Chapter 42 - Amnesia

1.8K 72 0
                                    

EAMB Chapter 42 - Amnesia

Third Person's POV

*Continuation of the Flashback*

Nagising si Solina na sumasakit ang ulo. Bumangon siya ngunit kaagad naman siyang napahiga ulit dahil kumirot ang sugat sa ulo niya.

“Mabuti naman at nagising kana.” anang kaniyang ina na nakaupo pala sa tabi niya. “Kamusta ang iyong pakiramdam, anak?”

Tiningnan siya ng dalaga na puno ng pagtatanong at pagtataka. “S-sino ka? Asan ako? Sino ako?” sunod-sunod niyang tanong.

Napahawak ang kaniyang ina sa bibig na parang gulat na gulat sa nangyari. “W-wala kang matandaan?” pagtatanong nito.

Solina's POV

“W-wala kang matandaan?” tanong ng babaeng kaharap ko ngayon.

“W-wala ho. Sino po ba kayo?” gulong-gulo na tanong ko. Hindi ko naman siya kilala at hindi ko rin alam kung nasaan ako at... Kung sino ako?

Wala akong matandaan. Parang nablanko lahat ng memorya sa isipan ko. Ngunit may isang pangalan na hindi mawala sa isip ko.

“Ako si Lina; ang iyong ina.” maluha-luha nitong sabi. “At ikaw naman si Solina; ang aking anak.”

“Teka lang, anak. Lalabas na muna ako at may kakausapin.” pagpapaalam nito at lumabas ng bahay.

“Lina? Solina?” Wala akong matandaan tungkol sa mga pangalang ito. Ano ba ang nangyari saakin?

Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong kumirot dahil sa lubusan kong pag-iisip.

Nabaling ang paningin ko sa mga taong pumasok ng bahay kubo. Tatlong lalaki at dalawang babae. Pamilyar ang mga mukha nila ngunit hindi ko mawari kung ano ang mga pangalan nila at kung sino sila?

Lumapit ang lalaking may edad na at hinawakan ang ulo ko. Para niya rin akong ino-obserbahan.

“Pamilyar ba ang mga mukha namin?” tumango ako. “Kilala mo ba kami? Ang mga pangalan namin?” umiling ako. “May natatandaan ka ba kahit kunti lang?”

Tumango ako. “Isang pangalan lamang ho. M-mario. Mario lamang ho ang aking natatandaan. Maaari ko ho ba siyang makita? Para ho kasing malaking bagay saakin na makita ko siya.” hindi ko napigilan na mapangiti habang sinasabi ito sakanila. Para kasing may espesyal siyang parte sa puso ko.

“M-mario?” tumawa ang nagpakilalang ina ko raw. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ang boses niya habang tumatawa. “W-wala kang kilalang mario, anak.” dagdag nito.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Wala? Ngunit bakit sobrang pamilyar siya saakin?

“Para namang ewan 'tong si Solina! Wala kang kilalang Mario.” tatawa-tawang sabi ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang.

“Paumanhin, ngunit hindi kita kilala. Maaari ko bang malaman kung ano ang mga pangalan niyo?”

“Ako si Josefa; pinsan at kaibigan mo.” pakilala ng babaeng nagsalita lamang kanina. “Siya si Auntie Lina; ang nanay mo.” turo niya dun sa isang babae na nagpakilala ngang nanay ko kanina. “Siya si Uncle Resposo; siya ang tatay mo.”

“Ito si Apo Delema; ang mang-gagamot mo at ang lola nating dalawa.”

“At... Ito naman si Leo; ang iyong kasintahan na malapit mo nang maging asawa.”

“Maaari mo bang ulitin ang iyong sinabi, Binibining Josefa?” namali lang siguro ako ng dinig. Para kasing imposibleng magkaroon ako ng kasintahan at... Malapit ko na siyang maging asawa?

Alam kong nakalimot ako, ngunit hindi ko maramdaman ang presensya niya sa puso ko. Si Mario. May nararamdaman akong kakaiba sa lalaking ito. Sino nga ba itong ginoong ito?

“Ang sabi ko, ito si Leo; ang iyong kasintahan at ang taong malapit mo ng pakasalan.” kaagad na sabi ng binibining nag-ngangalang Josefa.

