Chapter 70

1.1K 35 3
                                    

EAMB Chapter 70

Third Person's POV

Mabilis namang nakabawi si Kyle sa pagkabigla. Tumuon ang pansin niya kay Gomez na ngayon ay parang iniiwasan na makita ng dalaga ang mukha nito.

Ngumisi si Kyle bago lumipad sa ere at malakas na sinipa ang dibdib ni Gomez at hindi naman ito kaagad na nakailag. Sinulit ni Kyle ang oras bago mahinang napamura nang masuntok siya ni Gomez sa tiyan.

5 seconds.

Ginamit niya ang buong lakas para masuntok si Gomez ngunit lagpas na ang limang segundo, nagsusuntukan parin sila. Pareho na silang basa ng pawis at may dugo ang bibig.

Ilang ulit siyang nakarinig ng putok ng baril dahilan para mag-isip siya nang kung ano. Fuck! Narito nga pala si Zariyah. Ilang ulit siyang nagmura bago sabay silang lumingon sa gawi ng dalaga na ipinagtaka niya.

Bakit iba ang pakiramdam niya dito sa lalaki?

Nakahinga naman siya nang maluwag nang makita niyang hindi naman nasaktan ang dalaga at ito pa nga ang pumapatay sa mga tauhan nina Gomez.

Kinuha ni Gomez ang oras na iyon para itulak nang malakas si Kyle dahilan para mapahiga ang binata sa nagkalat na dugo ni Akil sa sahig.

Kaagad siyang tumayo at mabilis na kinuha ang baril na nasa gilid ni Mara at ginamit iyon para barilin ang katunggali.

Nang masigurong hindi na muling makakabangon si Gomez, nilapitan niya ang dalaga at mabilis na hinawakan ang kamay. Naririnig niya na mula sa ibaba ang police siren at nasisiguro niyang plano ito nina Gomez para madiin siya at makulong.

Ilang beses muna siyang nagpaputok ng baril sa mga tauhan nina Gomez bago mabilis na tumakbo papunta sa pader kung saan may butas para makapunta sa itaas ng gusali.

Zariyah

Nang makapunta kami sa itaas nitong gusali, nakita kong nakahandusay sa sahig ni Klein at halatang pinipilit na imulat ang mata.

"Fvck! Klein!" Mabilis kaming lumapit sa kaibigan ko at sinuri siyang mabuti ni Kyle.

"H-hindi na ako magtatagal, Zariyah..." Mahina at namamaos nitong saad dahilan para tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Shut the fvck up, Merxo! Hindi ka pa mamatay!" Sigaw ko sa kaniya habang mabilis paring tumutulo ang mga luha ko mula sa mata.

Napangiwi ito at unti-unting pumikit. "This is not the time to joke, Klein Merxo. You're not funny." Madiin at seryosong saad ng katabi kong si Kyle.

Unti-unting nagmulat ito ng mata bago ngumiti ng nakakaloko dahilan para mahina ko siyang suntukin sa tiyan. "Ang ibig kong sabihin, hindi na ako magtatagal na gising. Nakakaantok na kaya, hindi pa ba kayo inaantok?" Naghikab ito at kaagad na tumayo.

Tiningnan ko siya nang masama bago mahinang bumulong. "Mamaya ka talaga sa'kin, Klein."

"Where is Rivo?" Tanong ni Kyle habang masama din ang tingin kay Klein.

"'Wag niyo nga akong titigan nang gan'yan. Para naman kayong mangangain eh." Tumingin ito sa itaas at may itinuro. "Nando'n si Rivo oh."

Lumapag ang isang helicopter sa harap namin at mabilis kaming ipinasakay sa loob.

"Are you okay?"

"Yes, I'm okay. Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan eh. Okay ka lang ba? May dugo ka oh."

"I'm fine. Ignore that." Wika nito bago ako hinalikan sa noo.

Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat bago ipinikit ang mga mata. "Sleep well, honey." Anito bago ako hinalikan sa labi at pinisil ang kamay naming magkahawak.

Narinig ko pa ang mahinang bulong ng taong nagngangalang Rivo bago ako tuluyang nakatulog. "Langgamin sana kayo."

_Agratha | Carla

Encountered a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon