Chapter 14 - Three days to fully recover

3.2K 124 1
                                    

Zariyah's Pov

Lumapit ako sa pintuan at akmang bubuksan na nang bigla itong bumukas at iniluwa si Mr. Stranger. Nasa likod naman yung maid niya na may dalang isang tray ng pagkain.

Tiningnan ko ng masama si Mr. Stranger. "S-sino ang n-nagpalit ng d-damit ko?"

Ano ba yan! Ba't ba kasi ako nauutal?

Nakaramdam ako ng kaba at hiya nang mag-smirk siya.

"Who do you think?" He asked while smirking.

I gritted my teeth. "S-sino nga k-kasi?" Inis kong tanong.

He chuckled. "Yaya Soling did that."

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Hayy...Akala ko naman..."

Tumawa ulit ito ng marahan habang hinahawakan ang nose bridge niya. "Akala mo ako?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ay wow! Advance ka din mag-isip, noh?"

"Don't worry, Ako magbibihis sayo sa susunod."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Hoy! Wala nang susunod!"

Hindi ito nagsalita kaya inunahan ko na. Naalala ko kasi yung phone ko.

"Nasaan nga pala phone ko?"

May kinuha siya sa bulsa niya na sa tingin ko ay cp ko. Ibinigay niya yun saakin at hindi nga ako nagkamali, cellphone ko nga.

Pagkabigay niya nun ay sakto ding tumatawag si Michelle. Kaagad ko naman itong sinagot.

"H-hello?"

["Hayss...ba't di mo sinasagot mga tawag namin?"] Mahinahon niyang tanong.

"Nakatulog kasi ako at wala naman saakin yung cp ko. Ngayon ko lang nakuha."

["Ganun ba? Kamusta pakiramdam mo?"]

"Okay-okay naman."

["Pag-okay kana, pumunta ka dito sa bagong location ng coffee shop. Isesend ko nalang sayo yung address. Kakausapin ka daw ni Mudra."]

OMYGHAD! Katapusan ko na!

"S-s-sige. Bye..."

Pinatay ko na ang tawag at bumalik sa coffee table kung nasaan ang reseta ni Doc.

Pinicturan ko yun para matandaan ko at bibilhin ko nalang sa botika. Isinauli ko na din yung Saridon dahil hindi ko pa naman yun nabuksan.

Lumapit ako kay Mr. Stranger. "M-magkano yung binayad mo sa Doctor? Babayaran nalang kita sa susunod na sweldo ko." Kung makahanap ulit ako ng trabaho. Baka kasi tanggalin ako ni Mudra.

Taka niya akong tiningnan. "You don't need to pay."

Nakahinga naman ako ng maluwag. "S-sige. T-thank you. Mauna na ako."

Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan ni Mr. Stranger ang braso ko.

"Wag ka munang umalis hangga't di ka pa okay."

Pilit kong tinatanggal yung kamay niya pero mas lalo niya lang dinidiinan. Hindi naman masakit pero madiin talaga yung pagkahawak niya.

"O-okay na kaya ako."

"You're not fully recover. Three days bago ka pa makarecover sabi ni Doc. So you'll stay here for three days."

Binitawan niya ang kamay ko. Nginiwian ko naman siya. "Okay na nga ako. Kayang-kaya ko na nga tumambling, mag-split at tumakbo ng mabilis."

"Hindi ka pa okay. Pwedeng makasama sayo kapag nagpumilit kapa." He said.

"Okay na nga kasi ako." Kulang nalang talaga lumumpasay ako sa sahig at umiyak. Okay na nga kasi ako!

Bahagya siyang yumuko at binuhat akong parang sako. Nagpupumiglas ako pero wa-epek...

Dahan-dahan niya akong binaba sa kama. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "You'll stay here until you're okay."

Inirapan ko siya at humalukipkip. "Tss."

Sinenyasan niya yung Yaya na may bitbit na tray. Inilapag muna nung yaya ang tray at kinuha yung maliit na lamesa at inilagay sa itaas ko. Pagkatapos niya yung mailagay ay yung tray naman yung inilagay niya sa lamesa.

"Yaya Soling, ikaw na po bahala sakanya." Sabi ni Mr. Stranger dun sa Yaya bago siya umalis. Naiwan kaming dalawa ni Yaya na nakatingin sa pinto.

"Hi, iha. Ako nga pala si Yaya Soling." Pakilala nung yaya.

"Ahm, hi po. Ako po si Zariyah Eurydice Cervantes." Pakilala ko at nakipagshake-hands.

"Oh siya, kumain kana at kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako. Sabihin mo lang ang kailangan mo diyan sa parang speaker. Rinig ko yan dun sa baba." Sabi niya at umalis na.

Tiningnan ko naman yung tinutukoy niyang speaker na nasa tabi lang naman nitong bed. Kulay puti ito at parang pamilyar 'tong bagay na 'to.

Ahh, okay. Ito yung ginagamit ni Joaquin(Daniel Padilla) dun sa dramang Got to believe in magic.

________

(A/N: Yieee~ sana meron din akong isang Kyle Montenegro. Isang malaking sanaol sayo, Zariyah.)

Don't forget to Vote, Comment and Share. Follow me also.😽

Tiktok Acc: _agratha (or) WP anonymous writer

FB page: Agratha

Encountered a Mafia BossWhere stories live. Discover now