Chapter 66

1.2K 31 0
                                    

EAMB Chapter 66

Third Person's POV

“NABALITAAN mo din ba ang nangyari sa mapagmahal mong kaibigan?” Puno ng sarkasmo ang boses na tanong ni Mara nang makapasok siya sa opisina ng binata.

Nagtatanong na tumingin sa kan'ya ang lalaki habang pumiperma ng mga papeles na kailangan nila para pansamantalang makaalis sa bansang 'to. “I don't and I don't fucking care.”

“Are you sure, Zach? Even if I tell you na dawit dito ang pangalan ni Zariyah?” Mapaglaro ang boses ni Mara at nakataas-noong umupo sa swivel chair at ipinaikot-ikot 'yon.

Mukhang naging interesado ang lalaki at kaagad na tumigil sa ginagawa niya. “What happened at bakit damay si Zariyah dito?”

Pinagkrus ng dalaga ang paa at pinaikot-ikot sa kamay ang ballpen na hawak niya. “Hmm... Mukhang may magagamit na tayong alas kay Montenegro, huh?” Mara smirked.

Kaagad na kumunot ang noo ni Zach at nalaman kaagad nito ang punto ng kaibigan. “'Wag mo siyang idamay dito, Xiomara—”

“Kyle is inlove with her.”

Unti-unting umawang ang labi ng binata at napasabunot sa sariling buhok habang mahinang napamura. “No! Fuck! Fuck!”

“At kapag nalaman 'yon ni Akil, alam mo na kung ano ang mangyayari.” Ngumisi ang dalaga bago umalis ng opisina.

Nakasalubong pa niya si Yehon pero nginisian niya lang ito na hindi naman kaagad naintindihan ng lalaki.

“WHAT?!” Malakas na sigaw ni Zach nang may kumatok sa opisina niya sa pag-aakalang si Mara ulit 'yon. “Don't talk to me right now, Mara. I'm not in a good mood.”

“Don't worry, bud. This is Yehon, your very handsome bestfriend.” Puno ng kayabangan pero totoo namang sabi ng lalaking nasa labas ng pinto.

Napa-iling-iling nalang ang binata bago binigyan ng pahintulot si Yehon na pumasok na sa loob ng opisina niya.

“It looks like, you're angry at her.” Tinutukoy nito ang babaeng kakalabas lang kanina mula sa opisina niya. “What happened, bud?”

“My very good friend is inlove with the woman I always wanted.” Mapakla siyang tumawa bago inubos ang alak na nasa baso.

Katulad ng naging reaksyon niya kanina, mukhang gulat na gulat din ang kaibigan niyang si Yehon.

Nasampal nito ang noo at sa unang pagkakataon, nakapagsalita ito ng tagalog nang hindi nauutal o kung ano. “Patay kang bata ka!”

“Yeah. I know what will Akil do if he finds out.” Mapakla ulit siyang tumawa bago nagtagis ang panga. “Baka nga ngayon, alam niya na.”

“It's not impossible, bud. I know who the fuck he is.” Umiling-iling ang kaibigan. “The only way you could do,” Seryoso ang mukha habang nakatitig ito sa kaniya. “is to protect her. She's safe with Kyle—”

“No, she's not!” Mabilis na putol ng binata sa iba pang sasabihin ni Yehon. “Even if Kyle loves her, masamang tao parin siya–”

“Us as well.”

He tsked. “I don't care. Kayang-kaya ni Kyle pumatay ng tao kahit sino pa 'yon sa buhay niya.”

Hindi na nagsalita pang muli ang kaibigan at sinamahan nalang siya sa pag-inom ng alak. Alam niya naman kasing walang patutunguhan kapag nag-away pa sila.

Zariyah

“Sa tingin mo, okay lang ba si Kyle?” Pabulong kong tanong kay Klein habang nagbabalat ng sibuyas na lulutiin namin ni Kyle. Ewan ko ba, pero bigla-bigla lang darating 'tong si Klein at may mahalaga daw silang pag-uusapan ni Kyle. Kaya ayun, nagbihis na muna si Kyle kasi puno daw siua ng pawis.

Bumuka ang bibig ni Klein, ngunit wala ni-isang salita ang lumabas mula doon. Ipinitik ko ang aking kamay sa kaniyang harapan dahilan para mabalik siya sa reyalidad. “A-ano nga ulit tanong mo?”

Pinanlakihan ko siya ng mata at unti-unting may pumasok na kung ano sa utak ko. Shit! “Nagd-dr*gs ka ba, Klein?”

Isang malakas na batok ang natanggap ko mula sa kan'ya. “Ang sama mo naman sa'kin! Umiinom ako't naninigarilyo, pero never akong magd-dr#gs katulad ng iniisip mo!”

Pinagkrus ko ang kamay sa dibdib at tumingin sa malayo. “Eh, ikaw naman kasi eh. Sino naman ang hindi mag-iisip na naka-dr#gs ang kaibigan niyang palaging parang may malalim na iniisip?”

“May iniisip lang ako, hindi ako nagd-dr#gs.” Hahawakan niya sana ang buhok ko nang may marinig kaming isang malalim at baritonong boses.

“Touch her, and you'll see what I can do.”

Napa-iling-iling habang tumatawa si Klein at namulsa. Matiim siyang tumingin sa mga mata ko at biglang tumaas ang isang sulok ng labi.

Ito ang unang tingin sa'kin ni Klein na nakakapangilabot, pero tumawa din naman siya nang mahalata ang takot sa mukha ko. “Ito namang si Zariyah oh, tinatakot lang naman kita.”

Bago pa ako makapagsalitang muli, may isang makisig na braso ang pumulupot sa bewang ko. He kissed my temple and whispered, “I'll be back. May mahalaga lang kaming pupuntahan ni Klein.”

I kissed his cheek at sumandal sa braso niya. “Okay. I love you.” Binigyan ko ulit siya ng malambing na halik.

“I love you more.” Bago sila tuluyang umalis, hinalikan niyang muli ako sa labi.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now