Chapter 55 - Bomb

1.6K 44 0
                                    

EAMB Chapter 55 - Bomb

Third Person's POV

Unti-unting minulat ng dalaga ang kaniyang mapupungay na mga mata at kaagad na nagtaka sa napansin niya. Hindi ito ang kwarto niya, ngunit nasaan na nga ba siya?

“N-nasaan ako?” tanong niya sa sarili habang kinakapa ang ulo. Nangunot ang noo niya nang makitang pamilyar ang kwartong ‘to. Kwarto ni Kyle...

Zariyah's POV

Unti-unting pumasok sa isipan ko ang mga naganap kanina — teka, kanina ba ‘yon? Basta ‘yong nangyari bago ako mawalan ng malay. Bakit ba ako nila hinahanap? Anong kailangan nila saakin?

“'Wag mo munang isipin ang nangyari sa'yo bago ka mawalan ng malay, Zariyah. Take a rest first.” Muntik na akong mapatalon sa gulat sa biglang pagsulpot ni Klein. Seryosong-seryoso ang mukha niya at mukha siyang papatay na ng tao. Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ba ‘to marunong kumatok bago pumasok? Napakamot siya sa batok bago ngumiti nang pilit. “Kanina pa ako kumakatok eh, hindi mo naman binuksan.” Teka, paano niya nalaman ang nasa isip ko? “Halata naman kasi na ‘yan yung tanong mo eh.” Wtf?

Napailing-iling nalang ako bago tumingin sa likod niya. “Kung si Boss ang hinahanap mo, wala siya dito. May importante kasi siyang pinuntahan.” Ang creepy naman ng lalaking ‘to, iniisip ko palang, alam niya na.

“Saan ba siya pumunta? Importante ba talaga ‘yon? Mas importante pa ba saakin?” Natakpan ko nalang ang sarili kong bibig nang matanong ko ito. Hindi ko din alam kung bakit ko ba iyon natanong.

Nanunudyong ngumiti saakin si Klein. “Hala ka! Nahuhulog ka na, Zariyah.”

“Uhm, ano... Uh, mali kasi ‘yong nasabi ko.” Mas lalong lumapad ang ngiti niya sa labi. “Uhm, may tubig ka ba diyan? Nauuhaw kasi ako.” pag-iba ko ng paksa. Kilala ko si Klein, alam kong hinding-hindi niya ako titigilan hanggang sa hindi ko sinasabi sakanya ang totoo, except madistract siya sa isang bagay.

“Teka, kukunin ko nalang sa baba—”

“Nasaan nga pala si Manang Soling?” Mabilis kong tanong nang maalala kong nasa bahay naman pala ako ni Kyle.

Natigilan siya at dahan-dahang lumingon sa gawi ko. Bakas ang gulat niya sa naging tanong at parang wala din siyang maisagot. Nakataas ang dalawa kong kilay at hinihintay ang sagot niya.

Lumipas ang ilang segundo, wala parin siyang naisagot at hindi pa din siya gumagalaw. Ipinitik ko ang dalawa kong daliri at kaagad din siyang gumalaw. “N-nasa probinsya pa eh. Umuwi kasi siya sa mga anak niya eh.”

“Ah. Gano'n ba? Sige, kunin mo na ang tubig ko.” Pagkasabi ko nito, kaagad din naman siyang umalis.

Hindi ako ganun ka-kumbinsido sa isinagot niya, pero wala naman siyang dahilan para magsinungalang, 'di ba? So, baka nga totoo ‘yong sinabi niya. Baka nga nasa probinsya talaga siya kasama ang mga anak niya.

Nagtaklob ako ng kumot at inalala ang mga mukha ng mga lalaking sumugod kanina. Matangos, matangkad, at may itsura talaga ‘yong si Yehon. Malakas din ang dating niya kumpara doon sa ibang mga kasama niya. Naku, pogi niya sana kaso masama—scratch that, napakasama naman ang ugali niya.

Natawa nalang ako nang maalala ang mukha niya nang marinig niya akong nagsalita gamit ang wikang Italian. Akala niya siguro hindi ako marunong nun, eh marami naman akong alam na salita dahil nakapunta na ako sa iba-ibang sulok ng mundo kakata—

“Ito na ‘yong tubig mo, Zariyah.” Nabitin ang pag-iisip ko nang pumasok si Klein dala-dala ang isang basong tubig na pinakuha ko. Tinanggal ko nalang iyon sa isip ko at pilit na ngumiti kay Klein. I mouthed thank you, and drink the water right away.

“Anong oras daw ang balik ni Kyle?” Tanong ko habang inaabot sakanya ang basong wala nang laman.

“Ewan ko nga din eh, basta babalik din siya kaagad kapag natapos niya na.”

“Natapos ang ano?” Curious na tanong ko. Ano naman kaya ‘yong tatapusin niya na importante nga daw sabi ni Klein?

“Babalik siya kapag natapos niya na ang meeting kasama ang mga bagong investors niya. Marami na din ang nagr-reklamo sa madalang na pagbisita niya sa kompanya.” Paliwanag nito. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil alam ko namang importante iyon at hindi naman pala kung ano-ano.

Third Person's POV

Pagkatapos makipagbarilan ni Kyle sa mga kalaban niyang nakasalubong kanina pauwi sa bahay niya, kaagad niyang tinawagan si Klein at pinaligpit ang kalat niya. Naipalam din ni Klein na gising na si Zariyah kaya nagmamadali siyang pumasok ng kotse. Isang laban nalang, uuwi na siya sa mansion at makikita niya na ang babaeng mahal niya.

Dumiretso siya sa isang abandonadong gusali at mabilis na kinuha ang baril niyang nakasipit sa bulsa niya. Nadikitan niya ng isang tracking device si Yehon bago pa siya makatakas, kaya nasisiguro niyang nandito ang mortal niyang kaaway at ang dalawa niyang tuta.

Tumaas ang kilaya niya nang may maapakan na kung ano. Mahina siyang napamura nang mapagtanto kung ano ito. Ito yung bomba na kapag naapakan mo at gumalaw ka, sasabog.

“Fuck! Fuck! Fuck!” Sunod-sunod niyang mura habang mariing nakapikit. Mabuti nalang dahil hindi pa siya gumagalaw. “Cursed you to fucking death, Yehon!” mahina pero pasigaw niyang sabi.

Tiningnan niya ang paligid para masiguradong wala nang kalaban. Tumaas ang sulok ng labi niya nang may maisip siyang paraan. Kahit ilang bomba pa ang ilagay nila dito, hindi siya mamamatay. Mababait lang na tao ang namamatay, at hindi siya mabait.

May nakita siyang medyo malaking bato na sa tingin niya ay kasing bigat din niya. Dahan-dahang niya itong kinuha at palagi nalang siyang napapamura sa bigat nito.

“Fuck you, rock. Bakit napakabigat mo?!” Tanong niya sa malaking bato kahit alam niyang hindi ito sasagot.

“Shit!” Malakas siyang napamura nang bigla itong tumunog. Hindi ito isang basta-basta o normal na bomba. Mabilis siyang umalis sa pwesto at tumakbo nang mabilis palabas sa gusali. Nangangalahati palang siya nang bigla itong sumabog. Natumba siya at ramdam niya ang sakit ng katawan. Lumingon siya at dahan-dahang tumayo nang makita niyang masusunog na ang buong building. Mabilis siyang lumabas at sumakay ng kotse at kaagad iyong pinaandar.

Fuck you, yehon. Fuck you!

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon