Chapter 72

1.2K 31 1
                                    

A/N: Don't judge Zariyah for being too emotional in this chapter. May trauma siya sa pangyayaring iyon kaya normal ito.

EAMB Chapter 72

Zariyah

Nagising akong namamawis at malakas ang tibok ng puso. Napasapo ako sa aking dibdib bago napahawak sa ulong sumasakit.

16 years na simula nang mangyari ang trahedyang pilit kong ibinabaon. Ang trahedyang nagbigay sa akin ng kakaibang trauma.

Sumasakit nanaman ang ulo ko katulad ng nararamdaman ko kapag napapanaginipan ko ito. Araw-araw ko itong napapanaginipan, ngunit huminto iyon nang makita ko si Kyle. Weird, but 'yon 'yong nararamdaman ko.

Pinunas ko ang luhang hindi ko naramdaman na kumawala na pala sa mga mata ko. Unti-unti itong dumami at maya-maya ay natagpuan ko ang sariling humahagulgol.

Napakabata ko pa nang mangyari iyon, hindi ko dapat iyon nasaksihan. Pinatingin ako nila dati sa therapist noon at sinubukan din nilang patanggalin ang memorya kong iyon ngunit nasa gitna palang habang nagaganap iyon, ako na ang kusang nagpahinto kaya madali ako ngayong makalimot.

Lahat ginawa ng mga taong nag-aalala saakin, ngunit hindi ko iyon basta-bastang makakalimutan. Ang lalaking iyon, nakalimutan ko lang ang mukha niya, ngunit hindi ang tattoo niya.

“Why are you crying?” Hindi ko napansin na nakayakap na pala saakin ngayon ang nag-aalalang Kyle. “Shhss. What happened, honey?”

Pinunas ko ang mga luhang iyon gamit ang likod ng kamay ko bago unti-unting kumawala sa yakap niya. Sinalubong ko ang nag-aalala nitong tingin, hinalikan niya ako sa noo bago nagsalitang muli. “D-did I said something bad?”

Umiling ako bago maliit na ngumiti. Pinugpog ko siya ng halik sa mukha at nagsalita. “Nah, may napanaginipan lang ako.”

Yumakap siya ulit saakin at hinalikan ang temple ko bago bumulong. “Stop crying, it's just a dream.”

Tumango-tango nalang ako biglang pagsang-ayon sa sinabi niya. Gusto kong sabihin ang lahat sa kan'ya, ngunit mayroong parte saakin na tumututol sa gagawin kong iyon. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko iyon sa kan'ya.

Pinaupo niya ako sa kaniyang hita bago marahang binuhat. “I cooked for you.” Napangiti naman ako dahil doon at kaagad na yumakap sa kaniya habang buhat-buhat ako.

“OH, THE TWO love birds are here.” Malakas na anunsiyo ni Rivo dahilan para mapatingin ako sa direksyon niya. Naghahanda silang dalawa ni Klein ng lamesa.

“Inggit ka lang.” Mahinang bulong ko dahilan para mapanguso siya at mapatingin sa bored na mukha ni Klein.

“Baby Klein, inaaway ako oh.” Pinalambot nito ang boses kaya natawa kaming lahat.

Inilapag ako ni Kyle sa isang upuan bago sila umupong lahat. Akmang kukuha na si Klein nang mag-sign of the cross ako at mapatingin sa direksyon ko si Klein.

Binawi niya ang kamay bago nag-sign of the cross din. “Oo nga pala, magdasal na muna tayo.” Anito dahilan para sumang-ayon naman ang lahat. Si Klein ang naglead ng prayer kaya pansin na pansin ko ang tingin ni Rivo kay Kyle na parang nang-aasar.

“KUMUSTA na pala kayo ni Tijana?” Biglang tanong ni Kyle sa gitna ng pagkain namin.

Biglang itong tumigil sa pagkain at nag-iba ang ekspresyon sa mukha. Malayong-malayo sa Rivo na nakilala ko. Ibang-iba ang mukha niya ngayon at mukhang galit na galit ito sa pangalang binanggit ni Kyle.

“Don't mention the name of that b#tch.” Madiin nitong sabi at napatingin ako kay Kyle na ngayon ay nakangisi nang malapad.

Napa-iling-iling nalang habang nakangiti ng nakakaloko si Kyle at nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin ako sa tahimik na Klein habang kumakain. Hindi ito nagsasalita kanina habang nagk-kwentuhan kami. May problema kaya ang lalaking ito? Sana naman wala. Pero napakaseryoso nito at hindi umiimik. Alam ko iyon at napapansin ko kaagad dahil kaibigan ko siya.

Nang matapos na kaming kumain, nagpresenta na ako na ako nalang ang maghuhugas dahil parang may pag-uusapang importante ang tatlong lalaking ito.

Tumutol pa si Kyle sa paghuhugas ko pero wala na din siyang nagawa ng ngitian ko siya at nang hilahin siya ni Klein at Rivo sa terrace nitong malaking bahay.

Napa-iling-iling nalang ako habang nakangiti. Nilinis ko muna ang lamesa bago ko inilipat ang mga gamit nang plato sa may lababo at nagsimula nang maghugas ng pinggan.

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now