“Paumanhin sa sasabihin ko, ginoo. Ngunit wala akong maramdaman saiyo. Nakalimot nga ako pero hindi ibig sabihin nun na nawala na rin sa puso ko kung sino ang aking tunay na mahal. Ngayon, sabihin mo saakin kung totoo nga ba ang sinasabi ni Binibining Josefa.” alam kong mali ang sinabi ko, ngunit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Kitang-kita ko ang lungkot na gumuhit sa mukha ni Ginoong Leo. Pasensya na, hindi ko sinasadyang masaktan ka dahil sa sinabi ko. Ngunit katulad nga ng sinabi ko kanina, iyon ang lumabas sa bibig ko.

“T-totoo ang sinabi ni Josefa, aking Binibini.” Parang nanghihinayang siya sa kaniyang sagot.

“Bakit parang nanghihinayang ang iyong boses, Ginoong Leo?” matapang kong tanong. Hindi ako bastos ngunit bakit hindi ko talaga siya maramdaman? Bakit iba siya sa tingin ko? Alam kong hindi siya ang nobyo ko.

Tumawa ako ng marahan nang hindi siya makasagot at parang napipi sa kinatatayuan niya. “Bakit hindi ka makasagot, Ginoong Leo?” alam kong sa tuno ko ay wala na akong galang ngunit kailangan ko parin gamitin ang salitang 'ginoo' para pantawag sakanya.

“Huwag kang bastos, Solina!” sigaw saakin ni Inay. Nanay ko ba talaga 'to?

Tumingin ako sakaniya at bahagyang yumuko. “Ipagpasensya mo ang ugali ko, ginang—ina pala. Ngunit ano ang aking gagawin kung nararamdaman kong hindi totoo ang sinasabi niyo na wala akong kilalang Mario at itong si Leo ang nobyo ko.”

“P-pero wala ka talagang kilalang Mario. At itong si Leo, totoo ang sinasabi naming nobyo at magiging asawa mo na siya.” pahina ng pahina ang boses niya.

Huminga ako ng malamin at marahas na pinakawalan iyon. “Sino ho ang nagdesisyon na papakasalan ko siya?”

“Ikaw. Ikaw ang nagdesisyon, Anak.” sabat ng tatay ko daw.

“Ngayon, hayaan niyo ho ako magdesisyon.” tiningnan ko si Leo. “Wag mo itong damdamin, Leo. Ngunit desisyon ko ito, hayaan niyo muna ako.” bumuntong hininga ako. “Gusto kong bawiin ang desisyon kong pagpapakasal kay Ginoong Leo. Hayaan niyo na muna akong makapag-isip-isip at maalala ang nakaraan—”

“Hinding-hindi iyon mangyayari!” biglang sigaw ni Josefa na nagpatigil sa aking pagsasalita. “Ang ibig kong sabihin, 'wag mo nang kanselahin dahil sayang naman...”

Naningkit ang mata ko sa pinsan kong si Josefa. Magsasalita na nga sana ako, pero naunahan na ako ni inay.

“Tama ang pinsan mo, Solina.”

“Mawalang galang na ho, ngunit ako ho ang magpapakasal, hindi kayo. Kaya nasaakin ang desisyon kung kailan at kung papakasalan ko nga ba siya.” mahinhin pero may diin kong sabi.

“Mabuti nga siguro.” sabat ng aking itay. “Hayaan na muna natin siyang makapag-isip at para rin makapagpagaling siya.” ngumiti ako sakanya. Mabuti nalang at sumangayon siya saakin.

“Resposo!—” sigaw ng ina ko pero kaagad din siyang napigil ni itay.

“Ako ang lalaki sa tahanang ito, kaya ako ang masusunod.” walang nagawa si Nanay kundi ang tumahimik.

Nagkwentuhan muna kami ni Josefa bago ako nagpasyang kumain na. Lugaw ang kinain ko at gawa daw iyon ni Josefa. Masarap iyon.

Napansin ko din kanina habang nagk-kwento si Binibining Josefa na madaldal at makulit siya. May nakwento din siya na may lalaki siyang nagugustuhan dito sa lugar namin, ngunit may nagkakagusto na rito na malapit kay Josefa at sa tingin niya ay may gusto din itong lalaki sakanya.

Pinagpahinga na din muna ako nina Apo Delema dahil baka daw sumakit ang ulo ko.

Third Person's POV

“BAKIT mo hinayaan ang ating anak sa kanyang ginugusto?” inis na tanong ng ina ni Solina sa kaniyang asawa habang sila ay nasa palayan.

“Hayaan na muna natin siya, Lina. Ngunit hindi ko hahayaan na magkita muli ang ating anak at si Mario.”

———

Happy 4.11k reads, EAMB!!!

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now