede ngang huminto nalang ako sa pag-aaral eh. Mas mahirap kasi dito, mas mabuting nariyan ako sa Pilipinas.” Hindi muna ako nag-ingay at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita. “And uh, pwede ko bang makausap 'yang si Kyle?”

Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon nakikita. “Uhm, sige.” Pumasok ako at dumiretso sa kusina kung nasaan si Kyle. “Pwede ka daw bang makausap ni Romina?” Tanong ko kay Kyle na kasalukuyang tinutuyo ang basa niyang kamay. Tumango-tango ito at ibinigay ko ang phone niya.

Hindi ito naka-loudspeaker kaya hindi ko marinig ang sinasabi sa kabilang linya, pero sana lang walang sabihing katarantaduhan si Romina kay Klein.

“Yeah, sure... Oo, ligtas siya dito sa bahay ko.” Saglit itong tumigil at tumingin sa gawi ko. “Hindi pa naman, pero malapit na.” Anong pinagsasabi nito na malapit na? “Okay, bye.” ibinigay nito saakin ang phone at ako naman ang kumausap kay Romina.

Narinig kong tinatawag na siya ng tatay niya sa kabilang linya para magstudy. “Oh sige, Zariyah. Basta mag-iingat ka diyan, okay? Tumawag ka kaagad sa'kin kapag may problema. Bye.”

“Bye.” Maikli kong tugon bago pinatay ang tawag at ibinigay ang cp kay Kyle. Nagpasalamat ako bago nagpasyang maligo. Sinabi din niyang pwede kong gamitin 'yong damit niya since wala akong dalang damit.

GINAMIT KO ang malaki niyang puting t-shirt at boxer. Nakakahiya, pero may pagpipilian pa ba ako? Tsaka hindi ngayon panahon para mag-inarte. To be honest, sobrang komportable ako dito sa suot ko ngayon. Amoy na amoy ko ang pabango ni Kyle at pakiramdam ko'y nakayakap siya sa'kin. Maluwag din ito at presko kaya hindi mahirap gumalaw.

Nakita kong papasok na din si Klein at napansin niya din ako. Bahagyang umawang ang labi niya bago siya napasipol sa hangin. “Lalo nanaman 'yang mai-inlove sa'yo si Boss.” tiningnan ko lang siya ng masama at dumiretso sa sala para manood ng tv. Akala ko ako lang mag-isa, pero nakita kong nandoon din si Kyle.

Napatingin si Kyle sa gawi ko nang maramdaman ang presensiya ko. Natigilan siya bago kumurap-kurap. Tinapik niya ang gilid nito na para bang sinasabing doon ako umupo. Tumango nalang ako bago umupo sa tabi niya.

Nagulat nalang ako nang hinapit niya ako sa bewang bulungan sa tenga. “Damn, woman. You're turning me on.” Bahagya akong natigilan habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Simpleng salita lang 'yon, pero iba ang hatid nun sa katawan ko.

Ipinilig ko ang ulo bago itinuon ang pansin sa tv. Inisip ko din kung ano ang mangyayari mamaya kapag pinakilala niya na saakin ang totoo niyang pagkatao. Bakit kaya kapag naiisip ko kung sino talaga siya, eh kinakabahan ako?

Ipinilig ko ulit ang ulo at kinalma ang sarili. Siguro dahil lang 'yon sa pagiging excited ko.

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now