Chapter 82

1K 29 4
                                    

EAMB Chapter 82

Kyle

Nang bumaba si Zariyah sa kusina, nagpaiwan ako upang pakinggan kung ano ang kaniyang ginawa kanina. Para akong kinakabahan at nae-excite. I don't know why I'm feeling this excitement, maybe because malalaman ko na kung ano ang tinatago niya? Fuck! I don't even know.

I locked the door so that she can't come inside without letting me know. Kinuha ko 'yung susi na nakalibing sa loob ng paso bago lumapit sa sahig at tinanggal ang isang kunwaring tiles doon bago sinusian at inilapit ang isang daliri ko sa scanner. Nandoon ang lahat ng sikretong gamit ko. May baril doon, laptop na naglalaman ng mga illegal na gawain, at kung ano-ano pa.

Kinuha ko ang laptop bago bumalik sa lamesa at nagsimulang magtipa. Ikinonekta ko iyong USB ng speaker at binuksan ang recording kanina sa banyo.

Kumunot ang noo ko nang may marinig na sumusukang babae. Ilang beses akong napakurap-kurap habang nakatingin sa screen ng laptop ko. What is the meaning of this?

Shit! Is she pregnant? Carrying my child?

Naka-ilang mura ako sa isipan bago napagpasyahang patayin ang laptop at ibalik ito kung saan nanggaling. Imposible namang may nakain lang siya kagabi, eh lahat kami kinain ang lahat ng kinain niya.

Hinilot ko ang sumasakit kong sintido bago ko binuksan ang pintuan. Sakto naman dahil papasok na siya sa pinto. Inosente niya akong tiningnan bago gumilid ang leeg niya at nagtatanong akong tiningnan. How cute...

Zariyah

Bakit naman ganito makatingin ‘tong si Kyle? Para siyang naguguluhan at nangingiti na ewan. Kinakabahan tuloy ako habang nakatingin sa kaniya.

“Come inside.” Matigas ang kaniyang boses.

Tanging tango nalang ang naisagot ko bago tuluyang pumasok sa loob. Narinig ko naman ang paglock niya sa pintuan.

Wait, hindi kami pwedeng magsex ngayon. Malalagay sa panganib ang anak namin. Shit!

Nakatungo siyang lumapit saakin habang nakahawak sa sintido niya. Ilang beses siyang nagpalakad-lakad sa harap ko kaya ako na ang unang nagsalita.

“A-anong problema?”

Nakakunot ang noo niyang tumingin sa'kin bago ako nilapitan. “May gusto ka bang pagkain?”

Ako naman ngayon ang gulat na nakatingin sa kaniya. A-alam na ba niya? No fucking way.

“N-naitanong ko lang naman.” Dagdag pa niya na ikinaluwag ng pakiramdam ko. Akala ko naman, alam na niyang buntis ako. 'Yon pala, tinatanong niya lang kung ano ang gusto kong kainin.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na gusto ko ng mangga na kulay pink at may mayonnaise, pero masyado naman akong halata kapag gano'n.

Nginitian ko siya bago sana sabihin ang gusto ko pero nabulahaw kami nang parang desperadong kumatok si Rivo at Klein sa pintuan.

“Open the goddamn door, Montenegro!” Narinig kong sigaw ni Rivo sa labas habang patuloy parin sa pagsuntok sa pintuan.

Mabilis namang lumapit doon si Kyle at binuksan iyon. Napahawak ako sa balikat ni Kyle nang may marinig akong ilang putok ng baril.

Mabilis namang hinawakan ni Kyle ang kamay ko bago sinira ang pader—pekeng pader pala. Sa loob ng pader na iyon ay may lagusan o tunnel papunta sa kung saan. Inisang suntok niya lang iyon at nauna na si Rivo, sumunod ako at nasa likod ko naman si Kyle, habang nasa huli si Klein.

Shit! Shit! Shit! Ito na ba 'yon?

Nang tuluyan na kaming makalabas sa loob ng isang mahaba at masikip na tunnel, maraming mga lalaking nakakulay black at pula ang sumalubong saamin. Sinakay ako nila sa isang kotse, at nagpa-iwan naman ang tatlo sa labas.

Gulat akong lumingon kay Kyle habang nagtatanong ang mga mata. Siniil niya muna ako ng isang madaliang halik bago ako niyakap. Tuloy-tuloy na ang mga putukan na naririnig ko na siyang mas lalo kong ikinakaba.

“Take care, my zari. Always fucking remember that I'm fucking inlove with you. I love you.”

“What do you fucking mean, Kyle?” Biglang nag-iba ang boses ko dahil sa kaba at pati na din sa pag-aalala.

“Mauna na kayo, susunod nalang kami.”

Sinenyasan niya ang driver at mabilis na umandar ang kotse kung saan nakasakay ako. Sinubukan kong sipain at buksan ang pintuan ng kotse, ngunit ito'y naka-lock na.

Nangingilid nalang ang luha ko habang nakatingin sa kanilang nakikipaglaban. No! Kailangan ko silang tulungan. Fuckshit! Hindi ko hahayaang lumaban sila do'n, habang wala akong ginagawa dito.

Nakailang mura ako sa isip ko habang sinusubukan paring buksan ang pintuan.

“Are you inlove with Kyle, Zariyah?” Isang malalim at pamilyar na tinig ang narinig ko.

Kinakabahan akong tumingin sa driver's seat habang nakataas ang kilay. “Z-zach?”

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now